Ayos na akoSisimulan ko ang tulang ito noong iniwan mo ako
Noong pinaasa mo lang ako
Noong sinabi mo na tayo na ang tatayo sa harap ng simbahang katoliko
Magkaharap at walang makakapigil na kahit sinoPinanghawakan ang binitawan
Pero bigla mo nalang pinakawalan
Ang pangako na tanging inaasam
Na natatanging paraan para madama ang kasiyahanPero nananakit ang damdamin ko
Para ako sinaksak ng kutsilyo
Dahil sa namamatay na ang aking puso
Hindi na rin malaman kung ilang saksak ang natamoPara na rin akong binato ng bato
Na nagdulot sa akin ng di pagtayo
Hindi alam kung saan na kakapit ang puso ko
Para mapasaya ang aking pagkataoPero iniisip ko ang aking nagawa
Kung nagkamali ako sa "mali" at "tama"
O nagkulang ang pagmamahal na pinadama
Dahil sa pag iwan mo nalang biglaIniwan mo nalang bigla
Para magmukhang tanga sa harap ng madla
Nagmumukhang kawawa sa iyong pamilya
Lalong lalo sa aking mga malalapit na kasamaGusto kita sabihan ng masasakit na salita
Kasing sakit iyong pinadama
Para kahit konti ay mawala
Mawala ang sakit na iyong ginawaGusto kita saktan
Para sa puso mo'y ipadama
Ang aking nadama
Noong hinayaan mo lang ako saktan ng iyong pamilyaAt gusto kita saksakin
Saksak na hindi ko na bibilangin
Dahil kahit ano ang gawin kong pagbilang sa hangin
Hindi pa din mawawala ang aking damdaminPero masyado kitang mahal para iyon ay magawa
Dahil kahit sinasaktan mo ako ng sobra
Sinasaksak ang puso ko ng walang awa
Pero kahit ganoon ang iyong ginawa
Mahal parin kitaNgunit sabi ng iba
Na ang pagmamahal ay hindi lang laging masaya
Meron din lungkot at pangamba
At ang pinakamabigat sa lahat
Ay ang mahal mo ay iyong ipaparayaKaya papalayain na kita
Hahayaan ka nang maghanap ng iba
Kahit nakakalungkot itigil ang pagsabi ng "Mahal Kita"
Papalayain kita para sa iyong ikakasayaKaya mahal kung binabasa mo man ito
Asahan mo sa susunod nating pagtatagpo
Maririnig mo na ang siyam na letrang iyong inaasam
Mahal, "Ayos na ako"---------
Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula
At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below
And...
Please vote and follow me
P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiAng aking mga tulang mabubuo ay tatagos sa inyong mga puso... -NotPerfect09