Chapter Twenty Eight

2.8K 82 16
                                    




A/N: This is Chapter  28.  Before reading this part, please read Chapter 25 to 27 or if you are like me who is experiencing the watty glitch, all of the three Chapter 25s.  Thank you.








"Hindi ka pa ba tapos? Nakaka-tatlong minuto ka na. Gusto mo bang tulungan kita, Karla? Dalian mo dahil malapit nang magkita si Ashton at ang kapatid niya. Sabagay, may something in common na sila. Ikaw. Ikaw ang pumatay sa kanila. Ganoon ba kapag kambal? Magkakabit talaga?"

Konting hatak pa. Konti na lang at makakalas na. Konti na lang rin ang pasensiya ko kay Derek. Kapag nakatakas ako ay uunahin ko siyang ilubog sa tubig. Gusto ko sa kumukulong tubig.

"Karla, alam mo bang kapag pinigilan ang paghinga ng isang tao at nawalan na siya ng oxygen, mawawalan siya ng malay, at ang unang gagawin ng katawan niya ay ang huminga? Ang weird 'di ba? Hindi daw kasi totoong namamatay ang tao sa pagpigil ng hininga, dahil walang choice ang utak kung hindi utusan ang katawan para bigyan siya ng oxygen na kailangan niya. So, kung sakaling magaling si Dok na magpigil ng hininga, at some point mauubusan rin siya ng oxygen. At dahil nasa tubig siya, siguradong malulunod. . ."

Hindi na naituloy ni Derek ang sasabihin niya dahil napansin na niyang nakalas ko na ang lubid, at dahil na rin sa naging motivation ko ang mga sinasabi niya, mas mabilis kong nagawa ang plano ko.

Mabilis kong inalis ang strap ng vest bago ko inalis ang hook ng harness sa katawan ko. Nang makawala ako sa tali ay agad kong hinubad ang vest at magkasunod kaming bumulusok pababa. Mabuti na lamang at sa tantiya ko ay nasa mahigit 8 meters ang taas ng ceiling ng silid at malalim din ang babagsakan kong parte ng swimming pool. Gapos pa rin ang paa, niyakap ko ang tuhod ko at nag-flip ako at twist gaya ng ginagawa ko noon kapag may diving competition. I used this technique para mas makalapit ako sa pwesto ni Ashton at masigurong malinis ang dive ko at makabwelo ng maayos para lumangoy. Walang splash ang pagpasok ko sa tubig. Kung competition ito ay siguradong mataas nag score ko mula sa mga hurado. 3/4 ng pool pa ang kailangan kong sisirin para maabot ko si Ashton.

Parang serena akong lumangoy gamit ang kamay at padyak ng nakagapos na mga paa para marating ko siya. Hindi ko ininda ang makapal at basa kong mga damit maging ang sapatos ko na nagpapahirap sa aking gumalaw. Nabalot ako ng takot nang maaninag ko na ang katawan ni Ashton. Nakapikit siya na parang wala siyang malay. Makapal ang lubid na nasa paa niya at nakakabit dito ang isang bato na nagpapabigat para hindi siya makalutang pataas kung saan may hangin.

Nag-flash sa ala-ala ko ang nangyari ilang taon na ang nakalipas. I was frozen. Pakiramdam ko ay imbis na papalapit ako kay Ashton ay may humihila sa akin papalayo at papailalim. Imbis na masagip ko siya ay ako pa ang unti-unting nalulunod, nalulunod sa kumunoy ng takot na akala ko'y naiwaksi ko na. Alam ko naman kung anong pakiramdam nang binabangungot, maraming beses ko na itong naranasan at nakayanan. Ganito ang pakiramdam sa bangungot ko. Kailangan ko nang umahon. Habang nasa tubig ako ay hindi mawawala ang takot. I have to go to the surface and leave the water.  Pero paano kung ang bangungot na tubig na tinatakasan ko ay ang sagot para makamit ang kaligayahan ko? Si Ashton.  Hindi! Hindi ako dapat magpatalo.

With renewed strength, mas binilisan ko pa ang sisid at langoy papunta sa lalaking mahal ko. Nang makarating ako sa kaniya, nagulat pa ako nang bigla siyang dumilat. I kissed him. Hindi dahil mapusok ako kundi para bigyan siya ng kaunting hangin. Matagal na siya sa ilalim at siguradong kung nagpipigil man siya ng hininga ay malapit na siyang maubusan nito. May hawak siyang isang bagay. Swiss knife. Ginamit namin ito kanina noong kumain kami ng Pizza. Mabuti na lamang at sa bulsa niya ito inilagay. Nakita kong may nasimulan na siyang pagputol sa lubid na nakatali sa bato. Hindi ko rin kayang kalasin ang lubid dahil mahigpit ang pagkakabuhol nito. Ang option lang talaga ay ang putulin ito. Marahil ay nanghina si Ashton sa effort ng pagputol kaya't nagpahinga saglit  at iyon ang naabutan ko.  Siguradong nahirapan rin siyang kumilos sa tubig, walang hangin at ang mga kamay ay nakatali sa likod.

I wrestled with the rope. Kailangan kong lumangoy para manatili ako sa ilalim. Nakatali ang paa ko kaya't hindi ko ito magawa ng tama. Nagpatulong ako kay Ashton. Ibinuka ko ang mga tuhod niya at pumunta ako sa pagitan ng mga ito, para hindi ako lumutang pataas. I was literally pinned between his legs while freeing him from the rock. Hindi ko na alam kung ilang segundo o minuto ang lumipas nang maputol ko ang lubid. When I did, doon ko lang napansin na wala na pala siyang malay. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, iniyakap ko ang braso ko sa may leeg at dibdib niya at hinila ko na ang katawan niya pa-angat. When we reached the surface, Derek was waiting and pointing at us with the gun on his hand.

Habol ang hininga, nakakapit ang isang kamay ko sa gilid ng pool habang ang isang braso ay naka-angkla kay Ashton para hindi siya lumubog. Nasa malalim na parte pa rin kami ng pool. Wala pa din siyang malay. I have to give him CPR dahil malamang ay may nainom siyang tubig habang nasa ilalim kami. Hindi ko alam kung paano ko siya iaangat. Nakagapos pa rin ang mga kamay at paa niya. Ang paa ko din naman ay nakatali pa. Dumagdag pa ang baliw na si Derek na nakangisi habang pinapanood akong nag-iisip ng susunod kong gagawin.

"Magaling ka pala talagang mag-dive at lumangoy. Napahanga mo ako. Kaso ay napahanga mo rin ba si Ashton kung ganyang patay na yata siya? Tingnan mo Karla o, hindi na humihinga." Pukulan ko man ng masamang tingin o sigawan si Derek, alam kong wala ring maitutulong. Kailangan ko siyang malansi para maka-ahon kami ni Ashton.

"I did my part. Nagawa ko na ang hamon mo. Ngayon, ano na ang kasunod? Are you going to kill us with that gun?"

He smirked and laughed. It was a sinister laugh. Iyong ginagamit ng mga kontrabida sa mga pelikula.

"I won't kill you. Mahal kita Karla kaya hindi kita papatayin. Pero hindi mo nga pala ako mahal. You made me suffer kaya't mas gusto kong magdusa ka din habang buhay kaysa magkasama kayo ng gagong 'yan sa kamatayan!"

He pointed the gun at us and a deafening sound of gun shot filled the room.





***

Malapit na po tayong matapos. Thank you for reading!

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon