Chapter Fifteen

2.9K 111 7
                                    




            

"Pare, umalis ka na.  Nakita mo namang busy kami."  Hinigpitan ni Derek ang yakap sa akin.  Hindi pa rin ako makagalaw hanggang sa naramdaman ko ang sarili kong kapit na ni Ashton.  Si Derek ay nakasapo sa kaniyang pisngi at nakaupo sa sahig. 

"Don't ever touch her again!"  Inilayo ako ni Ashton kay Derek at iginiya sa may likuran niya.  Inaabangan kung babangon at lalaban ang lalaking sinapak niya. 

"Isoli mo na lang siya sa akin kung ayaw mong masaktan.  Gusto mo bang malaman kung sino 'yang babaeng pinagtatanggol mo? Kapag nalaman mo, siguradong iiwan mo rin siya ng kusa."  Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o sisigaw.  Gusto kong magalit kay Derek dahil sa mga ginagawa niya pero gusto ko ring hilain na si Ashton palayo sa kwartong iyon para kami na lang dalawa ang mag-usap.  Kaso ay sadyang hindi ako makakilos.  Parang nakakulong lang ako sa isang babasaging aquarium at nanonood ng mga nangyayari sa paligid ko.

'I don't care! Just leave her alone! Can't you see she's hurting? Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Umalis ka na dito kung ayaw mong madagdagan ang pasa sa mukha mo!"  Namumula ang mukha ni Ashton sa galit, habang si Derek ay nakuha pang ngumisi at tumawa.

"Sige, pagbibigyan ko kayo, pero ngayon lang.  Enjoyin niyo na ang last day ninyo.  Babawiin kita Karla, kahit magkamatayan pa kami dito, sa akin ka lang." Susugurin na sana ng katabi ko ang baliw na lalaki kung hindi lang sa mga bagong dating.

"Tarantado ka! Bakit ka nandito!" Umalingawngaw ang boses ng kapatid ko habang sinusugod niya si Derek na katatayo lang sa sahig.  Isang malakas na suntok sa kaliwang pisngi naman ang natamo niya at napaatras ito sa lakas ng tama.  Pantay na sa sapak na ibinigay sa kaniya ng nauna kong tagapagtanggol.

"May ibibigay lang ako sa soon to be ex ni Karla ko." Inihagis niya ang isang puting envelope na hinugot niya sa kaniyang bulsa.  Sumabog ang mga nilalaman nito.   Hindi man lang pinansin ni Ashton ang mga litrato at news articles na nagkalat sa sahig.  Nakatitig lang siya sa nakangising lalaki na may dulot ng lahat ng kaguluhan.

"Get out of here before I break your neck!"  Hindi naman nagpatalo sa dialogue si Kuya Blake na namumula rin sa galit. Para kaming mga bida sa highest rating soap opera ng bansa. 

"Fine.  Sige, aalis na ako.  Bye for now, Karla my love."  Nang makaalis na siya ay isinara ni Kuya Blake ang pinto.  Tinawagan rin niya ang front desk para ibilin na huwag na muling papasukin si Derek sa hotel.

"Karla, are you okay?"  Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Ashton.  Maging ganito pa rin kaya siya kapag nalaman na niya ang totoo?

"I am now.  Thank you.  Punta muna ako sa kwarto." I gently pushed him away pero hindi siya pumayag.  Inalalayan niya ako at pinahiga sa kama.  Parang naramdaman niyang kailangan ko siya kaya't humiga rin siya sa tabi ko at iniyakap ako sa kaniya. 

"I'm sorry, hindi ako dumating kaagad."  Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko habang hinahaplos ang pisngi kong nababasa na naman ng mga panibagong luha.

"I'll understand if you don't want to be with me anymore after this."  Natigilan siya at humarap sa akin. He tilted my chin so I can look at his face.

"Why? What is he talking about anyway?  Hindi ako makikinig sa ibang tao, Karla.  Sa 'yo lang ako maniniwala.  Ikaw lang ang pakikinggan ko. Tandaan mo 'yan." He kissed my lips chastely. Parang gusto niya akong bigyan ng lakas ng loob.

"You asked me kung bakit ako nagkakaroon ng short term memory loss?" He just nodded his head. Napabuntung hininga lang ako.

"I had an accident when I was twelve.  I was an acrobat diver and from a freak accident, I almost lost my life, but an angel saved me. . ."  I felt him stiffen.  Naramdaman ko ang dahan dahang paglayo niya sa akin. 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon