Chapter Sixteen

3.1K 112 14
                                    







["Karla, obesessive love is a form of mental illness. Kung ayaw niyang magpagamot, kailangan na natin gawan ng legal action. Hindi matatapos ito hangga't hindi siya nagagamot o nakukulong."] Wala naman akong balak tumutol sa gusto nila Kuya Kristoff. Masyado nang mabigat ang ginagawa ni Derek. Tinangka na naman niya akong lapitan. Naharang lang siya ng mga kapatid ko sa airport. Kung paano niya nalaman na paalis na ako noon sa Australia, hindi ko na inalam. Ngayon ay naka-file na ang kaso laban sa kaniya at nagdeklara na rin ng restraining order. Hindi na siya dapat lumapit sa akin.

"I know, do what you have to do." Iniwan ko si Ate Karen sa sala kung saan naka-video conference kami nila Kuya. I left them pero naririnig ko pa rin ang mga boses nila. Hindi man lang nila hininaan ang volume.

["Kumusta na si Karla?']

"Not too well pero may second session siya with Dra. Asuncion later. She's having bad dreams again, hindi siya makakain at makatulog. Pansin kong parang out of focus na naman siya at laging umiiyak. Pumayag naman siyang magpa-therapy ulit. Mabuti na rin na maagapan natin. Mahirap na kung babalik na naman siya sa dati."

["Baka naman heartbroken lang. Hindi pa ba tumatawag si Ashton?"] I tuned out their voices at pumasok na sa kwarto ko. Kapag tungkol kay Ashton ay mas mabuting wala akong malaman o marinig. Makakadagdag lang sa kalungkutan ko. Alam kong ako naman ang gumawa nito sa sarili ko, at araw-araw kong kinukumbinsi ang sarili ko na masasaktan lang kaming dalawa kung ipipilit namin ang bagay na tadhana ang nagdikta. Konti na lang ay papayag na ako sa gusto kong isipin.

Tama naman ang Ate ko, I need help. Kung noon ay ayaw kong makipag-usap sa therapist, ngayon ay ako na mismo ang humihingi ng tulong. May mga bagay din akong kailangan gawin para malabanan ko ang depression. Get in a routine, Set goals, Excercise, Eat healthy, Get enough sleep, Take on responsibilities, Challenge negative thoughts, Do something new, Try to have fun and lastly Feel the love. Ang sampung bagay na sinusubukan kong gawin. Makakatulong ito bukod sa gamot na iniinom ko to combat depression.

Itinuloy ko ang pag-enroll ko sa Master's Degree sa UP for Food Service Administration at ito ang naging routine ko at goals. Kailangan ko ito matapos in two years time para makabalik na ako kay Kuya Kristoff kagaya ng usapan namin. Malungkot din kasi siya doon dahi mag-isa lang siya. Iyon lang talaga ang dahilan, wala ng iba. #kumbinsipamore ang hashtag ko.

Exercise, healthy eating at getting enough sleep ay medyo effort on my part. Sadyang wala lang akong gana. Pero dahil sa kakulitan ni Ate Karen, nakakasunod naman ako sa two out of three. Ang pagtulog lang ang nahihirapan ako dahil sa mga napapanaginipan ko.

Ang pang-apat, take on responsibilities. Nagpapa-order kami online ni ate ng mga pastries at gourmet meals tuwing weekends. Hindi dahil kailangan namin ng pera kung hindi dahil nagbibigay ito ng sense of fulfillment sa akin. Dahil sikat na Vlogger ang kapatid ko, inuupload namin sa Vlog site niya ang video ng pagbake o pagluluto namin. Para kaming may sariling cooking show at tuwing Sabado at Linggo ay ako ang regular guest Chef niya.

Channel negative thoughts. Medyo tricky dahil mas madali maging pessimist kaysa optimist. I am still learning pero in due time, alam ko na magagawa ko ding alisin ang mga negative thoughts. Kailangan ko lang matutunan na it is better to think positive than expect the worst.

Do something new. I am engrossed in reading and now I am learning how to write stories using a popular application called Wattpad. Isang short story pa lang ang naisulat ko, but it's a start.

Try to have fun, medyo mahirap kung feeling ko nga malungkot ako. Counteracting the feeling of sadness is extremely challenging lalo na kung wala ang taong nakakapagpasaya sa akin.

