Nasaan Ka Na Ba?

729 19 2
                                    

Nasaan ka na ba?

Iyan ang tinatanong ko
Ngayon sa isipan ko
Naghahanap ng marka mo
Sa paligid ko

Hinahanap pa rin kita
Isama mo na ang pag-alala
Pag-alala sa ginawa nating storya
Storyang ako ang bida habang ikaw ang kasama

Pero parang mali ang aking nagawang tula
Parang may hindi tama sa aking winika
Kaya iibahin ko na ang aking ginawa
Bago pa ako masabihan ng hindi tama

Ito ay ang salitang pag-alala sa ginawang alaala nating dalawa
Ngunit wala naman tayong nagawang alaala
Ang katagang ako ang bida habang ikaw ang kasama
Ngunit ang totoo isa lang ako sa iyong kaeksena

Pero kahit ganun ang nangyari
Hindi ko pa rin kayang isipin
Kung bakit pa tayo naging ganito
Ganitong akala ko may tayo pero ang totoo pinaasa mo lang ako

Pero kahit ganun natatawa pa rin ako
Kung paano ako nagpakatanga sayo
Kung paano kita unahin kahit kanino
Maprotektahan lang ang inakalang "tayo"

Alam kong sobra akong natagalan
Bago pa malinawan
Sa ginawa mong pang-iiwan
Para lang makamit ang iyong kasiyahan

Kaya andito ako sa iyong harapan
Para makuha na ang kasagutan
At para na rin maliwanagan
Sa aking katanungan

Ngunit nahuli na pala ako sa oras
Dahil para na akong tinatabas
Sa dinulot na kahihiyaan
Para ipaglaban ang inakalang pagmamahalan

Pero naglaho nalang parang bula
Ang nag-uugnay sa ating dalawa
Sa salitang ikaw at ako
Ito kailangan para makabuo ng salitang tayo

Ngunit bago ako tumalikod sayo
Tinanong ko muna ang sarili ko
Kung paano nawala ang ugnayan
Nang ating pusong nagmamahalan

Kaya sisimulan ko ito sa paglayo mo
Na naging dahilan ng paghahanap ko naman sayo
Ang pag-iwas mo sa tingin ko
Na simula naman ng panghuhuli ko sayo

Nais ko lang naman bumalik
Sa ating relasyon na akala ko ay manunumbalik
Gusto ko bumalik kung saan hindi pa komplikado ang ating samahan
Na tayong dalawa lang ay pwede nang magkasiyahan

Pero bakit pa kasi nauso ang "Katapusan?"
Hindi ba pwedeng kasiyahan nalang at wala nang katapusan?
Katapusan....na dapat nga bang bigyan ng katapusan?
Sa isang relasyong itong hindi man lang natin nasimulan

Kaya para sa relasyong hindi alam kung paano sisimulan
Isipin mo nalang ang magiging kalabasan
Para hindi ka iwan ng luhaan
Sa sinasabi nilang katapusan

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula kahit medyo sabaw ako ngayon hahahahha

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...

















Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon