Chapter Twenty Four

3.3K 102 5
                                    







Nang makalapag ang eroplano sa Brisbane, lumipat naman kami sa isang itim na limousine papunta sa Dreamworld sa Coomera Queensland. Mukhang planadong mabuti ni Ashton pati ang timing ng lahat at siniguro niyang we will be travelling in style. May pa limo pa si boyfie. When we settled in our seats, at saka lang kami nag-usap muli.

"Ashton, bakit mo ba naisipan na magpunta tayo ng Amusement park?" Napangiti siya sa tanong ko at nagtaka ako kung bakit.

"Kapag sinabi ko sa'yo baka magalit ka."

"For sure kung nakakagalit eh magagalit nga ako kahit may disclaimer ka pa at kung anong warning diyan, pero ano ba kasi 'yon? Bakit nga?"

"Birthday ko."

"Hoy hindi mo birthday! 'Wag kang ano! Teka. . . anong date ba ngayon?" Hinugot ko ang cellphone ko at sinilip ang date doon.

"Karla?" Mukhang natatawa siya sa expression ng mukha ko. From surprise to confusion to irritation. Hindi naman niya birthday. Well, hindi pa.

"Tama naman ako. . .bukas pa ang birthday mo hindi ba?" Hindi ko namalayan ang mga petsa ng araw at napamura ako sa isipan ko na kinabukasan na nga pala ang birthday niya. Handa naman ako dahil bago pa man ako bumalik ng Australia, naihanda ko na ang regalo ko sa kaniya mabuti at lagi ko naman itong dala.

"Sa birth certificate yes pero I usually celebrate my birthday in two days."

"Bakit naman? Sobrang happy ba ng birthday mo at two days ang pagdiriwang?" His face turned serious as he looked outside the window.

"Aidan was born at exactly 11:58 pm at ako naman ay 12:06 am. Kaya magkaiba kami ng birth date sa papers." I regretted asking why dahil iyon pala ang sagot. Natanggap ko naman na kahit papaano na hindi ko kasalanan ang pagkawala ng kakambal ng lalaking mahal ko pero sumasama pa din ang loob ko kapag naalala ko ang nangyari. If only I could give him back his brother, I would in a heartbeat.

"I'm sorry." He pulled me towards him na nasaktuhan naman na paliko ang sasakyan kaya't napahilig ako lalo sa dibdib niya.

"Don't be sorry. I told you already, it's not your fault. I don't blame you for anything. Please don't be sad." He looked at me apologetically. Nakakahiya na ako pa din ang inaalala niya kahit na dapat ay nagpapakasaya siya.

"Kaya two days ang birthday mo dahil sa kanya?" Ashton nodded and smiled. Iyong ngiti na may bahid nang pangungulila pero itinago niya rin ito agad para hindi ko mapansin. Kahit sa ganitong pagkakataon, ayaw niyang masaktan ako.

"Yes. Kami lang yata ang kambal na magkaiba ng birthday. Kaya para masaya at hindi nagkakalituhan, ginawa ng parents namin na laging dalawang araw ang celebration. I never stopped celebrating his birthday kahit na hindi ko na siya kasama. Paborito naming dalawa ang mga amusement parks. Kahit na malululain si Aidan, sumasakay siya sa mga rides para samahan ako. Madalas may baon siyang white flower para kapag nahilo siya pagbaba namin ay sisinghot lang siya noon tapos ay okay na." Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento ni Ashton. Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko at inintindi ko ang sa kaniya. Gusto ko ring makilala ang taong nagligtas ng buhay ko.

"Mahal na mahal ka niya para kahit na takot siya ay sumasama pa rin siya sa'yo."

"Mabait at mapagbigay talaga ang kakambal ko. Sobrang bait nga niya at mapagparaya. Magkaibang magkaiba kami noon. Feel na feel ko kasi noon na bunso ako kahit walong minuto lang naman ang pagitan naming dalawa." I moved closer to him and took his hand. Gusto kong iparamdam sa kaniya na kasama lang niya ako.

"Mabait ka naman." I looked up at him and he smiled at me.

"Dati hindi. Spoiled brat nga raw ako sabi ng Mama namin. Lahat ng gusto ko nasusunod. Minsan nga isusubo na lang ni Aidan kinukuha ko pa. He never complained, he always treated me as his younger brother. Kahit na identical twins naman kami, feeling niya talaga kuya ko siya at lagi kong tinatake-advantage iyon. Hindi ko maalala kung may time ba na ako naman ang nakapagpasaya sa kaniya o nakapagbigay ng kahit anong bagay. When he left us to become an angel, I was devastated dahil I was not able to show him how much I love and appreciate him. Kaya iyon ang naging wake up call ko. I changed to be the best person that I can be. I became like him. Lahat ng gusto niyang gawin ginawa ko. He wanted to become a doctor. Lagi niya sinasabi sa akin dati. Neurosurgeon ang gusto niyang maging. Kaya it became my dream too at ginawa ko ang lahat para matupad ko ang pangarap naming dalawa." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Tuloy tuloy ang pagbagtas ng mga luha sa mga mata ko. I felt his pain and his longing for his brother. Time heals all wounds but the scar remains. At ngayon ay nakikita ko ang pilat ng pangungulila niya sa kakambal niya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon