Bitter

364 13 0
                                    

Requested by @scramescarlet sana magustuhan mo sabaw kasi ngayon eh patong pato yung mga requirements...pero well lagi naman...Hope you enjoy..


---------

Bitter


Hindi dahil wala kang karelasyon
Magiging mapait ka tulad ng ampalaya
Dahil isipin mo nauna lang sila sumaya
Pero sa susunod ikaw na yung may kasama at hiwalay na sila

Ika-29 ng agosto
Isang normal na araw sa katulad ko
Nakaupo sa upuang sementado
Pinagmamasdan ang mga magjowang naglalandian sa harap ko

Walang humpay sa kakatawa
Naakala mo talaga na sila talaga ang para sa isa't isa
Pero ang totoo maghihiwalay rin sila
Parang pagtigil sa pagkain ng kendi kapag napasobra

Isama pa ang lalaking yinayakap ang babae
Na para bang ayaw ito pakawalan
Pero kapag dumating na sa punto na pareho na sila nahihirapan
Kusa nalang sila bibitaw na parang wala lang

Isama pa ang dalawang tao

Na nagkakatitigan na para bang kanila ang mundo

Na parang wala kami sa ginagawa nilang mundong dalawa
Pero bukas makalawa may isa sa kanila ang lilipat ng ibang planeta para makatakas na

May dumagdag pa
Na magjowang malayo ang agwat ng edad sa isat isa
Na "age doesnt matter" ang kanilang kinakapitan nilang dalawa

Pero tama nga naman "Jail Is Just A Room" para sa kanilang magjowa

Isa pa ang dalawang lalaking PDA
Na akala mo naman may mga P***
Na kulang nalang pag-isahin ang kanilang isip at dadamin
Pero sa huli mawawala ang totoong lalaki dahil ang hanap niya ay totoong P***

Pagmasdan ang ang dalawang babae
Na parang gusto talagang ipamukha sayo
Na nagiisa ka sa mundo
At walang magkakagusto sayo

Nakakagago naman
Na ganto na ba ang mundo
Na ipapamukha nang sayo 
Na wala ka nang kapares sa mundo

Na parang binuhay ka lang para umiyak at maramdaman ang sakit
Na ginawa ng Diyos para maging pantay ang daigdig na ito 
Sa sarap at sakit na bumubuhay sa tao 
Habang ako pinapatay ng kawalang pag-asa dito

Ayoko na
Ititigil ko na ito
Ayaw ko na talaga
Titigil na a-

"Sandali!"
Namulat ako sa narinig ko

Bakit ba napakapait ng pinapakita mo
Hindi ba isa ka rin dati sa taong tumatawa kasama ang mahal niya
Na para bang pupuntahan ng sampangkat ng langgam
Dahil sa katamisang pinapakita niyo

At naalala mo isa ka rin sa rin sa taong niyayakap ng mahal sa publiko
Na parang taong nanalo sa lotto
Dahil nakuha na ang matamis na OO
Nagustong sungkitin ng kahit sino

Diba iyo rin sanang naalala na naglaro rin kayo ng titigang dalawa
Na parang tumigil ang oras
Na kahit minuto o segundo
Ay hindi niyo hinayaang lumipas

Eh yung mga edad niyo
Na mas matanda siya sa iyo ng tatlong taon
Pero pinaglaban niyo
Kasi naniwala kayo sa pag-ibig ang malakas sa mundo

Balikan pa natin ang pagiging PDA niyo
Na dapat PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION ang ibig sabihin nito
Pero diba pinalitan niyo ng "Promise Dulo man'di Aalis"
Kasi nga naniwala kayo na totoo ang pag-iibigan niyo

At ang pinaka huling hinding hindi ko makakalimutan
Na alam mo din sa sarili mo 
Na habang ginagawa niyo ang mga sinasabi ko 
May nasasaktan kayong ibang tao

"Diba tama ako
Na minsan ka din naging matamis na tao
Pero ngayon isa kang tao
Na mas mapait pa ang amplaya ang nararamdaman mo"

Nagising ako
Sa mga sinabi ng taong kaharap ko
Na minsan din pala akong nagmahal
Yung nga lang ako yung 
Nagmahal...Nasaktan...Naiwan

Pero hindi kinaya kaya kinalimutan


--------

Hello guys sana nagustuhan niyo po

Please vote if you enjoy

Comment for your thoughts

And sana hindi ka naboring sa ginawa ko 

P.S labya g
















Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon