Gusto Lang Naman Kita

1.5K 26 10
                                    

Gusto lang naman kita

May gusto akong aminin sayo
Pero naisip kong huwag nalang sabihin sayo
Ang nararamdaman ko
Dahil sa gusto lang naman kita at wala akong pag-asa sayo

Ikaw...oo ikaw
Ikaw na aking ginusto
Gusto o di kaya crush ang tamang sabihin dito
Pero kahit kailan wala naging pag-asa sayo

Wala akong pag-asa sayo hindi dahil sa may iba ka
Hindi din dahil sa ayaw ng pamilya mo
Oh ayaw ng kaibigan mo
Ito ay dahil sa magkaiba tayo
Magkaiba tayo ng gustong tao

Nakakalungkot isipin na kahit gusto kita
Hindi ko maamin sa iyo
Dahil simula palang alam ko nang talo na ako
At wala na akong pag-asa sayo

Nakakainis naman isipin na malapit lang ako sayo
Pero hindi ko masabi sayo
Na naiinis na ako
Hindi dahil sayo kundi sa kasama mo

At higit sa lahat nagseselos
Dahil ito sa pagkukwento mo
Pagkukwento mo na nagdudulot ng ngiti sa mata mo
Ngunit hindi mo alam na may nasasaktan ka na palang puso
Pusong hindi mo alam na may lihim sayo

Pero kahit ganon
Kaya ko pa rin maging masaya
Iisipin na lang kung paano tayo nagkaroon ng alaala
Na binuo lang nating dalawa

Yung alaalang ikaw ang nagpapasaya
At wala ng iba
Kundi ikaw lang ang nagpapangiti sa aking mata
Para lang magmukhang masigla

Yung alaalang ikaw ang nagpapakilig
Na kulang nalang at tubig
Para mahimasmasan sa mga naririnig
Na nagdudulot sa akin ng kilig

At ang pinakahuli ay ang alaalang tayo lang dalawa
Walang kasama
Walang hahadlang sa gusto nating sabihin sa isa't isa
Kaya ito ang pinakaiingatan ng puso kong sayo lang nagmahal ng tapat
Pero hindi kailanman naging sapat

Pero...

Lahat nga ay may hangganan
Tulad ng tingin ko sayo ng malapitan
Dahil bigla ka lang umalis ng biglaan
Na hindi nagpapaalam

Ngunit anong magagawa ng puso ko
Eh gusto lang kita at hindi na hihigit pa
Dahil magmumukha lang akong tanga
Paghinabol pa kita

Kaya napaisip na lang ang isip ko
Na nagpapakatanga sayo
Isama na natin ang puso ko
Na nagtatago sayo

Siguro nga tama sabi nila
Huwag kang umasa sa kanya
Kung ikaw lang ang may gusto sa kanya
At lalo pa kung sa una palang alam mo nang talo ka na

Kaya mahal para hindi na ako umasa pa sayo
Ihihinto ko na na ang nararamdaman ko
Mahirap man sa puso ko
Kakayanin ko
Hindi para sayo kundi para sa puso ko

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...

























Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon