Chapter Twenty Three

3.4K 106 12
                                    






Tatlong palitan ng damit later na inaprubahan pa ng boyfriend ko bago kami nakaalis ng bahay. Hindi niya ako tinantanan hangga't hindi ang gusto niyang longsleeved turtleneck shirt at fitted pants ang isinusuot ko. Pinagsuot pa ako ng cap at shades. Daig ko pa ang artista na nakadisguise. Maskara o stockings sa mukha na lang ang kulang at mukha na akong miyembro ng akyat bahay gang.

"Kailangan ba talaga naka ganito? Maayos naman ang mga nauna kong suot ah. Alam ko malamig, pero hindi naman to the extent na mukha na akong suman!" Pagmamaktol ko kahit na nakangisi lang siya. Gusto ko tuloy siyang lagyan ng sako sa ulo para makaganti. Siya nga ang laging pinagtitinginan ng mga tao tapos ako ang pinagcover niya ng husto.

"Una, masyadong maiksi ang shorts mo, giginawin ka. Sa pangalawa, longsleeves nga pero see through naman kapag nabasa. Perfect na ang pangatlo, just like you. Karla, never ka magmumukhang suman, mahal ko. Coke in can pwede pa." Inirapan ko siya sa corny niyang joke.

"Ito naman, biro lang. Ang sexy mo kaya! Please understand that I have to protect what's mine. Halika na. Nagpaalam na ako kina Kristoff. Ingat daw tayo." Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi ang sumunod. Kinilig man ako sa statement niya ay inignore ko na lang. Baka mamihasa na siya lagi ang nasusunod pati sa wardrobe ko.

Kaya pala nagpasundo lang kami at nagpahatid sa driver nila ay may binabalak pala ang mokong.

"Bakit tayo pabalik ng airport?"

"Sa Brisbane kasi ang Dreamworld. That's the best amusement park in Australia and I want the best when it comes to you. 11 hours travel by car and 1 hour and 24 minutes by plane, so we'll be flying to Brisbane today. Don't worry nakahanda na. Lilipad na lang pagdating natin." Napaawang ang bibig ko at napamulagat ang mata sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na lalabas pala kami ng Sydney. Mabuti naman at hindi niya naisipan na sa Disneyland pa magpunta.

"Kung ako nga ang masusunod, sa Disneyland kita dadalhin, the best in the world. Kaso ay two days lang ang off ko at hindi ko sure kung anu-anong VISA ang mayroon ka." Napalingon pa ako sa kaniya, normal lang ang expression ng mukha niya. Parang walang kakaiba sa mga suggestions niya.

"Seryoso ka ba? Mamamasyal lang tayo may pa-eroplano ka pa?" He smiled as he pulled me closer to him.

"Lagi naman akong seryoso when it comes to you. Kaya nga corny ang mga jokes ko hindi ba? Kasi hindi ako marunong magbiro, alam ko lang ay seryosohin ka." Na-heart attack yata ako. Bwisit na mga linyahan niya, lalo akong kinikilig. Paano ba ako nakabingwit ng ganito ka-sweet na boyfriend.

"Wala ba sa Sydney?" He frowned and shook his head. Bumuntong hininga pa siya bago sumagot.

"Meron kaso mostly ay water parks." Naintindihan ko na. Hindi pa kami ready perehas harapin ang tubig. Sinubukan ko minsan lumapit sa swimming pool sa bahay ni Kuya Kristoff, naisawsaw ko lang ang paa ko sa tubig ng sandali pero hindi ko pa din makuhang lumusong. I was still shaking. Sabi ng mga doctor na nakausap ko, Colimbophobia daw ang tawag sa fear of swimming pools at aquaphobia naman ang fear of water. Hindi ko sigurado kung anong phobia ang meron ako pero alam kong kailangan ko ma-overcome ito paunti-unti.

"Okay. Thanks for being thoughtful. Hindi mo ba naisip na baka may fear of heights din ako?" Bahagya siyang lumayo sa akin para tingnan ako. Namutla siyang bigla. Mukhang hindi nga niya naisip. Sabagay, wala naman talaga. Pinagtitripan ko lang siya.

"Ha? Hindi mo naman nasabi sa akin na may fear of heights ka. Tuloy pa ba tayo? Okay ka lang ba?" Ang cute ni Ashton kapag kinakabahan. Parang batang maamo na hindi alam ang gagawin. Napatitig lang ako sa kaniyang nag-aalalang mukha. A sudden rush of emotion came over me.

"Okay lang. . .ikaw okay ka ba?" Lumapit ako sa kaniya. His eyes gazed from my eyes to my lips. Nahulaan na niya agad ang gagawin ko. When I closed the gap to kiss him, he was ready. We kissed for hours. Charot lang dahil ilang minuto lang ang travel papuntang airport. Wala kaming pakialam sa driver niya kahit naglalampungan kaming dalawa sa backseat ng kotse. Natigil lang lahat nang huminto ang sasakyan.

