Nakaempake na ako ng lahat ng gamit ko na dadalhin pabalik ng Australia. Si Mama ay nilalakad naman ang papeles nila ni Papa dahil sasama sila sa akin. Naaksidente si Kuya Kristoff at ngayon ay comatose sa ospital. Kailangan na naming makapunta doon para masamahan siya. Nandoon naman ang girlfriend niya pero iba pa rin na kami ang kasama niya.Kagaya ng dating gawi ay kausap ko si Lei sa messenger.
K: Aalis na kami baka sa isang araw. Nilalakad lang ang papers ni Papa at renewal ng passports ni Mama. Ako ready to go naman anytime dahil nakaplano naman ako magpunta doon.
L: Do you have news on your brother?
K: Paano mo naman nalaman na pupuntahan namin ang kapatid ko? Hindi ko pa nga nasabi. Sasabihin ko pa lang.
L: Napanood ko sa TV. May cable naman kami dito. Hindi naman kami nakatira sa bundok.
K: Ang dami mong sinabi, nagtanong lang ako. Comatose pa daw.
L: Ah. Siguro medically induced lang. Don't be sad. Magiging okay din siya.
K: Ang dami mong alam. Doctor ka ba?
L: Hindi. Bobo nga ako sa Science. Matalino lang ako sa kalokohan.
K: Obvious ko nga. Lei, anong gagawin ko kapag nagkita kami ng ex ko?
L: Halikan mo at yakapin.
K: Tangek! Ex ko na nga eh. Baka sabunutan ako ng girlfriend non.
L: Ibig sabihin, kung walang girlfriend hahalikan mo nga at yayakapin?
K: Ha? Hindi noh!!!
L: Maka-hindi ka naman. Siguraduhin mo 'yan ah. Baka mamaya kung makita mong sobrang guwapo at hunk niya matulala ka na lang at hindi makapagsalita.
K: Kapal niya noh! Hindi nga niya ako hinanap tapos gusto niya matutulala pa ako sa kaniya!
L: Karla. . .
K: Yes, I know. Sorry. Alam ko naman. Paulit ulit ang usapan natin.
L: Hindi ba sabi ko sa'yo, ask him his reasons. One side pa lang ang alam mo. You have to know both sides of the involved parties.
K: Abogado ka naman ngayon. Bakit ba ang dami mong alam?
L: Siyempre naman! Magkukunwari na lang akong genius e di lubusin ko na. May alam akong hindi mo alam. Hindi ko sasabihin.
K: Ayan ka na naman eh. Mambibitin ka na naman. Pag-iisipin mo na naman ako! Ano nga?!
L: Wala. Joke lang. Basta, pag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Okay? Don't worry about your Kuya, sigurado akong inaalagaan siya mabuti doon.
K: Pambitin ka talaga. Kainis. Oo na. Alam ko naman. Thanks beshy!
L: Huwag sabing beshy! Love na lang. Joke! Lei lang! Walang beshy! Ginawa mo kong aso.
K: Reklamador! Mabuti nga at nag-eeffort pa akong gawan ka ng terms of endearment.
L: Love, Sweet, Honeybunch, Darling iyon ang endearment, hindi Beshy!
K: Ah. Ang galing mo. Buti hindi mo sinabi ang Mahal ko.
L: Bakit? Iyon ang tawagan ninyo no? Hala. . . Namimiss mo!!!
K: Hindi! Bwisit ka talaga. O sige na, mamaya na lang ulit. Magtrabaho ka nga, hindi yang petiks ka ng petiks!
L: Hahahahaha. Busy nga ako eh pero dahil I promised to be always here for you, isang message mo lang kantatakbo pa ako sa pagsagot.
K: Bwisit! OA! O siya, sige na. Bye Beshy! 😘
L: Burahin mo ang kiss! Magseselos yung ex mo!
K: Grrrr! Kainis!!!
L: ❤️❤️✌🏻
Nakangiti akong nadatnan ni Ate Karen sa kwarto ko.
"O, sino naman ang kausap mo, may pag-ngiti portion ka pa. Aalis na kayo mamayang gabi. Okay na ang papers ni Mama. Si Papa hindi makakasama kasi bagong apply lang. Kahit gamitan namin ng influence ay hindi namin mapabilis. Susunod na lang siguro si Papa doon kapag naayos na."
"Sige Ate, okay naman na ang gamit ko." Tiningnan ng kapatid ko ang mga nakapilang maleta at saka siya tumawa. Terno terno ang mga maleta ko. Tatlong malalaki at ang partner nitong tatlong maliliit. Color coordinated din ang mga ito. Blue para sa mga damit pang cold season, yellow para sa mga summer outfits at red naman para sa mga pang-araw araw at mga formal wears.
"Sa lagay na iyan, baka naman may nalimutan ka pa ha?"
"Grabe ka, anim na maleta lang iyan ah." Lalo pa siyang tumawa ng malakas.
"Anim nga pero ilan pa ang duffel bags mo? Apat! O sige mag-add ka, ilan na? Nilagay mo ba diyan pati ang mga damit mo noong elementary at highschool?" Hinampas ko siya ng unan at lalo pa siyang tumawa.
"Ate naman. Siyempre may mga coats pa diyan at sweaters."
"Aray ha. Kakasama mo sa akin violente ka na din. . .Mamimiss ko ang baby sister ko. . ." Lumapit pa siya at yumakap. Ako din siguradong mamimiss ko siya dahil nang bumalik ako galing Australia ay doon na ako tumuloy sa bahay nila ni Kuya Lucas. Para mabantayan daw ako ni Ate since nasa bahay lang naman siya. Si Mama at Papa kasi ay parehong may mga trabaho pa din kahit matatanda na kaming magkakapatid. Libangan daw nila.
"I'll miss you too Ate. I love you. Mamimiss ko din ang mga pamangkin kong makukulit."
"We love you too! Naku, nagdadrama na nga ang panganay ko. Si LoMi umiiyak noong isang gabi, nakita yata na nagpapack ka ng clothes. Saan daw pupunta si Tita Ninang."
"May isip na kasi siya, naiintindihan na niya. Don't worry lagi naman tayong mag video call. Susundan mo pa ba si Bunsoy? Nakakaapat na kayo ha. Ang dami na. Balak ba talaga ni Kuya na gumawa ng basketball team? Sabagay isa na lang naman." Napangiti lang si Ate at namula.
"Kakapanganak ko lang, sabi ko bahala na. Ikaw, mag-iingat ka doon ha. And please be happy? I want you to always be happy. Choose happiness at all cost. We will always be here to support you. Kaming lahat."
"Emo emo session pala ito hindi mo ako ininform. Nakamascara pa naman ako. Dapat sinabi mo para iyong waterproof ang nailagay ko." Niyakap pa ako ng mahigpit ni Ate Karen. Parehong naluluha ang mga mata namin. Mas naging close kasi kami sa loob ng dalawang taon na nakitira ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...