Hanggang Tingin Lamang

446 19 1
                                    

Hanggang tingin lamang

Bakit kailangan masaktan
Sa taong hanggang tingin ka lang naman

Isang araw
Nang ikaw ay matanaw
Sa status mong nakakapukaw
Dahil sa taglay na matang mala perlas sa hikaw

Kinikilig sa tuwing napapatitig
Napapatawa sa tuwing ikaw ay nagpapatawa
Magrereact ng ibang reaction ako ako lang ang naiiba
At laging updated sayo kahit nasa malayo

Ang saya ko talaga tuwing nakikita ka
Ang mga mapupungay mong mata
Ang labi mong pulang pula
At ang kilay mong nakakatuwa

Gusto na yata kita
Mali mahal na kita
Mahal ma mahal
Mahal pa sa mahal

Kasi kaya mo akong pasayahin sa isang video mo
Kaya mong palakasin ang puso kong nasira ng iba
Kaya mo akong iligtas gamit lang ang quote na iyong ibinida
At kaya mo ring ilabas ang sarili ko

Ako na dating iba sa paningin nila
Ako na hindi tanggap ng aking pamilya
Ako na nanghihina sa kanilang pangungutya
At ako na sinasabi nilang walang kwenta

Pero ikaw
Ikaw na pinlakas mo ang loob ko
Ikaw na pinakit ang halaga ko
At ikaw na nagsabi na magpakatotoo ako

Kaya salamat sayo kahit hindi mo ako kilala
Isa man akong muta sa iyong mata
Kaya ko pa rin bumalik kahit nantataboy ka na
Para lang ipakita sayo na mahal kita

Gagawin ko yan para sayo
Kahit alam ko
Sa sarili at pagkatao ko
Na hangang tingin lamang ako sayo

---------

Heelllloooo guyzzz....

And again please comment for your reaction and for your request...

And vote if you like it...










Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon