Marami akong natutunan sa pagmamahal pero ang pinakaimportante doon ay ang pagpaparaya at pagsasakripisyo. I did it once nang sa tingin ko ay ang paglayo ko ang makakapagpatahimik sa buhay ng taong mahal ko, and I did it again, now.
Akmang babaril na si Derek nang iharang ko ang katawan ko para masigurong hindi tatamaan si Ashton. I felt the first bullet. Isang tama sa balikat. Sa pangalawang putok ay inaasahan kong mapupuruhan at tatamaan ako sa ulo o sa likod. Kahit na may gumuguhit na sakit sa kanang balikat ko, I kept my hold on Ashton. Handa kong isakripisyo kahit buhay ko para sa kaniya.
Walang pangalawang bala na tumama sa amin dahil pinadaplis ito ni Derek sa tubig nang makita niyang ako ang una niyang tinamaan.
"Karla! Shit! Bakit ka humarang?! I'm sorry! Hindi ko alam kung bakit kahit ilang ulit mo akong ginagago, hindi ko pa rin gustong makita kang ganito. Mahal na mahal kita. Ayokong nasasaktan ka. Iwan mo na si Ashton! Iaangat kita kung bibitiwan mo siya. Please Karla, umaagos na ang dugo mo! Damn it! Bitiwan mo na 'yan!"
Nakapikit man ako ay dama ko ang pag-aalinlangan niya kung tutulungan ba ako o hindi. Para pa siyang umaatras abante dahil sa narinig kong mga yabag niya. Gusto kong matawa at maiyak dahil sa tunog ng panic sa boses niya. He shot me tapos gusto niya walang dugo at hindi ako masaktan? Nababaliw na talaga siya. Hindi man ako dapat makaramdam ng awa ay naaawa ako kay Derek. Kung sana ay marunong siyang magmahal, baka may babae pang nagkagusto at tumanggap sa kaniya. Pero kahit ilang beses niya sabihin na may malasakit siya at pagmamahal, kung mali naman ang paraan ng pagpapakita niya nito ay balewala lang rin ang lahat ng sinasabi niyang sakripisyo at pagpapakahirap.
"I will never... let go of him...magsama na kami sa kamatayan...pero hindi ko siya bibitawan." I opened my eyes at nilingon ko si Derek. Nakita ko ang pagbabago sa expression ng mukha niya, ang lungkot na napalitan ng pagkamuhi sa isinagot ko.
Nanginginig na ang katawan ko, dahil sa sakit ng balikat ko at sa lamig ng tubig. Alam kong dumudugo rin ang sugat dahil sa pulang likido na humahalo sa asul na tubig ng swimming pool.
"Kahit sa kamatayan siya pa din ang pinipili mo! Pwes, magsama kayo!"
Kasabay ng pagputok ng baril niya ay ang pagkamanhid ng mga braso at pag-atake ng pulikat sa binti ko. I lost my grip on the swimming pool edge. Gaya ng sa bangungot ko ay unti-unti akong lumubog sa ilalim ng tubig, kasama ko si Ashton. I felt free habang nakatingin ako sa mukha ng lalaking pinakamamahal ko. I felt happy that I am with him even in my last breath. Iyon ang huli kong naisip bago ako nawalan ng malay.
***
Ilang libong beses ko pinaulit-ulit sa aking isipan na mabubuhay si Ashton, dahil kung hindi ay siguradong dalawa kaming mamatay.
"Ashton, please gumising ka na." Kailangan niya akong marinig. Nakaahon na kami sa tubig, wala na ang mga gapos at malaya nang makakakilos. Kaso ay hindi pa rin siya nagkakamalay at ako naman ay may daplis na tama sa kanang balikat.
"He's still unconscious but his pulse is strong. Ikaw, nagamot ko na ang sugat mo. Mabuti at mababaw lang. Ang competitive mo talaga. Nakakatawa na mas nauna ka pang nagkamalay kaysa dito sa jowa mo. Magigising din iyan. Huwag ka nang magdrama. You're both safe now." Sabi ni Kuya Blake para bawasan ang pag-aalala ko. Inayos niya pa ang makapal na kumot na nakabalot sa akin bago siya lumakad palapit kay Kuya Kristoff na kalaunan ay lumapit din sa akin.
"Karla, susunod na lang kami sa ospital. Patingnan mo rin ang sugat mo sa kamay ha." Yumakap sa akin ang kapatid ko. Habang buhay kong ipagpapasalamat na dumating sila ni Kuya Blake para sagipin kami ni Ashton.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...