Chapter Twenty

3.4K 125 18
                                    







Namalagi lang kami ni Mama sa bahay nang makalabas na si Kuya sa ospital. Sa wakas ay nakapunta na rin ako sa kwarto ko sa bagong bahay ni Kuya. Nang dumalaw si Mama kay Kuya noon para ayusin ang bahay niya ay ipinadala ko na doon ang ibang gamit ko. Sumaglit din ako doon kasama si Kuya Lucas kaya't nakapili na ako ng sarili kong kwarto. Saglit lang talaga kami noon dahil isang araw lang kami nag-stay. May pasok kasi ako sa school at buntis si Ate Karen kaya't ayaw mawala ng matagal ng asawa niya. Nagdala lang kami ng mga pinasadya ni Mama na mga gamit para sa bahay ng kapatid ko.

Mabait ang fiance ni Kuya. Alagang-alaga at asikasong asikaso siya. Kahit na mukha itong mayaman, wala siyang kaarte arte sa katawan kaya't magkasundo kami. Sinusulit namin ni Kuya ang pagstay ng nanay namin doon dahil matagal na ang kasunod niyang dalaw. Sa loob ng dalawang linggo ay minsan lang ako lumabas. Tatlong beses lang yata. Ang dalawa ay para mag-grocery at ang isa ay noong nagpa-check up ang kapatid ko at ito ang naging simula ng palagian naming pagkikita ng doctor niya. Hindi ko naman na kailangang lumabas dahil araw araw din akong may bwisita, bisita pala. Feeling close ang ex ko. Hindi pala, feeling pa din niya kami pa. Parang walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Parang nagbakasyon lang ako tapos bumalik sa kaniya. Ako naman, naiilang pa din. Ni hindi nga namin mapag-usapan ang bagay na ugat ng pagkakawalay namin ng dalawang taon.

"Karla, nandiyan ulit ang boyfriend mo. Umuuwi pa ba iyan sa kanila? Parang araw araw nandito." Bati ni Ate Steff isang araw. Napakibit balikat na lang ako.

"Sige, thanks. Bababa na ako in a while. May ka-message lang." Hindi pa din kasi kami nag-uusap ni Lei. Balak ko na siya kausapin ngayon. Hindi ko na mapagpapaliban dahil baka mawala na naman ang mood kong maganda mamaya.

K: Lei. . .

Ang bilis ng sagot niya. Instant. Nakaabang yata sa cellphone ito maghapon.

L: Dalawang linggo Karla. . . two weeks mo na akong tinitiis. . . grabe. . .FO talaga?

K: Sorry, may topak.

L: It's okay. Topakin ka naman talaga. Bati na tayo. I missed you. . .Sobrang miss.

K: Oo na. Nakakamiss ka din pala.

L: Parang hindi naman. Busy ka yata eh.

K: Saan naman?

L: Baka busy ka. . .sa kuya mo.

K: Ah, hindi naman.

L: Eh kay. . .

Napairap na lang ako sa hangin bago ako nagtipa ng sagot ko sa kaniya.

K: Kakabati lang natin nangungulit ka na naman.

L: Namiss lang kita. Wala kasi pumapansin sa'kin. Iyong girlfriend ko ang cold sa'kin.

Wala naman siyang nasabi sa akin dati na may girlfriend siya. Sabagay, lagi naman niyang iniiwas ang topic kapag sa buhay na niya.

K: Girlfriend?😯

L: Oo. Bumalik na kasi siya. Lagi ko na siyang nakikita at nakakasama, kaso hindi niya ako pinapansin. Miss na miss ko pa naman siya.

Mayroon palang ganoon? Sila pero hindi nagpapansinan? Ganoon din kaya pakiramdam ni Ashton pag hindi ko siya kinakausap? Napatayo ako ng kama at dumungaw sa bintana. Ang aga pa pala, may araw pa nandito na agad ang bisita ko. Siguro wala masyadong pasyente sa ospital.

K: O e paano mo naging girlfriend kung hindi ka naman pala bet?

L: Aray naman! Preno ka naman ng konti. Nasagasaan mo ang puso ko.😥

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon