Chapter One

14.5K 250 16
                                    

Dear readers, my book The Rugged Rancher by Makris Orpilla and published by Sensation Press is now available via shoppee, lazada and tiktok of Anvil Publishing. Grab your copy for only P125!

Thank you.


This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including printing, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.


***





"Karla gumising ka na nga diyan! Tanghali na! Hinihintay na ako ng kuya Blake mo. Sasama ka pala eh bakit late ka na natulog? Isa pang katok ko dito at hindi ka pa gising sususian ko na itong pinto!" I tried to tune out my brother's voice but I can't. Kahit anong tapal ko ng unan sa tenga ko, naririnig ko pa rin ang sigaw niya. Kalalaking tao bungangero! Masisisi ko ba ang sarili ko na napuyat ako dahil sa kakapanood ng mga KDrama? Buti pa sa KDrama may forever, may kilig, may love life. Ako ano? Wala! Wala na akong pag-asang makilala ko pa ang Mr. Right ko, puro na lang Mr. Left ang nakakasalamuha ko.

"Eto na bumangon na. . . maliligo lang ako ng mabilis. . ." Wala na akong choice dahil narinig ko na ang pagsusi ni Kuya Kristoff sa pintuan. Nasa apartment man ako ng panganay kong kapatid, wala siyang karapatan na susian ang kwarto ko. Lagot siya sakin paglabas ko.

"Bilisan mo! Ten minutes lang ha."

"Oo na!" Hindi pa talaga siya tumigil ng kakasigaw, asa naman siya na kaya kong maligo at mag-ayos in ten minutes time. Manigas siya!

Nang lumabas na ako ng kwarto forty five minutes after. Nagpupuyos sa galit na ang kapatid ko.

"Nauna na si Blake sa restaurant. Naman Karla! Hindi pwede dito ang asta mong parang lahat ng bagay Filipino time! Nasa Australia ka!"

"Bakit Kuya? May Australian time ba? Hindi naman ako Australiano, dapat talaga pang Filipino time ang peg ko. Bakit ka ba nagmamadali? E si Kuya Blake lang naman i-meet natin sanay na sa'kin 'yon." Naisipan ko pang magpalit ng sapatos, from sneakers to boots kaya lalo siyang naasar. Sinasadya ko naman talagang inisin siya. Ganti ko ito sa pagsubok niyang pasukin ang kwarto kong off limits.

"May kasama siyang kaibigan niya, ka-batch niya raw sa Med School. Nakakahiya na tayo pa ang na-late gayong tayo ang taga rito. Bilisan mo na nga! Naka sapatos ka na kanina bakit nagpalit ka pa?" Iritable na talaga siya. Dapat na siyang magka-lovelife. Kaso sa sobrang sungit niya malamang walang magkakagusto sa kaniya.

"Correction, hindi ako taga-rito. Ikaw lang, nagbabakasyon lang ako. . . Eto na! Naman makamadali ka parang super VIP ng kikitain natin. Buti kung mapapangasawa ko in the future ang makikilala ko e hindi naman. . ." Pabulong kong sabi, kaso ay narinig niya pala.

"Anong mapapangasawa ka diyan! Hindi ka pa nga gumagraduate! Ayusin mo nga muna yang buhay mo bago ka kumerengkeng. Karla ha sinasabi ko sa'yo kapag ikaw nabuntis ka ng maaga. . ."

"Wow! Napaka-forward looking ng dialogue mo kuya. Paano? Explain in two brief sentences kung paano ako mabubuntis? Ano, immaculate concepcion?! Wala nga akong makilalang matinong taong papatol sa'kin pagpapabuntis agad nasa isip mo? Nakakasama ka ng loob. Parang wala ka pang tiwala sa'kin." Hinawakan ko pa ang may bandang puso ko para kunwari ay hurt na hurt ako. Naging malumanay na ang mukha niya. Mukhang effective ang pagpapaawa effect ko.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon