Gitara

1.2K 18 0
                                    

Gitara

Ito ang tinutugtog mo sa tuwing masaya ka
Habang ako tinutugtog ito kapag may kasama kang iba
Para mawala
Ang sakit na pinadama

Ito na
Sisimulan ko na
Ikukwento ko na sa madla
Kung para saan nga ba sayo ang gitara

Sandalan mo ang gitara
Sa tuwing ikaw ay may problema
Katulad nung iwan ka niya
Kasama mo lang ang gitara

Gitara ang gamit mo para ipadama
Ang boses mong kayganda
Na sa tuwing naririnig ko sayo ay parang sinasabi mong ang "Mahal Kita"
At isama mo na ang katagang "Ako lang at wala ng iba"

At higit sa lahat ginamit mo ang gitara
Para mangharana
Para makamit ang inaasam mong ligaya
At para ang mahal mo ay sumaya

Kaya hindi na ako umasa
Na iparinig ang iyong pagtugtog ng gitara
Kasi simula palang nung una
Kaibigan lang tayong dalawa

Hindi tayo nagkaroon ng oras sa isa't isa
Para masabi ang katagang mahal kita
Kaya ang akala mong kaibigan lang ang tingin sayo
Higit pa pala sa inaasahan mo

Kaya dahil dito ang gitara nalang ang tinutugtog ko
Tinutugtog tuwing malungkot ako
At tinutugtog tuwing nakikita kitang masaya
Masaya hindi dahil sa akin kundi sa piling ng iba

Masakit kaya sinulat ko sayo ang tulang ito
Katabi ng gitarang niregalo mo
Niregalo mo noong kaarawan ko
Na nagpasaya sa aking pagkatao

Kahit alam kong kaibigan lang ako sayo
Pinasaya mo pa rin ako
Dahil sa gitarang niregalo mo
May karamay ako

Kaya kung tatanungin ako
Kung ano ang gitara sa buhay ko
Sasabihin kong bigay ito
Nang mahal ng puso ko

Mahal nga puso ko
Ngunit kaibigan lang para sa puso mo
Pero kahit ganoon ang nangyari
Masaya ako

Masaya ako
Sa sobrang saya ko
Napapaluha na ang mga mata ko
At sabay na dito ang paghiwalay ng puso ko

Kaya mahal salamat nalang sa gitara mo
Sisirain ko na ang binigay mo
Para hindi na masaktan ang aking puso
Pati na rin ang aking pagkatao

Pero tandaan mo
Sa oras na sinira ko na ang gitarang binigay mo
Asahan mong kakalimutan ko na ang bawat segundo magkasama tayo
Kaya mahal paalam na dahil hindi na kaya ng puso ko

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...







Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon