This is actually chapter twenty seven. Due to the glitches wattpad is having, it appears I have three chapters under Chapter 25. :D
Mula sa kadiliman, makakakita ka ng liwanag. Hindi ganoon ang nakita ko nang imulat ko ang aking mga mata."Derek. . .huwag naman ganito." Mahinang sabi ko. I have to save my energy and strength dahil para makatakas kami dito, hindi ako dapat mag-aksaya ng kahit isang hininga ko.
"Ang galing ko hindi ba? Nakuha na kita at may bonus pa! Malaya na akong makaganti sa taong dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Ang talino ko na ba ha Karla? Mas matalino na ba ako kaysa dito sa lampang doktor na ipinagmamalaki mo?!"
Doble ang sakit na naramdaman ko nang sipain niya sa tagiliran si Ashton. Ni hindi ito dumaing ng sakit. Pumikit lang ito nang tumama sa katawan niyang nakalatag sa sahig ang paa ng baliw na lalaking dumukot sa amin. He's in the edge of the swimming pool. Isang sipa pa sa kaniya ulit ay siguradong mahuhulog na siya papunta sa tubig.
Nang muling ibukas ni Ashton ang kaniyang mata, tiningnan niya lang ako at nginitian. Paano pa siya nakangiti gayong nakatali ang mga kamay niya at paa? Paano niya pa nakuhang pagaanin ang loob ko gayong may malaking tipak na bato na nakadugtong sa lubid na gapos niya? Ibinaling ko kay Derek ang atensiyon ko.
"Derek, nasaan ang mga tao sa bahay na 'to? Saan mo sila dinala?" Kalmado ang boses ko, kabaligtaran ng kabadong puso ko sa sinapit ng mga tao na dapat ay sasalubong sa amin ni Ashton. Sana lang ay tama ang naiisip kong senaryo.
"I killed all of them!" Tumawa siya ng malakas at malutong. Umalingawngaw ang boses niya sa apat na sulok ng malaking indoor swimming pool na kinaroroonan namin. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. I kept my calm. Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko.
"Derek, alam kong hindi mo kaya pumatay ng tao. Sabihin mo na ang totoo." He stopped laughing and looked at me.
"Anong alam mo sa'kin?! Huwag kang magpanggap na kilala mo pa din ako dahil nagkakamali ka!" Nagpalakad-lakad siya, parang nag-iisip kung sasabihin niya ba ang gusto kong malaman. Noong close pa kami, ganito siya kapag may tinatanong ako at ayaw niyang sabihin ang sagot, but eventually umaamin din siya. Sana lang ay ganoon pa rin ngayon.
"Derek." Lumingon siya and I looked at him sternly, tinaasan ng isang kilay, the way I used to do in the past. It still worked. Siguro nga tama ang kasabihang old habits die hard.
"They're not here. Kayong dalawa lang ang nandito." Nakita ko ang pasasalamat sa mga mata ni Ashton nang magtama ang aming paningin. Nangingilid ang luha niya pero pinigilan niya ito. Kapwa kami nabunutan ng tinik.
"Huwag muna kayong magsaya dalawa dahil kahit naman buhay pa sila, hindi niyo na sila makikita. Well, depende na lang kung paano ninyo lalaruin ang kapalaran ninyo." He walked towards me. Sa bawat hakbang niya, mula sa kabilang dulo ng swimming pool kung saan nakatali si Ashton papunta sa akin, ipinanalangin ko na tama ang hinala ko sa mangyayari ngayon, para maihanda ko ang sarili ko sa mga dapat kong gawin. Presence of mind ang kailangan ko ngayon dahil alam kong ako ang magkahalong bida at biktima sa palabas niyang ito.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...