Masayang Pagkatao
Masaya ka
Bawal maging malungkot
Bawal ipakita
Kailangan lang masaya kaPwede ring maging matapang
Para hindi malaman ng iba
Na nanghihina kaNa nauubos ka na
Pwede ring maging matapang
Para hindi malaman nang iba
Na nanghihina ka
Na nauubos ka naKailangan din itago ang bibig na napapagod na
Sa tuwing ngingiti
Kahit sa loob nito
Sisimangot naKailangan din takpan ang ilong
Para hindi mahalata
Na namumula
Dahil sa kakaiyak kagabi mag isaIsama pa ang kamay
Na itinago gamit ang guwantes
Para hindi makita
Ang marka nang panghihinaPanghihina na nagsasabing
Ayoko na
Suko na
Ayaw ko nang humingaKasunod nito ang pagsuot ng medyas
Na aalalay sa katawang gusto nang mamahinga
Dahil sa hirap nang nadadama
Nang puso na hindi tinatanggap ng kapwaAng tatlong bagay na sa akin ay mahalaga
Kailangan kasi maging masaya
Kailangan kasing ngumiti kahit nahihirapan na
At kailangan maging matapang para hindi nila malamang mahina kaPero teka
Sandali
"Sinong niloloko mo"
Sabi nang taong kaharap koPwede mong lokohin ang ibang tao
Pwede mong lokohin ang pamilya mo
Pwede hindi pwedeng
Lokohin ang sarili moPagmasdan mo ang mata mo
Hindi mo kayang takpan ang sakit
Hirap at lungkot
Na nararamdaman nitoKasi kahit itakip mo ang masakara,guwantes at medyas
Makikita nila ang nararamdaman mo
Sa pamamagitan nang mata mo
Malalaman nilang nagpapanggap lang ang iyong pagkataoKaya sa nakakarinig nang tulang ito
Tulungan niyo ko
Napapagod na kasi ako
Napapagod na magpanggap sa masayang pagkatao
---------
Hello guys sana hindi kayo nacocornyhan...
And kung gusto niyong magpagawa nang tula you can ask me
Dont forget to vote if you enjoy the poem
And dont forget to comment for your thoughts about this chapter.
![](https://img.wattpad.com/cover/128430879-288-k367438.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryAng aking mga tulang mabubuo ay tatagos sa inyong mga puso... -NotPerfect09