Chapter Five

5K 147 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ang asim naman ng ngiti mo? Ang tipid mo na nga mag-smile tapos ganiyan pa?  Pasensiya na nalungkot ka pa yata dahil sa ikinuwento ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ang asim naman ng ngiti mo? Ang tipid mo na nga mag-smile tapos ganiyan pa?  Pasensiya na nalungkot ka pa yata dahil sa ikinuwento ko. . ."  Hindi ko na siya sinagot.  I looked at Bondi's legendary crescent shaped sand and the numerous people sunbathing and swimming.  Lumapit ako sa gilid ng coastal walk track at sinilip kung gaano pa kahaba ang lalakarin namin. 

"Kung lalakarin natin ang Bondi to Coogee beach dito sa coastal walk track, 6 km ito around 3 hours walk at a leisure pace.  Pero one way lang so along the way at mapagod ka na just tell me, we can ask someone to pick us up so we don't have to walk all the way back." Tumango lang ako bilang pagsagot sa sinabi niya.  Wala naman yata siyang balak na bitiwan ang kamay ko kaya I pulled him to walk back beside me para mahabol na namin si Kuya Blake na nawala na sa paningin ko.  Iniisip ko kung kaya ko ba maglakad ng 3 hours.  Sabagay, noong minsan ay sumama ako sa Fun Run at 10 km ang sinalihan ko, hanggang ngayon pag naaalala ko 'yon ay hindi ko mawari kung bakit "fun" ang term gayong nakakawala ng ulirat at lakas ang pagsali dito.  Not to mention, dalawang araw ata akong hindi nakabangon sa higaan pagkatapos noon.

"Blake is calling, baka hinahanap tayo. . ."  Sinagot ni Ashton ang tawag.  Hindi ko na pinakinggan ang pinag-usapan nila, I was trying to rationalize whether to ask him more about his past.  Baka siya ang sagot sa mga katanungan ko.  Pero natatakot ako sa malalaman ko. 

"Karla. . ." Huminto pala kami at nakatingin siya sa akin.  Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Bakit?"

"I was talking to you pero you zoned out.  Ayos ka lang ba talaga? Habang malapit pa bumalik na tayo. Ihahatid na lang kita if you're not feeling well."

"I'm fine.  Baka nabigla lang ako sa layo na sinabi mo.  Medyo nakakasilaw rin kasi ang araw.  Hindi ko nadala ang shades ko."  Nagdahilan na lang ako.  Ayoko naman masira pati ang araw nila ni Kuya Blake dahil lang sa kadramahan ko.  Hindi ko pa nga alam kung tama bang magdrama dramahan ako.

"Here, use mine." Inabutan niya ako ng isang Oakley shades.  Hindi naman maluwag dahil parang clip type ito at matangos naman ang ilong ko para saluhin if ever mag-fall.  Napaisip tuloy ako, sa shades may sasalo pag nag-fall, e sa akin kaya?  I dismissed the question.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon