Minsan gusto ko na ring iuntog ang sarili ko sa pader dahil sa kaartehan ko. Heto na, isang lalaking siguradong pinagpapantasyahan ng mga babae, ubod ng gwapo at talino, sobrang bait at maasikaso ay inaalok ako ng magandang kinabukasan kasama siya pero ang naiisip ko lang ay ang mga bagay na maaring makasira sa amin. Masyado lang ba talaga akong nagfi-feeling maganda? Hindi ko naman maipagkakaila na ayaw ko rin siyang makuha ng iba. Kaya kong makipagsabunutan kung kailangan para kay Ashton. Kahit mabilis ang lahat, sigurado naman akong mas masasaktan ako kung mawawala siya. So, ano pang inaarte ko? Isang subok pa.
"Ashton, gaano ka naman kasigurado na ako nga ang gusto mo? Paano kung mali ka pala ng akala. Paano kung hindi naman pala talaga tayo pwede? Paano kung sa huli magsisi ka lang na nakilala mo pala ako."
"Aside from my dream of becoming a neurosurgeon, I've never been more certain of anything else in my life than my feelings for you. Hindi ko rin alam kung bakit. The human mind is very complex pero mas kumplikado ang emosyon ng tao. Karla, I'm very sure about how I feel for you. I can't see myself now without you. Lahat gagawin ko para lang patunayan sa'yo na seryoso ako. Kahit gaano katagal, kahit pahirapan mo pa ako." He took both of my hands kaya't napaharap ako sa kaniya. Hindi ko alam kung kanino galing ang malakas na tibok ng puso na naririnig ko, sa kaniya ba o sa akin. Parang nag-level up ang senses ko. Mas nararamdaman ko siya ngayon. The feelings I have for him started to haunt me lalo na nang tumingin ako sa mga mata niya.
"Karla, you might not be ready for what I am offering you. But the offer will stand until you accept it, until you accept me. I want to give my heart to you free of charge. Ibebenta ko nga sana sa'yo at puso mo naman ang kabayaran kaso parang ayaw mo pa."
Gusto ko sanang sabihin na tumatanggap ako ng installment. Baka naman may one year warranty siya, iyon na lang muna ang i-avail ko. May trial period ba ang pag-ibig? Barter? Palitan ng puso? Kung anu-anong naiisip ko para lang hindi ko masabi ang kanina ko pang pinipigilan sabihin. Oo lang ang isasagot ko hindi ko pa magawa.
"Please talk to me."
"Exclusively dating. Bagalan natin ng kaunti, one step at a time." Ano ba ako artista? Alam ko sa mga artista lang ang linyang ito. Kahit ang inooffer ko sa kaniya ay consolation prize lang, parang nanalo naman ng Grand Prize ang reaction niya. He was smiling from ear to ear.
"Exclusively dating? Is it the same as tayo na? Sinasagot mo na ba ako?" Kami na nga ba? Is exclusively dating the same status as in a relationship? Naguguluhan na din ako. Hindi ko alam kung mananaig ba ang feelings ko para sa kaniya o ang pagpapabebe ko. Bahala na. Enjoy mo na lang Karla habang nandiyan pa. Saka mo na lang problemahin ang problema kapag dumating na ito. Kaunting convince na lang. Paano ko ba siya sasagutin kung wala naman siyang tinatanong.
"Karla, kung papayag ka naman sa exclusively dating, lulubusin ko na. Will you be my girlfriend? I want us to be official."
Sabi ko nga magtanong, ngayon na nagtatanong, mukha naman akong isda na bumubukas sara ang bibig, hindi alam kung anong isasagot. Aarte pa ba ako? Quota na yata ako sa pag-iinarte.
"Oo." Bakit kaya hindi tinawag na masarap na oo? Bakit matamis? Hindi naman matamis ang naramdaman ko nang niyakap niya ako sa sobrang saya niya. Masarap. Ang sarap ng feeling na nagawa ko ang gusto ko kahit na hindi ko alam ang mangyayari sa mga susunod na araw. Saying yes to him was liberating for me. Para akong nabunutan ng mabigat na pasanin. Pero hindi lang pala oo ang masarap. May mas hihigit pa.
"Karla. . .thank you. I love you." He looked into my eyes nang sinabi niya iyon. Iba pala ang dating kapag narinig ang mga katagang iyon. Sabi sa mga romance novels at sa mga movies, time will freeze kapag nakita mo na ang taong mamahalin mo. Hindi naman pala totoo. Hindi rin totoong mag-fafast forward ang lahat at makikita mo ang future ninyong dalawa na magkasama. Dahil kapag narealize mo pala na mahal mo siya at mahal ka niya. Walang time, wala lahat, ang mayroon lang ay kayo. Siya lang ang makikita mo, ang mga mata niya na nangungusap, ang paghinga ninyong dalawa na parang hapit at naghahabol, ang paglapit ng mukha niya at ang paglalapat ng mga labi ninyo. That's what I experienced. Masarap na oo ang ibinigay ko at masarap na halik naman ang isinukli niya. Nakakalula at para akong lumulutang. When he deepened the kiss, napakapit ako ng mahigpit sa kamay niya. He released my hands at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. I felt myself responding to his kisses, kahit first time ko iyon, hindi naman ako nagpatalo. Ang bagay na hindi ko pa masabi, ipinaramdam ko na lang sa kaniya. The kiss went on for eternity. Charot lang. Hindi ko alam kung gaano katagal pero sigurado akong matagal. Kung masusunod ako, gugustuhin kong hanggang umaga na, pero siyempre hindi naman kami pwedeng maghalikan sa gilid ng kalsada ng magdamag.
"I love you Karla." Inulit pa niya bago siya muling yumakap ng mahigpit. Napabuntung hininga pa siya nang maghiwalay ang mga katawan namin.
"I love you too." Nabigla rin ako sa nasabi ko. Hindi ko naman planong sabihin dahil maarte nga ako. Pero parang automatiko kong nasagot ang sinabi niya. Kung kanina ay para lang siyang nanalo ng Grand Prize sa raffle, mas doble pa doon ang saya sa mukha niya. Napangiti ako sa reaksiyon niya. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. I can't stop staring at him as he gazed at me. Titigan session after kissing session is not bad. Not bad at all.
"Pakisampal nga ako." Natawa ako sa sinabi niya pero sinunod ko naman. Mahina lang.
"Masarap. Ito na ang pinakamasarap na sampal." He was smiling like a lunatic and I'm sure I am smiling just like him.
"Ulitin ko pa gusto mo?" Umiling siya at inalalayan niya akong tumayo at saka siya yumakap sa akin ng mahigpit. I held on to him. Lagi naman kaming nagkakayakap dati, pero iba ang feeling ko ngayon. Parang nabuhay ang diwa ko. All my nerve endings seemed alive. Parang mas nararamdaman ko na siya.
"Ulitin natin ito." He looked into my eyes as he slowly dipped his head and gave me a heart melting kiss. Kanina ay para lang akong lumulutang, pero kapag nakatayo ay nakakapanghina pala ito ng tuhod. Every gentle caress of his lips on mine felt like heaven to me. Sino bang mag-aakala na ang gabing ito pala ang magpapabago ng pananaw ko sa buhay ang magbibigay sa akin ng kaligayahan?
Saying yes to him is my ticket to happiness. Sana lang ay one way trip lang ang ticket dahil ayaw ko nang bumalik pa sa madilim na sulok na pinanggalingan ko.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...