Chapter Nineteen

3.2K 111 10
                                    






Sa Nurse's station pa talaga nila napiling maglampungan! Iritang irita ako na iniwan ko si Mama at lumakad ako pabalik sa kwarto ni Kuya. Kaso ay nagmomoment silang dalawa ni Steff kaya napagpasiyahan kong lumabas ng ospital. May alam akong malapit na park doon.

K: Lei!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi agad siya nakasagot. Siguro ay busy sa trabaho. Sabi niya ay Accountant daw siya at lagi lang nakaupo sa opisina. Naglalakad lakad ako sa park at nang may nakita akong bench na walang nakaupo, sumalampak kaagad ako doon. Sakto naman ang pagdating ng sagot niya.

L: Yo? Anong problema? Bakit nanggagalaiti ang exclamation points mo sa pangalan ko?

K: Wala naman. Naiirita lang ako. Kailangan ko ng makakausap.

L: Bakit nga! Pabebe, hindi pa sabihin kaagad. Ang daming pasakalye.

K: Ikaw nga andami mong sinasabi. Eh kasi. . .

L: Naku Karla, marami pa akong gagawing journal entries. Baka gusto mong i-share na ano ba ang issue mo sa buhay. Teka, nasaan ka na ba? Yung specific ha. Hindi ang mga tipikal mong sagot na nasa upuan, nasa bus, nasa kotse. . .

Ang daming tanong. May dumaan na magkaholding hands na matandang babae at lalaki. Buti pa sila may forever.

K: Ayun na nga, nasa Australia na ako dumating kami kanina. Nasa park ako ngayon. Malapit dito sa hospital. Nakaupo sa bench malapit sa halaman na kulay red ang flowers. O ayan! Specific yan!

L: Hindi mo sinabi sa akin na nasa AU ka na, sabi mo bukas pa kayo aalis. Nanggugulat ka pa eh.

K: Anong nanggugulat ka diyan? Biglaan kasi. Iniiba mo usapan. May kinukwento ko.

L: Huhulaan ko. Ex mo 'yan sigurado. Nagkita na kayo? Ano ang bilis mo naman. Pinuntahan mo kaagad? Hindi ka man lang muna nagpahinga.

K: Bwisit ka talaga! Minsan di ko alam bakit ako nakikipagusap sa 'yo!

Tumayo ako at nagpapadyak ng paa. Napatingin pa nga sa'kin ang isang babaeng may dalang cute na asong mukhang basahan. Akala siguro nababaliw na ako.

L: Ang sensitive. Sorry na. Bakit ba kasi? Sige na, sorry. Ang cute mo kasi asarin. Game. I'll listen. Read pala.

K: Haaaissst!

L: Ang lalim naman. . .nagkita nga kayo?
K: Oo. Siya pala ang doctor ng kapatid ko.

L: Ah. O so ano naman issue? E hindi ba mas maganda nga 'yon kasi sure kang maalagaan ang Kuya mo?

K: I know. Nabigla lang ako. Hindi ko alam na ganoon pala.

L: ????

K: Akala ko kasi wala na.

L: ???????????????

K: Nakita ko kasi siya nakikipaglandian sa nurse!!!!!!!!!!!!!! Magkadikit pa sila habang nagtatawanan!!!!!!!!

Nanginginig ang kamay ko sa bilis ng pagtipa ng letra sa cellphone ko. Hindi ko alam kung sa sobrang inis ba o giniginaw lang ba ako.

L: Aray naman! Ang sakit sa tenga ng sigaw mo Beshy!

K: LEI!!!!!!!!!!!!!

L: Haist. Ano bang gagawin ko sa'yo? E ano naman kung nakikipaglandian siya? Wala naman na kayo?

K: Oo nga. . .pero. . .ano ba Lei!

L: Kung naapektuhan ka, sana nilapitan mo tapos hinila mo ang ex mo at saka mo niyakap at hinalikan.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon