Chapter Seven

4.2K 126 2
                                    






Kinaumagahan, hindi sinasadyang narinig ko nag-uusap ang dalawang Kuya ko sa receiving area ng hotel suite.

"Hindi mo pa nabanggit kung anong dahilan ng panic attack ni Karla. Buti at sinilip natin siya, paano kung hindi natin siya napuntahan?"

"Matagal na niyang problema ang ganoon. Pero dapat ay hindi na nauulit pa 'yon. Ilang doctor na ang napuntahan niya, marami nang klase ng therapy. Pati hypnotism nasubukan na rin. Posibleng may nag-trigger na naman kaya niya ulit naalala. Baka kailangan ulit siyang magpatingin. She's trying to forget what happened to her ten years ago." Nanlamig ako. Gusto kong lumayo, gusto kong takpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang mga susunod na sasabihin ng kapatid ko, pero hindi sumusunod ang mga paa at kamay ko.

"What was she trying to forget? Bakit kailangan niya ng therapy?"

"Competitive and Acrobat Diving ang kinahiligan ni Karla noon. Noong una ay gymnastics pero nang isinama namin siya manood ng swimming competitions ni Karen, nadiscover niya ang acrobat diving. From gymnastics, naging swimmer at magaling na acrobat diver siya. Twelve years old siya noong unang beses siya isali sa competition." Dito pa lang ay pumapatak na ang luha sa mga mata ko.

"Pang apat siya sa mga divers. Walang may alam na defective pala ang diving board pati ang mga poste nito. Sabi ng mga imbestigador, maaring rigged daw ang poste kaya bumigay pero wala naman silang napatunayan na gagawa ng ganoon. After her dive, bumigay ang board at ang poste. Sabay ng pag-ahon niya ay ang pagbagsak ng board sa ulo niya. Alam mo naman siguro ang bigat at velocity nito at ang impact kapag tumama hindi ba?"

"It would be fatal. Nasa tubig pa siya. Head injury and drowning. My God Kristoff! How? How did she survive?" Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. I covered my mouth para hindi nila marinig. Hindi nila ako pwedeng makitang nagkakaganito na naman.

"Isa sa mga swimmer doon, kalaban niya, iyon dapat ang kasunod niya sa pag-dive. Walang pag-alinlangan na tumalon sa tubig para iligtas siya. Nagka-stampede noon, nagkagulo ang mga tao. Hindi napaghandaan ng organizers ang ganoong klase ng aksidente. Ni hindi nila natulungan ang mga tao na nangangailangan. Nasagip ng bata ang kapatid ko. Naiahon siya sa tubig. Pero may isang beam pa ng poste ang bumagsak, nahagip ang bata at nahulog ito muli sa pool. Dahil sa kaguluhan, hindi siya kaagad napansin at nakita. Huli na nang makuha siya. Hindi siya nakaligtas. Nalaman ni Karla ang nangyari nang magising siya mula sa coma. Simula noon, lagi siyang tulala. Hindi siya makatulog. Tuwing makakatulog siya ay napapanaginipan niya ang nangyari. She was too young to handle a serious emotional breakdown like that. She blamed herself for the death of her saviour." Natahimik sila. Habang ako ay nanghihinang pumasok ulit sa silid na pinanggalingan ko.

I was a mess back then. Hindi lang emotionally pati mentally. Dahil sa aksidente, naapektuhan ang memory ko. Short term memory loss. May mga bagay akong mabilis malimutan. I was treated yes, pero kahit anong gawin nila, ang mga gusto kong maalala, nalilimutan ko. Kabaligtaran ng nais kong mangyari. Ang gusto ko makalimutan, ang bagay na panandalian kong nalimutan, ngayon ay bumabagabag na naman sa isipan ko.

I was home schooled dahil sa injury ko at emotional state ko. College na nang payagan ako sa normal ng unibersidad. Walang nakakaalam ng pinagdaanan ko bukod sa pamilya ko at sa isang tao.

"Karla? Nandito na ang damit mo. Kumuha ako sa apartment. Kain na tayo. Gusto mo bang magshopping ng isusuot mamayang gabi? Alam kong wala kang pang gala night na nadala." Nagpahid ako ng luha. Sana hindi nila mapansin ang mata kong mugto.

"Sige kuya, after ko kumain na lang."

"Take your time. Mag-gym lang kami ni Blake sandali. Sabi pala ni Ashton, he might drop by. Nagchacharge ang cellphone namin ni Blake, sabihin mo na lang sumunod sa gym kapag hinanap kami."

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon