Chapter Thirty

3.4K 107 14
                                    







"I'm sorry Karla.  Hindi ko pa kasi nasabi sa kanila ang pangalan mo.  Alam lang nila may girlfriend na ako.  I wanted them to meet you first, as you, not as someone from our tragic past.  I love you Karla and their reaction will not change anything.  Please believe me."  His eyes were pleading.  We've been through so much and I don't want to taint his special day with more drama.  I decided to just let it go.  Hindi si Ashton, never him. Napagpasiyahan ko na kahit ano pang gawin ng parents niya, hindi ako bibitiw.  Kagaya ng hindi ko pagbitiw sa kaniya kahit nasa bingit kaming dalawa ng panganib. 

"Don't worry.  Huwag mo na isipin.  I'll be okay basta kasama kita, kaya ko lahat."  Hindi na nakasagot si Ashton dahil kapwa na kami ipinasok sa ER pero nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya.  He felt relieved that I understood him and I'm willing to stay with him.  Oo naman.  Todo kapit na 'to.  Tama na ang pagpapamartyr ko.  Quota naman na siguro ako sa pagsisisi sa pangyayaring hindi ko naman ginusto.  It's time for me to be happy. 

We were ushered into different rooms to check for hypothermia and other complications that may have been caused by Derek's crazy stunt.  Tiningnan at ginamot rin ang sugat ko sa kamay at pinalitan rin ang bandage ko sa balikat.  Dinugo ang sugat ko pagdating sa ospital.  May mga tests ding ginawa sa amin kaya't mag-uumaga na nang magkita kaming muli sa private room  na pagsasamahan namin.  Both of us need to stay at the hospital overnight just to ensure na maayos ang aming lagay.  Si Ashton, being the genius doctor that he is, insisted na hindi na raw kailangan.  Kaya niya raw kaming imonitor dalawa sa bahay.  Gusto na kasi niyang umuwi.  Pumayag lang siya na mag-stay sa ospital nang sinabi ni Kuya Blake na magkasama naman raw kami sa kwarto.  Araw-araw siyang nanggagamot pero kapag siya ang pasiyente, talo pa niya ang nagmemenopause sa kasungitan. 

"Mahal, pabayaan mo sila gawin ang trabaho nila.  Kung ikaw ang doctor at nurse at sinungitan kita matutuwa ka ba?" 

"Oo naman.  Kung ikaw ang pasyente ko, matutuwa ako kasi pagbabalingan mo ako ng atensiyon mo, kahit pasungit pa ito." Napairap ako sa sinagot niya. 

"Nakakaloka ka, naipasok mo pa 'yon.  Magpahinga ka na.  We can celebrate your birthday paglabas natin dito." 

"Sige.  Sakay tayo ulit sa BuzzSaw?"

"Sapak gusto mo? Ayoko na umulit noh. Kahit bayaran pa ako hindi ako sasakay ulit ng kasumpa-sumpang ride na 'yon." Tumawa siya.  Mukhang inaasar lang talaga ako.

"Ang cute mo talaga kapag na-aasar.  Masakit pa ba ang sugat mo? Nagdugo pala kanina hindi mo naman sinabi sa'kin." 

"Hindi ko rin naman kasi alam.  Manhid kanina eh."

"Mahal, gutom ka na ba? Hindi pa tayo kumakain simula kahapon...paglabas natin dito ipapagluto kita ng..." 

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil may mga pumasok sa silid namin at may mga dala silang lobo, cake at iba't-ibang mga pagkain.  Pwede pala mag-party sa ospital.

"Happy Birthday to you...Happy Birthday to you...Happy Birthday..."  Ang lakas ng boses ni Kuya Kristoff.  Feeling yata niya ay concert niya ito.  I smiled seeing that Ashton was almost teary eyed with happiness.  Hindi ko alam kung naiiyak siya dahil natatawa siya sa itsura ng kapatid ko at ni Kuya Blake na nakasuot ng mascot costume na hindi ko alam kung saan nila napagkukuha, o naiiyak siya dahil nakita niya ang parents niya na nakangiti sa kaniya. 

"Bro, Happy Birthday! Ayan ha, children's party ang theme kaya may mga mascot ka pa."  Nagfist bump ang oso at ang mahal ko.  Lumapit naman ang aso, si Kuya Blake. 

"Maligayang bati. Bagay ba?" Tumango lang at natawa si Ashton dahil kumahol pa si Kuya Blake bago sila nagyakap dalawa.

"Thank you mga Bro.  Utang ko ang lahat sa inyo.  Sobrang salamat." 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon