Chapter Six

4.3K 125 7
                                    




Hindi ko alam kung malabo ba ang mata ni Kuya Blake o dahil puro may sakit ang nakikita niya sa Luxembourg kung saan siya nakatira at nagtatrabaho, kaya ganoon na lang ang titig niya doon sa babaeng parating. Haharangin pa nga sana niya kaso ay hindi siya pinansin nito at dumiretso sa katabi ko.

"Ashton, what a wonderful surprise! What are you doing here?" Tama ba ang nakikita ko, parang naasiwa si Ashton? Lalo na nang makita niyang nakatitig ang babaeng kuhol sa magkahawak naming kamay. I tested my theory. I gently let go of his hands and moved slightly away from him. Voila! It worked, medyo nagrelax nga siya. I wonder why?

"Piper. I'm with my friends. Nice to see you but we are running late so we have to go." Tumingin pa si Ashton sa akin, tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay. Napakunot pa ang noo niya na parang nagtataka.

"You're leaving already?" Nananadya yata talaga ang babaeng linta dahil yumuko pa siya nang sinabi iyon. Napatingin ang dalawa kong kasama sa naguumapaw niyang dibdib bago sila agad nag-iwas ng tingin. Kung iisipin, dapat ay wala na ngang epekto ang boobs sa mga doctor, dahil normal na lang nila nakikita iyon lalo na nang pag-aralan nila ang human anatomy at may mga cadavers pa silang laging kaulayaw noong nag-aaral. Pero siguro nga, boys will be boys. I just sighed and started to walk forward, back on track. Bahala sila istimahin ang bago nilang friend. I enjoyed the solidarity of walking alone. Sanay naman din akong mag-isa.

"Karla, wait up!" Kahit kilala ko ang tinig na 'yon, hindi ako huminto sa paglakad, mas lalo ko pang binilisan. Bahala siyang maghabol.

"Hey. . . bakit mo naman kami iniwan?" Hinila ni Ashton ang braso ko. Hindi na ako pumalag kasi ang OA ko naman kung gagawin ko 'yon. I stopped walking and turned to look at him. Hinihingal siya, medyo malayo na rin kasi ang nalakad ko bago sila sumunod ni Kuya Blake na paparating pa lang, may mga sampung hakbang pa siguro siya.

"You were both busy oggling the leech, I mean the girl." Tiningnan ko ang kuko ko na parang bored na bored ako sa pinag-uusapan namin. Natawa si Kuya Blake nang lumapit sa amin.

"Ang aga niyo naman mag LQ dalawa. Karla, naisip mo ba kung bakit ko tinititigan iyong babae?  Mukha kasing silicone 'yong. . ."

"Hindi. Care ko naman. Bakit ba natin siya pinapagusapan? Sayang ang oras o. Let's go na." Napa-iling na lang si Kuya Blake. Sumunod na siya sa amin ni Ashton. Oo, sa amin dahil nang naglakad ako nakakabit pa rin siya sa braso ko. Ang kulit lang.

"Karla, are you mad?"

"Of course not, why would I be?" Nilingon ko muli ang dagat. Vitamin sea talaga ang term dito. Nakakawala ng init ng ulo.

"That was Piper, my mother was rooting for us to end up together. Anak kasi 'yon ng bestfriend niya. E hindi ko naman gusto. Sorry if I acted strange, baka kasi kung anong sabihin sa Mama ko. I was just protecting you." Ano namang drama itong pinagsasabi niya? Inaano ko ba sila? Kakakilala lang namin tapos may ganitong eksena na kaagad?

"Don't explain. Kakakilala lang natin and I don't think your mother will have a grudge on me for meeting you and spending time with you since this will only be for a day." Napataas ng bahagya ang tono ng boses ko.

Pang-asar si Kuya Blake, dumaan sa tabi namin tapos umehem ng umehem. Tatawa tawa pa siya nang nauna na siyang naglakad, probably giving me and Ashton some privacy.

"Look, alam ko ang strange at ang bilis, pero I intend to spend more time with you. Hindi lang ngayon, for the rest of your stay here or perhaps even longer." Ano daw?!?!? Nabingi yata ako.

"What?!"

"I don't know why pero. . . I really want to get to know you more and spend more time with you." He looked serious. Pwes, ako mas serious! I feel something different when I am near him but I don't want to buy his lines. Ipinagpag ko ang kamay niyang nakakapit pa din sa akin. Umatras ako ng dalawang hakbang para bigyan siya ng distansiya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon