Chapter Twenty Five

3.2K 89 16
                                    




Pagkabili namin ng tickets ay excited akong hinila ni Ashton papasok ng turntable na entrance ng park. The attendant scanned our bracelets and let us in. Napansin ni Ashton ang regalo niyang charm bracelet noon sa akin at napahinto siya sa paglakad. Ngayon ko lang ito ulit sinuot dahil noon ingat na ingat ako dito dahil akala ko remembrance na lang iyon sa akin. May kinuha siyang isang maliit na kahon sa bulsa niya at binuksan ito at may isang cute na ferris wheel charm na laman.

"Pupunuin natin ng charms ang bracelet na 'to. I'll make sure to give you a charm on our special dates." I felt giddy. Malamang nga ay mapuno namin ang bracelet dahil simula pa lang naman ito ng journey naming dalawa na magkasama.

Inilinga ko ang mata ko sa paligid. Maganda ang lugar, malinis ito at kagaya ng mga litratong nakita ko dati sa internet. May mga theme kada ride, mga sikat na laruan at mga pambatang characters gaya nila Shrek, Kungfu Panda at Madagascar to name a few. Familiar ang mga ito dahil nakikita kong laruan ng mga pamangkin ko. He took my hand and we walked around the park, noong una ay pabebe pa si Ashton. Ayaw pa sabihin kung anong rides ang gusto niya sakyan kaya't ako na ang naginitiate.

"Sure ka bang hindi ka maluluain? Gusto ko i-try ang sikat na The Big 9 Thrill Rides. Lahat 'yon try natin ha? Game ka ba?" Dalawang beses pa lang ako nakapunta sa Theme Park, sa Enchanted Kingdom at Star City pa lang at nakayanan ko naman ang mga rollercoaster nila doon at Space Shuttle. Mukhang itong si Ashton ay kinakabahan pa nang ngumiti sa akin.

"Ikaw yata ang dapat ko tanungin kung sure ka? Ang Big 9 ang biggest, tallest and fastest thrill rides dito sa Australia." Ang yabang niya, akala naman niya masisindak ako.

"Sige. Pustahan na lang tayo. Ang unang sumigaw habang nasa rides, talo." He smirked at me. Confident ang mokong!

"Game! Pero anong premyo?" Napangisi pa siya. Mukhang may binabalak na naman.

"Manlilibre ng dinner?" Umiling siya.

"Siyempre ako naman dapat ang manlibre. Iba ang gusto kong premyo." Parang nag-twinkle pa ang mata ng boyfie ko. Mukhang kakaririn niya yata para makuha niya ang gusto niya.

"Ano?"

"Kahit anong gusto ipagawa ng winner." Napa-isip ako, siyam na rides. Kung mananalo ako, ang dami kong pwede makubrang panalo. Napalingon ako sa kaniya. Nakangisi siya habang nakatitig sa akin. Walang hiya. Mukhang pinagpaplanuhan na niya ang mga hiling niya. Pero baka bluff lang kaya't push pa rin ako. Laban lang!

"Sige. Game? Simulan na natin!"

"I love you Karla, thank you dahil panalo na kaagad ako." Binatukan ko siya para maalog ang utak. Masyadong pabida. Tumawa lang siya at hinila na ako papunta sa una naming sasakyan.

Sinimulan namin sa The Giant Drop.

"Wow ang ganda naman dito!" Masaya ko pang ang tinitingnan ko ang view ng buong parke at ang mga karating lugar nito habang pataas kami sa ere.

"Maganda talaga mahal, The Giant Drop is the tallest, free-falling ride in the world according to the Guiness Book of World records noong 1999. In its 119m height or equivalent to 39 floors ng isang building, this plummets at extreme speed of up to 135 km per hour." Parang commentator ang daming alam na facts.

"Ah. Okay. Impressive ah. Nakasakay ka na dito dati?"

"Nope. First time ko." Natuwa naman ako dahil may ganito akong nasakyan sa Star City, mababa nga lang pero sure akong same lang ng feeling.

"Sigaw ka lang ha kapag natakot ka." Natawa pa siya bago naramdamam kong nag-lock ang sinasakyan namin sa pinakatuktok. Napahanga ako sa kakaibang ganda ng paligid. Luntian, maliwanag ang kalangitan. Very peaceful and relaxing hanggang sa bumulusok kami pababa. Napakapit ako ng mahigpit sa bar ng upuan namin. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi ko na nakuha pang sumigaw dahil pakiramdam ko namatay ako sa takot dahil akala ko pa ay babagsak kami diretso sa semento. Si Ashton naman ay nakatingin lang sa akin at natawa sa expression ng mukha ko. Para lang siyang sumakay ng tricycle at naglakbay papuntang palengke, walang kahit anong pagkatakot o gulat sa mukha niya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon