FanGirl

1K 24 8
                                    

This spoken poetry request is for Park_Linah..I hope you will enjoy this poetry for you😊

---------

Fangirl

Salitang pinanghahawakan ko
Para masabi ko lang na may suporta ako sa iniidolo ko
Kahit hindi mo ako kilala sa mundo mo
Ang mahalaga ikaw naman ang ginawang mundo ng puso ko

Masaya ang maging tagahanga mo
Dahil sa marami akong natututunan sa pagkatao mo
Nakakatuwa ang maging tagahanga mo
Dahil hindi mo kami nakakalimutan anuman ang mangyari sayo
At higit sa lahat nakakakilig ang maging tagahanga mo
Dahil sa tuwing iniisip kita binubuo mo na agad ang mundo ko

Pero parang may mali
Parang may iba
Totoo bang mabuti ang maging tagahanga mo
Oh mas tamang sabihing TANGAhanga mo

TANGAhanga mo na kahit malungkot na ang puso
Kaya pa rin nito maging masaya pagmagkaharap tayo
TANGAhanga mo na kahit umiiyak na ang mata ko
Kaya ko parin tumawa sa mga banat mo

At higit sa lahat
Kahit mandiri na sila sa itsura ko
Dahil sa pagpupuyat para malaman ang nagyayari sayo
Mapapalitan ito ng kilig kapag napansin mo na ako
At kahit sa pagbanggit pa lamang ng pangalan ko ay nangangatog na ang tuhod ko

Ganyan talaga ang epekto mo
Epekto mo aking pagkatao
Dahil sa epektong ito
Kaya magsinungaling ng puso ko
Para sa iniidolo ko

Iniidolo ko
Iniidolo ng maraming tao
Isama mo na ako
Akong nawawalan ng pag-asa sayo

Pero kahit nawawalan na ako ng pag-asa sa pwesto ng puso mo
Isang tingin ko lamang sa larawan mo
Bumabalik na naman ang pagiging tagahanga ko
Na para bang wala nang ibang tao sa mundo
Kundi ikaw lang ang aking pinakainiidolo
Wala nang kahit sino

Araw hanggang gabi
Pinapanalangin ko nalang sa hangin
Na sana ikaw nalang ang kasama ko kapag natatakot na ako sa dilim
Hindi ang kalove team mo na abot na nang iyong tingin

Kaloveteam na alam kong hindi mo gusto
Pero alam ko ring may posibilidad na mahulog ka sa kanyang puso
Dahil sa mga taglay niya na katangian na wala ako
Kasi sa simpleng katagang "Langit siya at lupa ako"
Alam mo na ang ibig sabihin ko

Kaya titigil na ako
Buburahin ko na ang mga ala ala ng tagahanga mo sa puso mo
Na sumuporta sayo simula palang ng pagsikat mo
Pero patawad dahil hindi ko natupad ang katagang "tagahanga mo ako hanggang dulo"

Hindi ko nagawa ito
Dahil sa napapagod na ako
Hindi rin dahil sa nagsawa na ako
Kundi dahil sa ayaw na nang puso ko na maging TANGAhanga mo

Kaya sa aking iniidolo
Gusto ko lang sabihin sayo
Paalam na at patawad sa gagawin ko
Dahil sa gagawin kong ito

Mawawalan ka na ng isang importanteng tagahanga mo
Tagahanga na walang iba kundi ako
Ako na dating Fangirl mo pero hindi na ngayon dahil tinapos ko na ito


---------

Hello guyss sana nagustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula kahit kulang kulang 1 oras lang ang paggawa ko ng tulang ito.Sana nagustuhan niyo ginawa ko

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...





















Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon