Dear readers, my book The Rugged Rancher by Makris Orpilla and published by Sensation Press of is now available via shoppee, lazada and tiktok of Anvil Publishing. Grab your copy for only P125!Thank you.
ASHTON
Planado ko na ang lahat. Mula sa kaliit-liitang detalye ng kasal namin ay sinigurado kong plantsado. Sabi ni Kristoff at Blake hindi naman raw masamang mangarap na sasagutin ako ng oo ni Karla kung yayayain ko siyang magpakasal, kaya kahit na isang taon pa bago siya bumalik, pinaghandaan ko na ang lahat, isang taon din akong nagplano ng wedding of the year namin kahit na hindi pa naman ako binabalikan ng mapapangasawa ko. Bilang si Lei na confidante niya at kaibigan, kampante ako na mapapasakin ulit si Karla.
Konting panahon na lang at magkakasama na kami. Ngayon, ilang minuto na lang at magiging Mrs. Karla Frederico na ang nag-iisang babaeng minamahal ko...kaso lang ay wala pa siya.
"Blake, bakit wala pa? Akala ko ba sabi mo nag-aayos na bago ka umalis?" Nakukulitan na siguro sa akin ang Best Man dahil maya't-maya ay tinatanong ko siya kung nasaan na si Karla.
"Ang praning mo... Sana sa Australia ka nagpakasal kung ganitong hindi ka sanay sa trapik ng Pinas. Parating na 'yon. Magsasabi naman si Kristoff kung may problema."
Kabadong-kabado ako dahil hindi pa siya dumarating. 3 pm ang wedding namin, 3:10 na ay wala pa rin ang bride. Nag-bubulungan na ang mga bisita at hindi na mapakali ang buong entourage. Nagbago kaya ang isip niya? Baka ayaw na niyang ituloy?
"Kristoff, nasaan na si Karla?" Lumapit ako nang nakita kong balisa rin at hindi mapakali ang magiging bayaw ko.
"Hindi ko nga ma-contact. Kahit si Karen hindi sumasagot. Nagwawala na nga si Luke dahil parehas silang nawawala. Pinapahanap ang limousine sa mga tauhan niya."
"May tracker diba ang mga kotse ni Luke?"
"Lumipat kasi ng sasakyan si Karla kanina. May nirentahan si Mama na Vintage car, imbis na ang limousine ang ginamit, iyong vintage car. Si Karen sumunod lang gamit ang limo na bridal car ninyo mamaya."
Gusto kong magmura at magwala na rin pero alam kung wala namang maitutulong, at isa pa, nasa cathedral kami.
"Hindi man lang na-secure ang sasakyan bago niya ginamit?" Nagpapanic na kaming lahat. Kahit naman nakakulong na si Derek, may posibilidad na hindi pa rin niya patahimikin ang buhay namin.
"Bro, relax lang..."
"Blake naman...paano ako magrerelax, nawawala si Karla!"
Kung may mangyaring masama muli sa mahal ko, pupulbusin ko na talaga ang Derek na 'yon.
"Ashton, eto na, nakuha na nila ang location. Papunta na ang security team doon ngayon. Hindi nila alam kung anong nangyari. Hintayin natin ang tawag ulit ni Luke." Halos mapudpod na ang swelas ng bago kong sapatos sa kakalakad. Wala akong magawa kung hindi ang maghintay at manalangin na ligtas siya. Ilang minuto pa ay bumalik na si Kritoff.
"Kristoff, baka kailangan ako sumunod? Ano bang sabi? Nasaan na? May problema ba?" Ilang minuto na rin at hindi ko na matiis na hindi magtanong. Mag-treinta minutos na silang late. Buti na lang at walang kasunod na ikakasal.
"Hindi na raw sabi ni Luke. Okay na. Nagka-aberya lang ang vintage car. Tumirik dahil nag-overheat sa sobrang traffic. Lumipat si Karla ng SUV, sa kotse ng security team pero pinalipat siya ulit sa Limousine. Sinundo ni Karen." Nakahinga ako ng maluwag nang malamang maliit na aberya lang naman pala.
"Pwesto na Bro, andiyan na ang bride mo."
Nabura lahat ng alinlangan ko at pangamba nang magsimula na kaming magmartsa, sa wakas ito na, matutuloy na. Nang bumukas na ang pintuan ng cathedral, I saw my beautiful bride. Kahit malayo pa siya ay alam kong wala nang mas gaganda pa sa kaniya. Sa bawat hakbang niya papalapit ay parang gusto ko ring humakbang at salubungin siya.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...