Tagu-taguan
Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Pagkabilang ko nang tatlo
Nakatago na kayoLarong hindi natin pwedeng kalimutan
Dahil parte ito ng ating kabataan
At kung hindi mo ito naranasan
Hindi kompleto ang iyong kabataanTagu-taguan, maliwanag ang buwan
Naisip mo bang hindi lang bata
Ang maglaro ng taguan
Pati na rin ang kabataanTagu-taguan maliwanag ang buwan
Bakit pa natin itatago ang ating nararamdaman
Sa pusong nagmamahalan
Para tayo ay saktanPagkabilang ko ng tatlo,nakatago na kayo
Pero bakit sinama mo pa ang puso ko
Ang pusong kong nagmamahal
Pero kahit kailan hindi mo sinuklianIsa... Isang laro pero nahihirapan
Dalawa... Dalawa lang tayong nagtataguan
Pero bakit hindi parin naghahanapan
Tatlo...tatlong taon na naglolokohan
Para lang pigilan
Ang pusong nagmamahalanMagtago na
Ang sinisigaw ng damdamin ko
Para lang maiwasan ang tingin mo
Sa tuwing nagkaka-uusap tayo"Kayo" ang salitang sinasambit nila
Para bang sa paningin nila
Ay meron ikaw at ako
Pero sa bawat sambit nila sa salitang ito
Ay parang sinisigaw mong wala talagang tayoTagu-taguan,kahit saan tignan
Maliwanag talaga ang buwan
Kasing liwanag
Kung paano tayo naghihintayanGusto ko sana matago pa
Ngunit naiisip kong pagod ka na
Gusto ko na sana magpataya
Ngunit baka hindi ka naman magpakita
Katulad na lamang ng dati mong ginawaPero dahil mahalaga ka
At mahal kita
Ako ay magpaparaya na
Magpapahuli at magpapataya
Para tayo ay magkatuluyan naKaya't sana huwag ka na lumayo
At magtago
Dahil bago pa tayo magsimula sa larong ito
Ikaw na ang nilalaman ng puso at isipan koPero
Pero nang magtatapat na sana ako
Sinabi mong tapos ka na ring magtago
Mapapangiti na sana ako
Kung hindi mo lang ako pinakilala sa kasama moAkala ko kaibigan mo lang siya
Pero lagpas pa pala sa aking inaakala
Kaya isa lang ang aking nabitawang salita"Huli na pala ako"
Ang nasambit ko sa harapan niyo
Huli na pala ako sa pagtatapat sayoBakit pa kasi ako nakipaglaro sayo
Kung alam ko na namang simula palang ako na ang talo
Talo sa larong ito
Lalo na sa puso moPero mahal para sa ikakasaya mo
Kakalimutan ko nalang ang nararamdaman ko
Tutal naman ako naman ang unang nakipaglaro sayo
Kaya hindi dapat ikaw ang sisihin ko kundi akoSanay naman ako magparaya ng ganito
Bakit hindi ko pa ulitin
Para sa ikakasaya mo
Mali ako
Para sa ikakasaya pala ninyoKaya sa bumabasa nito
Alam kong mahirap magtapat sa mahal mo
Pero tandaan mo
Mas okay na yung sigurado kaysa pagsisihan mo---------
Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula
At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below
And...
Please vote and follow me
P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesiaAng aking mga tulang mabubuo ay tatagos sa inyong mga puso... -NotPerfect09