"Okay na okay. . .let's go?" Inalalayan niya akong bumaba habang ang driver ay iniabot sa kaniya ang isang maliit na backpack. Mukhang siksik ito ng gamit kahit na maliit. He gave some instructions to the driver bago ito umalis. Kami naman ay pumasok na sa airport papuntang hangar kung saan naghihintay ang private plane nila.

"May pa-private plane?" Nakita ko ang logo ng eroplano at nagulat ako. Katulad ng logo ng pinupuntahan naming penthouse niya. Kaya pala kilalang kilala siya doon, sa kanila pala ang building. Hindi ko naman inuusisa ang buhay ni Ashton. Ang alam ko lang ay ang buhay doctor niya. I don't ask anything about him dahil hindi ko alam kung appropriate. Natatakot din ako na magtanong. Siguro in the future, malalaman ko din naman ang mga kailangan ko malaman.

"Sa family. Hiniram ko. Tara na? Are you ready to fly high with me?" Natawa lang ako sa sinabi niya. Ang seryoso ng mukha niya kaya hindi ko alam kung joke ba o seryoso.

"Oo naman. Wala namang fly low hindi ba?"

"Psssh. Basag trip ka na naman." Pinisil niya pa ang ilong ko bago kami umakyat ng hagdanan papasok ng eroplano. Hindi na ako nasusorpresa sa mga grandiosong bagay simula ng mapangasawa ng Ate ko ang isang Kendrick pero napahanga pa rin ako sa interior ng private plane nila. Blue and white ang combination ng kulay at state of the art din ang mga gamit. Magkatabi kami sa upuan as usual. Agad namang nag-take off ang eroplano. When it was safe to remove our seatbelts, nag-serve ng early lunch ang flight attendant. Lalaki ito at napansin kong hindi ito tumitingin sa akin. As in iniwasan niyang mapasulyap man lang sa akin. Kahit nang tanungin niya ako ay kay Ashton siya nakatingin. Nakangisi lang naman ang boyfriend ko. Hind ko alam kung anong trip niya sa buhay.

"Mahal, bakit hindi natingin sa akin 'yong attendant? Nakakatakot ba ang itsura ko?" He took my hand at hinalikan ito.

"Hindi nakakatakot. Ako lang ang dapat matakot sa itsura mo." Uumbagin ko na sana siya nang dugtungan niya ang dialogue.

"Ako lang ang dapat matakot na sobrang ganda mo dahil baka agawin ka sa akin ng iba." I smiled giddily. Para akong tangang kinikilig sa mga pasabog niya.

"Ang galing mo ah. Naipasok mo pa 'yon." He kissed my lips. Smack lang kaya hinila ko siya to give him a proper kiss. Mga five minutes din siguro nang bumalik ang attendant saka lang kami tumigil. Napahiya pa nga ito dahil naabutan niya kaming naghahalikan.

"Let's eat?" Tumango lang ako at nilantakan na namin ang mga pagkain. Grilled chicken and cheese ang sa kaniya at porterhouse steak naman ang sa akin. Mas pang lalaki pa ang order ko. Nagutom kasi ako sa pag-work out ng mga lip muscles ko.

Sa isa't kalahating oras na biyahe namin ay napag-usapan namin ang plans ko sa mga susunod na araw. Puro interviews pa lang kasi ako sa mga hotels and restaurants, marami nang offers pero namimili pa ako. Sabi ni Kuya, dahil maganda ang records ko at may mga importanteng tao na nagrefer sa akin dahil na din sa mga kapatid ko at siguro kay Ashton, kailangan ko raw mamili ng maigi. Plano namin magtayo ng restaurant pero kailangan ko pa ng training para dito.

"Karla, kahit ano naman diyan ang piliin mo you have our full support."

"I know. Minsan naiisip ko sobrang overwhelming ng support niyo sa akin. Full force talaga. Nakakatuwa. Thank you dahil you've always been part of my dreams."

"Oo naman no. Bukod sa ako ang dream guy mo, lahat ng pangarap mo gusto ko talagang matupad." Napangiti ako sa banat niya.

"Lagi ka na lang may pa-havs."

"Anong pa-havs?"

"Havey na havey sa akin ang mga banat mo. Konting kilig na lang maooverdose na ako." Natawa naman siya. I love hearing him laugh. Siguro nga kasi I love him. I love him so much at hindi ko na ulit papayagan pang magkahiwalay kaming dalawa.  Kakapit na ako ng mahigpit para hindi na siya mawala.  #kartonforlife





***

A/N: E late na pala ako sa office ko kakaupdate ko hahaha. Happy New Year!

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon