Ang huling katagang bibitawan koAng tulang ito ay para sa isang pahayag ko sayo
Huling mga salita ang maririnig mo
Katagang magmamarka sayo
Bibitawan ko gamit ang damdamin koMatagal na mahal ko
Nang magsama tayo
Isa dalawa o tatlo
Tatlong taon nang nagsama tayo
Ayan ang bilang ko
Nang magsama tayo
Pero akala ko ito ay seryoso
Pero niloko mo lang pala akoNaloko mo ako sa mga pinakita mo
Naloko mo ako sa mga narinig ko
Naloko mo ako sa mga pinagsasabi mo
At naloko mo ako sa mga pinaramdam moYung mga sinasabi mong ako lang ang nagpapangiti sayo
Yung mga sinasabi mong ako lang ang mahal mo
At yung mga sinasabi mong tayo na hanggang duloPero nagkamali pala ako
Sa inaakala kong totoo
At sa mga binitiwan mong pangako
Sa mga pangako mong ikaw na rin mismo ang papakoYung mga sinasabi mong ako lang ang nagpapangiti sayo
Pero ang totoo yun ay dahil sa katabi ko
Yung mga sinasabi mong ako lang ang mahal mo
Pero ang totoo hindi ako ang mahal mo kundi ang katabi koAt yung mga sinasabi mong tayo na hanggang dulo
Maniniwala na sana ako
Pero nakita ko kayo ng kaibigan ko
Na naglalambingan sa kwarto moHindi ko alam ang gagawin ko
Sa pangyayaring ito
Masakit na yung pinangako mo sa puso ko
Ay pinako mo dahil sa pagpit dito
Pero mas masakit ang nakita ko
Nang pagtaksilan ka ng kaibigan na itinuring mo nang kaibigan moHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko
Dahil sa mga pinaggagagawa mo
Ginawa mo sa aking puso
At lalo na sa aking pagkataoAno nga ba ang ginawa ko
Para tratuhin mo ako ng ganito
Tinapon mo ako bilang isang karton
Matapos mo makuha ang laman nitoTatapusin ko na ang tulang ito
Gaya ng pagtapos mo
Sa binuo nating kwentoKaya mahal para sa ikakasaya mo
Ibibigay ko nalang ang kahilingan mo
Na bangungot naman sa puso koKaya mahal mahirap man ang bibitawan ko
Pero kakayanin ko
Para sayo
Para patunayan sayo na ang pagmamahal ko sayo ay totoo
Bibitawan ko na ang gusto mo
Kaya paalam sayo
Ang huling katagang bibitawan ko---------
Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula
At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below
And...
Please vote and follow me
P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesíaAng aking mga tulang mabubuo ay tatagos sa inyong mga puso... -NotPerfect09