Chapter Twenty Six

2.8K 86 20
                                    










Mula sa sorpresa niyang picnic sa isang park na malapit doon kung saan naglatag siya ng dala niyang blanket, papunta na kami ngayon sa bahay nila.

The park we went to was very tranquil and serene.  Lying down beside each other after a light meal of pizza and pasta and gazing at the clouds habang naka-shades was totally relaxing.  Kahit naman noon, sa maiksing oras na pinagsamahan namin, we always have comfortable silence.  Iyong tipong no need for words, basta magkasama kami kahit nakatayo, nakaupo, nakahiga, nakadapa o nakatuwad pa, the mere presence of each other keeps us at ease.

"Sigurado ka ba sa gagawin natin?" Napalingon siya sa sinabi ko, kumunot ang noo at nagsalubong ang mga kilay. Nagpapawis na ang mga palad ko samantalang siya, relaxed na nakaupo sa limo.

"Saan?"

"Sa pagpunta natin sa inyo."

"Ha? Kakain lang naman tayo.  Don't be nervous. I'm sure naman na magugustuhan ka ng parents ko." 

"Sige, I'll ignore the fact na kakain na naman tayo kahit na kakakain lang natin ng sabi mong light meal, pero Ashton, naisip mo na ba kung anong reaction ng parents mo kapag nalaman nila ang tungkol sa akin?  Ikaw nga naapektuhan hindi ba? Paano pa sila?"

"Let's just cross the bridge when we get there."

"Shall we also apply the saying that what you don't know won't hurt you? Dapat ba ilihim na lang kung sino talaga ako?" I had to ask.  Imposible kasing hindi niya naisip 'yon.  He's hiding something from me dahil hindi siya nakatingin ng diretso nang tinanong ko siya.

"Karla, this should be a happy occassion, this is my first birthday celebration with you, the love of my life. I don't think my parents would want to ruin this day."  I felt guilty of trying to shadow his supposedly perfect birthday but I can't shake this nagging feeling that something bad will happen.  Sa Dreamworld at sa picnic park pa lang noong paalis na kami, I felt strange.  Parang may nakatingin sa amin at nagmamasid.  Paranoia or not, I know that Derek is still on the loose and he can attack us anytime.

"Fine.  Whatever you say." He took my hand, humilig na lamang ako sa balikat niya at nagpanggap na tulog. 

"I know you're not asleep. Don't worry, akong bahala.  Hindi naman kita pababayaan.  Isa pa, sa teleserye lang nangyayari ang mga eksena na ma-drama between biyenan and manugang." Napangiti ako sa sinabi niya.  Alam kong nakita niya dahil pinisil niya ang kamay ko.  Hindi naglaon, nagkatotoo rin ang pagpapanggap ko.  When I woke up, hindi ko na alam kung nasaan kami pero papasok na kami sa isang malaking estate.  May nadaanan kaming malaking lake at masukal na gubat.  Probinsiya ang dating. 

"Sakto ang gising mo. We're almost there.  Pa-kiss naman, pampaswerte."  Hinila pa niya ako ng mas malapit sa kaniya bago ako siniil ng halik. It was gentle and sweet hanggang sa maging full blown kissing session na nga at namalayan ko na lang na halos nakahiga na ako at siya naman nakapatong sa akin.

"Bakit may kiss? Goodluck kiss ba o Goodbye kiss ba 'yan? Magkasama naman tayo ah."

"Just I love you and never goodbye."

"Pabaduyan ba 'pag inlove?" He just laughed at me at tumango.

Pagdating namin doon sa kanila,  nagtaka ako kung bakit parang walang sumalubong sa amin.  Sa mga napanood ko sa TV, sinasalubong ng mga katulong ang kanilang amo tuwing sila ay darating galing sa mahabang biyahe. 

"Bakit parang walang tao? Are you sure they're expecting us?"

"I'm wondering the same thing.  Baka naman may pa-surprise party." 

"Ang assuming mo rin eh no.  Kapag madilim at walang tao, surprise party kaagad?  Hindi ba pwedeng nag-brown out lang."  Naisip ko rin na baka nga surprise.  Sana nga surprise na lang dahil habang papalapit kami sa tarangkahan ng bahay nila, lalong lumalakas ang kaba sa puso ko.

"Hindi naman kasi nawawalan ng ilaw dito sa amin.  Baka naman nakatulog sila."

"Ilan ba ang katulong ninyo? Lahat sila sabay-sabay natulog? Sinabayan pa sila Mama at Papa mo? Ano? May teamwork sila ganon?"  Sarcasm is my way of hiding nervousness.  Mukhang effective naman dahil napangiti ko si Ashton kahit mukhang worried na din siya. He dialed my brother's number para sabihin na safe na nakarating na kami sa mansion ng parents ni Ashton pero walang sumasagot.  Kahit sa bahay ni Kuya ay wala ring sumasagot sa tawag. I tried using my phone to call him pero ganoon pa din.

"This is getting weird ha.  Bakit walang sumasagot!" The car stopped at the magnificent looking front doorsteps.  Gaya ng nakagawian, nauunang lumabas si Ashton para ipagbukas ako ng pintuan.  Nahulog ang cellphone ko kaya't hindi agad ako nakasunod sa pagbaba.  Hindi ko nakita ang tunay na nangyari nang makalipas ang ilang segundo ay bumukas na muli ito pa pero hindi na ang taong pinakamamahal ko ang kaharap ko.

"De. . .rek?" Napuno ako ng kilabot at pangamba nang makita ko siya.  Kung si Derek ang nandito, nasaan si Ashton at ang mga magulang nito?

"Sabi ko naman sa'yo, Karla, babalikan kita.  Ikaw lang naman ang nang-iiwan eh." Nag-iba ang itsura niya.  Namayat ito ng husto at parang tumanda ng dalawampung beses imbis na dalawang taon.

"Anong kailangan mo? Nasaan sila? Si Ashton? Kikidnapin mo ba ako?" Ngumisi lang siya na parang aso.

Kung madilim kanina ay mas lalo akong nadiliman ngayon.  Hindi dahil sa tuluyan nang nakalubog si araw at nakasilip na ang buwan, kundi dahil sa panyo na may gamot pampatulog na inilagay niya sa ilong ko.








***

Patience is indeed a virtue. Pasasaan ba at maayos rin si Wattpad. The support team/tech team are doing their best to resolve the issues. For the meantime, since I can't view the correct order of the chapters I'm posting, please do note that this is Chapter Twenty Six.

:)

Thank you for reading!

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon