Chapter Twelve

3.2K 103 5
                                    




Ang dalawang oras na paalam niya sa akin ay naging anim na oras. Kumain pa kami bago kami bumalik ng hotel. Nagutom kasi kami, siguro dahil sa kakapalitan namin ng laway. Itatanong ko nga sana kung ilang muscles ba ang gumagana kapag nakikipaghalikan ang isang tao pero hindi ko na nagawa. Busy kami eh. Dumating kami sa parking lot ng hotel ng ala-una ng madaling araw pero umakyat kami ay alas dos na. May naganap pang kissing session sa kotse. Ganoon pala ang pakiramdam kapag mahal mo, lalandi at lalandi ka talaga. Hindi ko na siya pinauwi dahil mukhang inaantok na siya.

"Dito ka na lang matulog. Kukuhanan kita ng unan at kumot." Parang may voice over na sumigaw ng Landian session starts now. Dahil hinila niya ako sa tabi niya nang mahiga siya sa sofa. Kasya naman kami dahil nasubukan na namin matulog doon ng magkatabi.

"Sige, kung katabi kita." His look was intense. Kanina inaantok siya, bakit ngayon parang gising na gising na.

"Mapapagalitan ako sa ginagawa mo." Napangisi lang siya.

"Akong bahala. Hindi na tayo high school. Magkatabi lang naman tayo matutulog, wala naman tayong gagawing iba." Kumindat siya at napatawa na lang ako.

"Talaga lang ha. Sige, sabi mo ha."

"May konti lang pero konti lang naman. Hindi kita pupuyatin promise."

"Sige. O tulog na. Pikit!" Pumikit nga siya at hinalikan akong muli. Goodnight kiss sabi niya.

Totoo namang hindi niya ako pinuyat dahil maya-maya lang ay yumakap na lang siya sa akin at natulog na. Sabi niya maaga daw ang duty niya sa umaga. Pero tanghali na nang magising kaming dalawa. Nang makita niya ang oras, napabuntung hininga na lang siya.

"Sorry, late na din ako nagising. Late ka na, no?" Tumango lang siya at ngumiti. Yumakap siya ulit bago bumangon.

"Hindi na siguro ako uuwi. Diretso na ako ng ospital. . . bukas ko na lang ipapaschedule ang meeting natin sa restaurant ng kaibigan ko. Sasamahan sana kita mamayang hapon kaso baka pag-double shift ako dahil late ako." He looked disappointed.

"Huwag na. Ako na lang ang pupunta mag-isa. Nakakahiya ako na nga itong nakikiusap ako pa ang magpapa-reschedule. Sinabi mo naman na kung sino ako hindi ba? I'm expected at the restaurant today?"

"Oo. Gusto kasi talaga kitang samahan." Hinalikan ko siya, hindi ko napigilan, ang cute niya kapag naka-nguso.

"Ako na lang. I can manage. Ibigay mo na lang ang address. Hahanapin ko o magpapasama ako kina Kuya kung maaga sila uuwi." Napansin naming walang tao sa loob. Tahimik. Malamang ay hindi na nila kami ginising bago sila umalis ng hotel.

"Are you sure? Convince me with a kiss." Nawili ang kumag. Pinagbigyan ko na lang dahil gusto ko rin naman.

"Ayan, nakakarami ka na ha. Kagabi ka pa!" He laughed. It was music to my ears.

"I know. Ang saya ko nga eh. I'll go ahead now. I'll see you tomorrow okay lang?" Sinimangutan ko siya.

"Oo, pero pupunta ka lang dito kapag nakapagpahinga ka na. Hindi diretso from duty. Nagpapakapagod ka masyado, baka magkasakit ka niyan." Para siyang timang. Kung makangiti akala mo kung anong nangyari.

"Ang sweet ng girlfriend ko." Binatukan ko siya. Sweet pala ha.

"Makinig ka sa sinasabi ko, hindi puro pacute ka." He was still smiling. Nakakahawa. He just nodded his head. Tapos ay nagpaalam na siya para pumasok sa ospital.

"I'll call you later. I'll text you the address at ang pangalan ng hahanapin mo mamaya. Tatawagan ko na lang siya para alam niyang ikaw lang ang pupunta."

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon