Chapter Eighteen

3.1K 109 4
                                    







Nag-aalala kaming lahat sa sinapit ni Kuya Kristoff kaya't nagmamadali kaming pumunta doon sa kaniya. When we arrived at the hospital after an 8 hour flight, dumiretso na kami sa ospital. Sinundo kami ng kaibigan ni Kuya Kristoff na si Kuya Jerome. Alas onse ng umaga na kami dumating sa kwarto kung saan nakaratay pa din si Kuya. Doon namin nakilala si Steffani, ang girlfriend ng kapatid ko. Maganda at matangkad, mukhang super model na sexy. Maamo ang mukha niya at mukhang galing sa buena familia. Mukhang ito na nga ang forever ng kapatid ko dahil kitang kita ko ang pagmamahal at pag-aalala niya nang tinitingnan niya si Kuya. At sa ganda at kaseksihan ng babaeng ito, siguradong hindi na siya papakawalan ng kapatid ko.

"Tita Klarissa, this is Steff. Steffani, meet Kristoff's mom, Tita Klarissa" Lumapit si Steffani at nag-mano kay Mama. Ngumiti naman ang mama ko na maganda at sopistikada pa rin.

"Mama na lang ang itawag mo sa akin, Steff." Ngumiti ito at hinila siya sa isang yakap. Naluha si Steffani sa ginawa ni Mama. Siyempre ay hindi ako nagpahuli. Sumali ako sa yakapan nila.

"Dahil hindi ako pinakilala ni Kuya Jerome, I'll introduce myself. Hi new sister, I am Karla." Nang bumitiw na sa pagkakayakap si Mama ay ako naman ang bumeso.

"Kaya naman pala baliw na baliw sa'yo si Kuya, sobrang ganda mo! Welcome to the family!" Nahiyang napangiti lang si Steff. Hawak ko pa din ang kamay niya. Ang lambot. Naku natitibo na yata ako sa jowa ng kapatid ko.

"Bakit niyo hina. . . .harass ang. . .baby ko. . . sino ba dinadalaw ninyo. . . ako. . .o siya. .?" Mahinang sabi ng kapatid kong ilang araw na naming hinihintay na magising. Sa gulat ay napatulala lang si Steffani. Dali-dali naman kaming lumapit nila Mama at Kuya Jerome kay Kuya Kristoff.

"Hay naku Kuya. Mabuti naman at nagising ka na. Ilang araw mo na kaming pinapag-alala. Bakit kasi nagpaka-superhero ka pa e matanda ka na. Ayan pati si Ate Steff, pinag-worry mo. Si Ate Karen nga hindi makatulog kakaisip sa'yo." Gusto ko lang pagalitan si Kuya para hindi ako maiyak. I felt so relieved na nagising na siya.

"Ingay mo. . .san si Papa?"

"Hindi nakaabot ang passport at VISA niya, anak. Hindi pa kasi siya nakapunta dito medyo natagalan sa Embassy ang visitor VISA. Gustong gusto pa naman sumama. Maayos na ba ang lagay mo?" Tumango lang si Kuya dahil alam niyang hindi naman gusto ni Papa na hindi siya madalaw. Favorite son pa naman siya nito kasi nga mag-isa lang siyang lalaki. Sobra ang kaligayahan naming lahat na nakaligtas ang kapatid ko.

"Bro, welcome back. Teka tatawagin ko ang doctor." Pinindot ni Kuya Jerome ang isang switch at maya-maya pa ay dumating na ang nurse kasama ang doctor ni Kuya.

"Mr. Santiago, sakto lang pala ang rounds ko sa paggising mo." Nakalimutan ko yatang huminga nang marinig ko ang boses na iyon. Para akong nakuryente nang makita ko kung sino ang doctor na nagalaga sa kapatid ko. Mukhang nagulat rin si Ashton na makita ako dahil noong una ay natatakpan ako ni Kuya Jerome. Hindi na ako nakakilos, napayuko na lang ako at hindi na nagsalita.

"Ikaw pala ang doctor ko. . .salamat Bro." Hindi man lang nakapagrepare na si Dr. Ashton Frederico pala ang doctor niya.

"Good morning po." Bati naman ng doctor sa mama ko. Yumakap pa si Mama kay Ashton, feeling close kahit hindi pa naman sila nagkakilala dati. Alam lang niya ang kwento namin pero hindi pa sila nagkita. Ayaw ko man siyang tingnan ay kusang bumabalik ang mga mata ko sa kaniya. Siya mismo ang nag-check ng vital signs ng pasyente. Mabuti na lang at hindi niya ako nahuhuling nakatitig sa kaniya.

"I have some questions, this may sound stupid pero isa ito sa pang check kung ano ang extent ng damage because of the injury." Tumango lang ng marahan si Kuya.

"What is your name?"

"Kristoff Santiago."

Napaisip ako na oo nga stupid question at hindi bagay sa kaniyang magtanong ng ganoon, kasi matalino siya. Pero siguro routinary.

"Do you remember the names of everyone on this room?" Inilinga ni Kuya Kristoff ang mata sa paligid at napako kay Steff.

"Of course, I will always remember." Ang cheesy nila. Nakakainggit.

"Itaas ang mga kamay. Slowly. Then try to wiggle your toes." Nang masunod ni Kuya Kristoff ang lahat, hindi pa rin ito nag-alis ng tingin kay Steff. In love nga si Kuya.

"Good. Very good. We'll do some tests to check if you can be released this afternoon. Pupuntahan na lang kita sa inyo daily to check on you.  Basta kung magkaproblema, tawag lang sa akin. Bro, balik ka for follow up check-up next week para matingnan ko ang paghilom ng sugat mo at kung natunaw na ba ang ginamit sa stitches."

"Yes Bro. I'll see you. . .next week." Close pa rin sila? Bro talaga? Napatingin ako kay Ashton nang magsalita siya ulit.

"Yes. I'll see you." Tumalon ang puso ko na sa akin siya nakatingin. Ako ba ang sinasabihan niya? O nagkataon lang na napasulyap siya sa akin? Matapos magpaalam ay lumabas na si Ashton at ang nurse na kasama niya habang ako ay hindi pa rin makagalaw.

"Si Ahston lang pala ang makakapagpatahimik sa'yo anak. Maimbita nga siya sa bahay bukas." Pang-aasar ni mama. Alam ko na kung saan namin nakuha ang pagiging mapangbuska namin. Sa kaniya!

"Mama naman. . .Kuya, okay ka na ba talaga?" Biglang bumait at humina ang boses ko. Malayo sa high pitch ko at mataas na energy kanina bago kami nagkita ni Ashton. Kahit kailan nakakapanghina talaga siya.

"Ba't ang bait mo? Sige isasama ka ni Kuya mo pagpacheck up next week. Tutal dito ka naman na titira 'diba. Dinala mo na nga lahat ng gamit mo. Kung pwede lang ma-flat ang gulong ng eroplano ni Kuya Lucas mo, na-flat na ito sa dami ng dala mo." Napangiti si Kuya sa pang-aasar ni Mama.

"Congrats. . .Karla. I'm proud of you. . pakuha please ng tubig." Unti-unti nang bumabalik ang lakas ni Kuya. Napangiti ako nang maalala niya akong batiin.

"Thank you. Pagaling ka na. . . teka tubig. . . ayan na pala ang maganda mong nurse." Lumapit na rin si Steff na may dalang baso ng tubig na may straw.

"Baby. . ." Uminom si Kuya Kristoff, all the while magkatitigan lang silang dalawa ng may hawak ng baso. Nakakailang na nakakatuwa silang pagmasdan. They looked so in love and happy.

"Eherm. . .kuya lalabas muna kami ni Mama. Isesettle ang bill. Kuya Jerome, tara." Paglabas namin ay nagpaalam na rin si Kuya Jerome. Samantalang kami ni Mama ay nagpunta sa Nurse's station para itanong ang mga dapat gawin para sa pag-discharge kay Kuya.

Dapat pala ay naiwan na lang ako sa labas ng kwarto dahil nasaktan lang ako sa nakita ko.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon