Anak Niyo Ko

680 18 2
                                    

Hello po ang tulang ito ay para sa mga batang nawala yung atensyon ng kanilang magulang.Sana po magustuhan niyo ito.

---------

Anak niyo ko

Ang gusto kong sabihin sa inyo
Pero hindi ko alam ko papaano
Ako yung binuo mo
At ako yung nagdadala sa apelido niyo

Pero bat parang hindi ko nararamdaman na magulang ko kayo
Na ako yung anak niyo
Na yung batang nagpapasaya sa inyo
Sa tuwing napapagod kayo

Masaya naman kasi noong una
Pero nang dumating sila
Ewan ko
Bat parang nawala

Nawala yung masaya
Masaya sa buhay ko
Nawala yung naranasan ko nung bata
Noong tayong apat lang sa pamilya

Yung binubuo lang ng mama at papa
At ang kuya kong mahal ko
Kahit turing sa akin ay masama
Poprotektahan ako sa abot ng kanyang makakaya

Pero nagbago
Wala na sa kin ang atensyon
Nakakaramdam ako ng selos
Selos sa mga pinsan ko

Pero teka bakit nga ba ako magseselos
Kasi sabi niyo mas okay pa ako
Kasi yung nanay nila wala dito
Habang ako kasama kayo

Pero mama...Anak niyo ko
Bat hindi ko maramdaman na andyan kayo
Kasi sabi niyo andyan kayo
Pero hindi ko maramdan na nasa tabi ko kayo

Kasi ma
Sa tuwing may meeting sa klase ko
Nagpapapunta ka ng iba
At pinipili ang pinsan ko

Sa tuwing matatapos ang misa
At kakain tayo
At iba ang gusto ko sa gusto nila
Sasabihin niyo pagbigyan sila kasi bata

At sa tuwing nasasabihan ako ng masasakit na salita
Hindi niyo man lang ako kaya protektahan galing sa kanila
At pagtatawanan niyo lang ako
At sasabihing anong inaasar nila "Na mataba ka at panget ka?"

Ang sakit...Sobrang sakit
Kasi yung pinsan kong naghahanap ng pagmamahal
Binigay ng magulang ko
Pero akong anak niyo nakaranas sayang paglalaho

Kasi ngayon mama
Kaipangan ko nang ina
Na maghehele sa pagtulog ko
Para makamtan lang ang gabi napakakalma

At ang papa
Na sa akin ay magpoprotekta
Sa nakakatawang pang aasar
At sakit ng dulot ng iba

Mama at papa
Isa lang ang gusto kong sabihin sa inyo
Sana isang araw magising kayo
At malaman niyo ring anak niyo ko

---------

Hello sana nagustuhan niyo itong tulang ito.

Dont forget to vote if you like

And

Dont forget to comment for your thought








Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon