Pagkalabas namin ng ospital ay namalagi muna kami sa kanila. His mom and I were inseparable during our stay with them. Magkasundong-magkasundo kami lalo na sa pagluluto. Nalaman niyang ako ang nagturo kay Ashton. Pinagpracticean pala sila ng boyfriend ko noong nasa Pilipinas pa ako. Tuwing umuuwi si Ashton sa kanila ay sila ang laging ginagawan ng mga putahe. Sabi ni boyfie, para daw hindi niya malimutan ang pagluluto ng mga paborito ko. One week din kaming namalagi doon, pinayagan siyang mag-leave dahil sa nangyari sa amin at si Kuya Blake ang titingin sa mga pasyente niya. Tinanggap na rin kasi ni Kuya ang offer na sa Sydney na siya magtrabaho. Nalulungkot na raw kasi siya mag-isa sa Luxembourg.When we returned to Sydney, hindi kami mapag-hiwalay ni Ashton. When my brother and sister-in-law to be went home to the Philippines to prepare for their wedding, two months after, ibinilin ako ni Kuya Kristoff kay Ashton. Pero pinabantayan naman niya si Ashton kay Kuya Blake para raw masigurong wala kaming gagawing milagro dahil doon na natutulog si boyfie sa bahay. So far, behave naman kami...tuwing may bantay.
"Pwede ka na talaga mag-asawa Karla, ang sarap ng luto mo. Kumusta pala ang trabaho mo Karla? Baka pinapahirapan ka dahil bago ka?"
"Nakakahiya naman sa inyo kung hindi masarap 'di ba. Baka mangayayat kayo. Sa work naman, naka-adjust na ako Kuya. Maayos naman ang pakikitungo ng mga tao sa akin. Noong una parang ilang na ilang sila sa akin pero ngayon, maayos na, sobrang gagalang pa nga eh feeling ko minsan ako ang may-ari noong restaurant." Napangisi si Kuya Blake habang sinipa naman siya ni Ashton sa ilalim ng lamesa. Ano naman kayang gimik ng dalawang ito.
"E sa cooking show mo? Balita ko mag-guest raw itong jowa mo. Ano naman gagawin mo 'don, Ashton?"
Weird nitong magkaibigan na 'to. Sinipa na naman ni Ashton si Kuya. Alam ko dahil gumagalaw ang table at napapangiwi naman ang isa.
"Hindi ko nga alam bakit ni-request nila na mag-guest siya eh hindi naman siya Chef." May cooking show ako every weekend sa isang TV and cable broadcasting company na based dito sa Sydney kung saan may investment si Kuya Kristoff. Napanood nila ang Vlogs namin ni Ate Karen and they wanted to replicate that on a regular TV show. Isa't kalahating buwan na rin at marami namang nanonood ayon sa rating.
"Galingan mo 'don Ashton ha, manonood ako. Ikwento mo na din kung bakit si Karla ang parang boss sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya." Natatawang biro pa ni Kuya.
"Bakit? Anong meron?"
"Ha? Wala ah."
"Ashton."
"Patay ka ngayon, mukhang nabuking ka ni Kumander. O siya, alis na'ko. Behave kayong dalawa."
Pag-alis ni Kuya Blake ay hinarap ko si Ashton.
"Ano kasi..."
"Sige, kung hindi ka aamin, sa sala ka matulog mamaya. O kung gusto mo umuwi ka na sa pad mo."
"Mahal naman...wala namang blackmail na ganiyan...alam mo namang hindi ako nakakatulog kapag hindi kita katabi...I'll tell you pero promise mo hindi ka magagalit ha."
"Isa! Huwag mong intayin na bumilang ako ng tatlo."
"Ito na nga sasabihin ko na..E ikaw naman talaga ang may-ari noong restaurant na 'yon...pinatayo ko 'yon two years ago...inaantay ka lang."
Mga isang minuto yata akong nakanganga sa kaniya bago ako naka-recover.
"Ha?"
"You're managing your own restaurant, mahal ko. Kash ang pangalan. Hindi mo ba na-gets?"
"Hindi. Malay ko ba kung mahilig sa pera ang may-ari at instead na Cash ay Kash ang ginamit. Alangan namang mag-assume ako por que pinaghalong pangalan natin ang nakasulat bakit naman hindi mo agad sinabi at isa pa bakit kailangan pa na ipagpatayo mo ako..."
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...