Bakit Hindi Noon

1K 26 9
                                    

Authors note

This spoken word poetry is for Blue_Daniel09....and thank you for giving a wonderful title

---------

Bakit hindi noon

Madaming tanong ang walang kasagutan
Pero isa lang ang tumatak sa aking isipan
At akin itong ipaglalaban at paninindigan
Para lamang mahanapan ng kasagutan

Bakit nga ba hindi noon
Tanong na hinihingan ko ng kasagutan
Pero kahit kailan ay hindi mo tinutugunan
Kahit isang tingin lamang
Sa aking mga matang naguguluhan
Hindi mo magawang tingnan
Mahirap bang hanapan ng kasagutan
Na parang nasa bingit ka na ng kamatayan
O ako lamang ay iyong pinagtitripan
Para ako ay paglaruan
At paiyakin sa katapusan
Ano?
Ano ba talaga ang gusto mo
Matapos mo gawin ang lahat ng ito
Matapos mo ako iwan na parang batang uto-uto
Sa lugar na walang kilala na kahit sino
Ganon ba talaga ang tingin mo
Isang akong tangang magpapakatanga sayo
Kaya ba iniwan mo
Iniwan mo sa ere ang pusong nagmamahal sayo
Ang pusong nagmamahal sayo higit pa sa buhay ng nagmamay ari nito
Pero bakit
Bakit mo winasak ang puso ko?
Dahil ba nakahanap ka ng mas magmamahal sayo
At nakahanap ka ng ma shihigit pa sa binibigay ko
Pero bakit ka pa ba bumalik
Bumalik para sa puso ko ay sumiksik
Bakit dahil ba sa nagsawa ka na sa taong iyong sinisiksik
At ikaw ay bumalik para sa akin naman at manggulo at maniksik
Bakit hindi pa ba sapat ang ginawa mong pananakit
Sa puso kong gusto lang ay pagmamahal pero iyong pinagkait
Sobrang sakit
Na ang nanakit sayo
Ay siya pang minahal mo
Higit ba sa buhay mo
Pero biglang tumigil ang mundo ko
Nang sagutin mo ang tanong ko
"Dahil na patunayan kong mahal kita at bagay tayong dalawa dahil sa boses mong kayganda"
Hindi ko alam kong ako ay matutuwa
O ako ay sa sarili ko ay maaawa
Dahil mahal mo ko
Pero hindi bilang ako
Kundi dahil sa boses ko
Ngayon alam ko na
Alam ko na kung bakit ako pa
Alam ko na kung bakit sa akin ka pa pumunta
Hindi dahil sa mahal mo ako talaga
Iyon ay dahil sa boses ko na maganda
Pero tandaan mo na minahal kita
Habang ikaw
Minahal mo lang ako hindi bilang ako
Kundi bilang isang taong hinahangaan mo
Kahit masakit
Kaya ko na ang pait
Dahil nasagot mo na ang tanong na sa akin ay nagdudulot ng sakit
Kaya mahal salamat
Dahil nabigyan mo na nang kasagutan
Ang tanong na tumatak sa aking isipan
Nang akin itoy ipaglaban
Ay iyong ng tinugunan
Kaya mahal salamat ng marami
Dahil kahit ako ay iyong sinaktan
Ako naman ay iyong tinuruan
Na lahat ng katanungan
Ay dapat binibigyan ng kasagutan

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...





















Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon