Tampo

590 16 2
                                    

For user03259344 sorry natagalan at nawawalan na akong nang inspiration comment naman kayo....guyzzzz

---------

Tampo

Heto na naman tayo
Sa puntong mahal ko ay nagtatampo
Kinakabahan kasi ang puso ko
Kasi baka yung mahal ko ay biglang maglaho

Yung tipong magkamali lang ako ng sabihin
Baka iba na agad ang iyong isipin
Yung tipong magkamali lang ako ng galaw
Baka mahatulan ang relasyon natin na mabigat na pataw

Baka kasi bigla mawala yung iniingatan ko
Mawala yung dyamanteng pinangalagaan ko
Yung simpleng taong nagpabago sa buhay ko
At yung taong sinasabi kong mapapangasawa ko

Kasi mamaya bigla yan mawala
Yung dyamante bigla masungkit ng iba
Yung taong nagbago sa buhay ko may binago ng iba
At yung taong mapapangasawa ko nakahanap na ng iba

Kaya natatakot ako
Dahil alam ko
Na pwede mangyari ang mga iniisip ko
Na pwedeng magkahiwalay tayo

Kasi mahal
Mahal na mahal kita kahit tawagin mo akong hangal
Kakayanin ko pa rin
Para ating relasyon ay patibayin

Kasi mahalaga ka sakin
Hindi kita ipagpapalit
Kasi pinaghirapan kita
Kaya kailangan kita panindigan

Mahal gusto ko sabihin sayo
Akoy nagkasala sa puso mo
Kaya aamin ako sayo ng buong puso
Para malaman mong akoy totoo at hindi nagbibiro

Dahil tulad ng nang sinabi ko sayo
Nung hindi pa tayo
At nililigawan ko pa ang bumihag sa mata ko
At yung taong nagkulay ng mundo ko

Nagbitaw ako ng isang pangako
Pangakong alam kong mapaninindigan ko
Na alam kong makakaramdam ka ng lungkot,galit at iba pang emosyon
Pero ipaglalaban pa rin kita hangang dulo

Kaya mahal na mapagtampo
Huwag ka nang magalit sa ginawa ko
Dahil ginawa ko yun para sayo
Maligayang kaarawan sayo

---------

So guyzzzzz....alam niyo na yun hahahahaha....jk

Please vote and comment your reaction

P.S ang tulang ito ay ako mismo ang lumikha ay gumawa

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon