Tatanggapin ko na lang ba ang mga paliwanag niya? O magpapahabol pa ako at magsasayang ng oras? Masyado na kaming maraming panahong pinalampas pero hindi nangangahulugan noon na bibilisan namin ang lahat. I love him, sigurado ako at walang pagdududa. Mahal niya rin ako at napatunayan naman niya. So ano pa ang inaarte ko ngayon?"Bilang si Lei nasabi mo sa akin lahat ng nararamdaman mo noon. Sana pagkatiwalaan mo pa din ako bilang si Ashton." Hinarap ko siya at seryosong tinanong. May planong nabuo sa isipan ko.
"Paano kung hindi na pala ikaw ang gusto kong makausap, si Lei na?" He sighed and then smiled. Iyong ngiting bente siete pesos, bitin at pilit.
"Kahit nagseselos ako kay Lei, kung makakabuti siya sa'yo, wala kang maririnig na kahit ano galing sa 'kin." Seryoso niyang sinagot ang tanong na pang-asar ko lang dapat sa kaniya.
"Sige, teka imemessage ko lang. Ay, nalaglag nga pala ang cellphone ko sa may hagdanan." Mabilis siyang tumayo at kinuha sa labas ng silid ang nahulong na cellphone. Iniabot niya ito sa akin pagbalik niya sa higaan. Nagtipa ako ng mensahe sa pinakamatalik kong kaibigan.
K: Lei!!! Magpapaalam na ako sa'yo. Salamat sa pagkakaibigan natin. Salamat din sa pagmamahal at pang-unawa. Thank you sa mga pambabara mo at pagpapangaral sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit botong boto ka kay Ashton para sa akin. Walang hiya ka! Pinasakay mo ako ng ilang taon. . . kaya pala para kang self proclaimed attorney ng "ex" ko ay dahil. . . grrrrr. . .
Natawa si Ashton nang mabasa niya ang message ko.
L: Iiwanan mo na ba ako?
K: Oo eh. Nagkabalikan na kami ng ex-boyfriend ko. . .kahit hindi naman pala kami nagbreak. Bumalik ka na din sa girlfriend mo. Mahal na mahal ka din niya. Papalitan ko na. . .
Seryoso ang mukha ko pero si Ashton, abot tenga ang ngiti. Matatalo siya sa poker. Hindi siya marunong mag poker face. Pero kahit matalo pa siya sa mga sugal, basta panalo lang siya palagi sa akin.
L: Papalitan ang alin?
K: Papalitan ko na ang pangalan mo dito. . .hindi na Lei.
L: Ano?
K: Ilalagay ko na ang. . .Mahal kong Ashton. . . tapos. . .
Natahimik siya at parang hindi makagalaw.
L: Tapos?
K: Gagawin ko na. . .
L: Alin?
K: Gagawin ko na ang madalas mong isinasuggest.
Hindi na siya nakapag-reply dahil mula sa pagkakahiga ko ay naupo ako at mabilis ko siyang hinila palapit sa akin. I hugged him tightly. Iyong sobrang higpit na halos mapisil ko na palabas ang mga lamang loob niya. When I released my hold on him, humarap ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya, I gazed at his expressive eyes, realization of what I am doing was evident on his face. Alam na niya kung anong mangyayari. Alam na niya dahil madalas niyang ipang-asar sa akin ito dati. He licked his lips in anticipation at napalunok pa siya. When I pulled his head lower ang claimed his lips, a gentle and slow kiss was what I expected. Pero hindi ganoon ang nangyari. Para kaming nauuhaw sa isa't-isa. We kissed like there was no tomorrow. It was hot, wild and fervent. Hindi matapos at hindi maubos ang kagustuhan naming iparamdam sa isa't isa ang pangungulila. Hindi ko alam kung saan kami humugot ng hininga dahil sa tagal ng halikan session namin. I ended up lying in bed and him on top of me. He probed my mouth with his tongue like an expert bago siya bumaling ng halik sa leeg ko. Kahit kailan panira ng moment ang cellphone niya. Tumunog ito at nagvibrate. Noong una ay ayaw niyang pansinin. Tuloy lang siya sa ginagawa niya. Nakakawala ng focus ang mga halik niya. Tumigil rin ang pagtunog ng cellphone kaya't nagpatuloy lang kaming dalawa. Hanggang sa may kumatok sa kwarto.
"Karla. . . Ashton. . ." Apat na katok pa bago kami bumalik sa katinuan. Nakakahibang kasi ang mga halik niya.
"Karla. . .I love you." I smiled and kissed him one more time bago ako sumagot.
"I love you too."
"Karla! Nasa loob ba si Ashton?" Napairap na lang ako sa inis ko sa kapatid ko.
"Oo. Nandito. Bakit ka ba sumisigaw? Pumasok ka kaya sa loob!" Malakas ang loob kong papasukin si Kuya dahil maayos na ang posisyon namin. Magkatabi lang kaming nakaupo sa kama ko. Pero may nakatapal na unan sa may bandang nakaumbok na harapan niya.
"Hindi kasi kayo sumasagot! Tumatawag ako sa cellphone mo." Tumingin siya sa katabi ko na kumunot naman ang noo bilang pagtataka.
"Andito lang siya tatawag ka pa? Ang dami mong pambili ng load!"
"Hindi ko nga alam nandito sa loob. Akala ko umalis na. May pag-uusapan lang kami. Pahiram muna ha." Hinila ko si Ashton para hindi makuha ni Kuya.
"Para kang bata! Importante lang. Huwag ka nang makulit."
"Bakit hindi ako pwedeng sumama?" Kinakabahan ako sa tuwing may itatago sila sa akin. Pakiramdam ko may mangyayari na namang masama. Tuwing sasaya ako ng husto, binabawian ako ng doble at tripleng sakit pa pangtapal sa panandaliang kaligayahan ko.
"Kristoff? Code D ba?" Tumango lang si Kuya. Napamura naman ang katabi ko.
"Kailan pa? Nasaan siya ngayon? Nahanap mo na ba?"
"Nandito siya ngayon. Napuslitan niya ang tracer ko. Hindi ko alam ang exact location niya. Kaya dobleng ingat tayo." Kinilabutan ako sa sinasabi nila.
"What's happening? Kuya?" Umiling lang ang kapatid ko at lumabas ng kwarto. Ibinaling ko ang tanong sa kasama ko.
"Ashton?" He pulled me closer to him bago siya nagsalita muli.
"May tumulong kay Derek makatakas ng kulungan. He's here now. Nalaman niya sigurong nandito ka na." Nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi niya. Parang nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga.
"Fight the anxiety attack. Please calm down. Hindi ka niya masasaktan, I'll make sure of that. Don't worry Mahal ko. Hindi ka niya magagalaw. . ." He kissed my nose, forehead, both cheeks at lips. Pilit niya akong dinidistract sa mga naiisip ko. His kisses on my lips were addicting.
"I love you Karla." Itinuloy niya ang paghalik sa leeg ko. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko pero hindi na dahil sa takot. I felt myself's heart race from excitement because of his kisses.
"I love you too. Okay na'ko." Magkatabi pa din kami at magkayakap. Nakaunan ako sa well toned niyang braso.
"Good. Don't worry. Hindi ka niya malalapitan." He assured me. Naniwala naman ako dahil may tiwala ako sa kaniya at sa kapatid ko na hindi nila ako pababayaan. I have to be tough. Hindi na ako dapat magpaapekto pa. Magpapaulit ulit lang kung hahayaan ko na naman ang sarili kong matakot sa kaniya. This time, I'll play my cards right at sisiguraduhin kong wala nang makakapanakot pa muli sa akin.
***
A/N: I had to set the next few chapters into Private to protect my copyright.
You can read the full story if you follow me. Thank you!
The next chapter is set to private.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...