Kung mahirap ang one to nine, pinakamahirap ang pang-sampu. Feel the love. Sa family ko, walang problema dahil naliligo naman ako ng pagmamahal galing sa kanila, pero sa puso kong sawi at nangungulila, hindi ko maramdaman ang love na sinasabi nila. I miss him so much. Sabi ko sa sarili ko bago ako sumugal kay Ashton bahala na. Problemahin ko na lang ang problema kapag dumating na. Ngayon na andito na, gusto ko na lang na matapos na. Ako naman ang umalis. Ako ang nang-iwan kaya't wala akong karapatang masaktan pero bakit walang humabol at walang naghanap?

Lumipas ang dalawang taon at nagagawa ko na rin ang sampung bagay na iyon ng paulit-ulit at walang kahirap hirap. May sarili na akong Vlog channel at lahat ng niluluto ko ay nakapost doon, more than two million na rin ang likes ng mga videos ko at mayroon na akong 200K followers. Nakatapos ako ng mas maaga sa Master's Degree ko kaya't malapit na rin akong bumalik sa Australia para puntahan si Kuya Kristoff. Sa mundo ng Wattpad naman ay may mga natapos na rin akong nobela. Marami rin namang nagbabasa at madalas ay nasa Hotlist pa ang mga ito. Dito ko ibinubuhos ang pagmamahal ko, sa mga characters na binubuo ko. Iyon ang Feel the love ko. Maramdaman ang pagmamahalan ng mga taong iniimbento ko. At least doon, hawak ko ang kaligayahan at kapalaran nila.

May mga naging kaibigan ako dahi sa pagsusulat at sa Vlogs ko. Mga tagapagtanggol ko kung may mga walang magawang bashers na tumitira at umaalipusta sa akin na akala ba nila ay sila lang ang perpekto at magaling sa mundo. May fans club pa nga sila na ang tawag ay Karlashians. Tinatawanan ko lang ito dahil ayoko naman ng kasikatan. I just do what I do dahil I enjoy doing it and it makes me happy.

Sa lahat ng naging kakilala ko, ang pinakamalapit sa akin ay si Lei. Lagi kaming mag-kachat. We keep each other informed sa mga nangyayari sa amin within the day. Parang diary nga minsan. Mas nasasabi ko pa sa kaniya ang lahat kaysa sa Ate ko na makulit at madaldal. Kahit hindi ko pa nakikita at nakikilala si Lei ay magaan ang loob ko sa kaniya. He's like my virtual best friend. Virtual in the sense na asa loob lang siya ng web, dahil hindi pa kami nagkikita. Ayaw niyang makipagkita sa akin at ayaw ko din. Wala rin akong kahit anong picture niya. Unfair dahil ako nakabalandra ang pagmumukha ko sa internet habang siya, cartoons drawing ng koala bear lang ang nakikita ko sa mga profile pictures at DP niya.

Paminsan minsan ay naiisip ko si Ashton. Tuwing nagluluto ako, naaalala ko na siya ang ultimate assistant ko noon sa Australia kapag gusto niyang magpaturo o magpaluto. Kapag nakakakita ako ng paintings naalala ko rin siya. Kapag may allergies ako, at tuwing pupunta ako ng mall at manonood ng sine. Actually, palagi pa din pala. Dahil lahat halos ng bagay na nakikita ko at ginagawa ko ay nakapapagpaaala sa akin ng taong iniwan ko at pinakawalan ko. The One That Got Away ang sabi nila. Kahit sandali lang kami nagkasama, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Ang baduy at ang corny ng pag-ibig. Mukhang wala na talaga kaming pag-asa. Pero kahit ganoon pa man, kung magkikita man kami sa pagbabalik ko sa Australia, I convinced myself that I'll try to be friends with him. Wala naman sigurong masama maging friend ng ex boyfriend ko? Sana lang ay hindi ako sabunutan ng girlfriend niya, kung meron. Umaasa pa ba akong magkakabalikan kami? Hindi na dahil matagal ang dalawang taon, baka ay naka-move on na siya at masaya na. At the back of my mind, napapaisip lang ako kung mas matatahimik ba ako kung malalaman ko kung bakit hindi niya ako pinuntahan at pinabayaan niya akong mawala sa kaniya noon? Oo. Siguro nga iyon lang sapat na.





***

A/N: On this chapter, I want to bring awareness on the symptoms and dangers of depression.  This is a serious thing and if ever you feel like you are clinically depressed and the symptoms mentioned on this chapter are present, then you should seek help immediately.

Depression is not the same thing as stress, so please don't use the terms interchangeably. 


Thank you for reading!

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon