Huwag mo kong iwan

1K 20 2
                                    

Huwag mo kong iwan

Katagang mahirap bitiwan
Pero iyong bibitawan
Para lang sa iyong mahal

Masaya talaga pag ikaw ay nagmamahal
Halo na kung ito ay sinusuklian ng taong iyong minamahal
Kaya mahal laging mong tatandaan
Gagawin ko ang lahat para hindi tayo mapunta sa sinasabi nilang katapusan
Katapusan na tatapos sa ating kaligayahan
At katapusang maghihiwalay sa ating mga pusong nagmamahalan

Kaya mahal pangako ko sayo hindi kita iiwan
Pero
Paano ko ito ipaglalaban
Kung ang sinasabi kong ipaglalaban
Ay nauna nang pumunta sa aking kalaban

Ngunit hindi ako susuko
Dahil gaya ng aking pangako
Ipaglalaban kita hanggang dulo
Kapalit man nito ay ang aking puso

Dahil mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit na kanino
Pero
Masakit dahil yung taong mahal mo
Ay pinaglaruan ka lang at niloko

Hindi ko alam ang sasabihin
Hindi alam ang salitang sasambitin
Para lamang masabi ang salitang "masakit"
Nasa puso ko ay nagdudukot ng pait
Sobra sakit
Dahil yung taong pinaniwalaan mo
Ay niloko ka lang pala simula pa lang mismo

Ang hirap ngumiti sa harap ng taong mahal mo
Kung nakikita mo namang iba ang nagpapangiti sa mahal mo
Pero kaya kung ngumiti kahit iba ang sayo ay nagpapangiti
Kung alam ko naman na ito ay sayo ding magdudulot ng munting ngiti

Oo magulo
Kasing gulo na ng utak ko dahil sayo
Dahil sa nangyayaring ito
At dahil sa pag iwan mo

Masakit sobra
Na nakikita mo ang mahal mong masaya
Pero hindi naman ikaw ang dahilan nito
Dahil ang dahilan nito ay ang bago mo

Pero kaya kitang ipaglaban
Ipaglaban sa katapusan
Kahit ako pa ay makipaglaban
Para lang sa ating pagmamahalan

Pero tama na
Sobra sobra na
Lahat na ay akin nang ginawa
Para lang masabi ko sayo ang katagang "mahal kita

Kaya mahal
Isa lang ang bibitawan kung kataga
Mahal kita pero mahal mo siya
Kaya tama na


---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...














Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon