Ang tulang ito ay para kay AngelicaRamos439...sorry kong natagalan
---------
Sana ako nalang
Isang pakiusap
Na sana ay matupad
Pero kaya nga bang tuparin
Kung may iba ka pang uunahinNagsimula tayo sa isang titigan
Sunod ang bigayan ng pangalan
Hanggang sa magkamayan
At nahulog ako sayo ng tuluyanDahil sa nangyari
Puso ko ay umasa
Na may pag-asa talaga
May pag-asa sa pagitan nating dalawaUmasa ako na magiging tayo
Umasa ako na ang love at first sight ay totoo
Umasa ako na mamahalin mo ako
At umasa ako sa paniniwala koPaniniwalang niloko lang pala ako
Paniniwalang inasahan ko
Pero ng totoo
Pinapaasa lang pala akoKasi ikaw na mismo ng sumampal sa akin ng totoo
Na hindi talaga pwedeng maging tayo
Dahil may iba ka nang nahanap na tao
At hindi ako yunKaya napapatanong na lang ako
Kung nasabi ko sayo
Ang mga "sanang" tanong ko
Papakinggan mo kaya akoPero kahit hindi mo ako pakinggan
Kaya kong magmakaawa sa mahal ko
Kasi mahal kita at walang halong panloloko
Kaya sana ako nalangSana ako nalang ang katabi mo
Sana ako nalang ang kasama mo
Sana ako nalang ang katawanan mo
At sana ako nalang ang pinapahalagaan moKasi kung ako ang pinili mo
Gagawin ko naman lahat ng gagawin mo
Kasi ganyan ako magmahal
Magmahal sa taong mahal koKaya kong ibigay ang puso ko
Kaya kong ipagpalit ang kasiyahan ko
Kaya kong unahin ka sa lahat ng prioridad sa buhay ko
Kaya kong pasayahin ka kahit labag sa loob ko
Kaya kong mahalin ka kahit may mahal kang iba
Kaya kong ibaba ang pride ko magkaayos lang tayo
Kasi mahal kita
At kaya kong gawin lahat para lang sa ikakasaya mo
Kaya mahal kung mababasa mo man ito
Ako nalang
Sana
Sana ako nalang---------
Hello guyss i know na medj na panget yung update ko ngayon...
Sabaw po kasi ako ngayon at naiwan ko yata yung utak ko nung pasko
So guys dont forget to comment,vote and share your thought about this poetry...
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
ŞiirAng aking mga tulang mabubuo ay tatagos sa inyong mga puso... -NotPerfect09