Chapter Nine

4.2K 110 23
                                    








            

Para kaming timang dalawa ni Ashton nang mapagpasiyahan naming kumain sa labas.  Sabi nga naman niya ay go out with him.  Ganoon nga ang ginawa namin, lumabas kami ng kwarto, sa may veranda, at doon kami kumain ng mga pagkaing inorder namin sa room service.  Sabi ko kasi ay umuwi muna siya para makapagpahinga pa at makapagbihis.  Ayaw na raw niya dahil sayang ang oras.  Kaya ang ending, candle light dinner na siya lang rin naman ang nag-ayos. 

"Baka nakakalimutan mo na hotel room ito ni Kuya Blake? May pa set-up ka pa ng dinner diyan."  Pa-irap kong tanong sa kaniya nang mabungaran ko siya na nag-aasikaso ng lamesa.  Nanghiram pa siya ng mga gamit para sa set up niya. 

"Nagpaalam naman ako.  Kaya mamaya pa sila uuwi pagkatapos natin kumain.  If you're not comfortable, kukunin ko na lang yung Suite sa kabila.  Gusto mo ba?"  Napa-iling na lang ako sa kakulitan ng taong ito.

"Huwag na.  Parang dinner lang ang dami pang arte. . ."

"Siyempre naman, I want our first official date to be special." Napapadalas ang pag-irap ko tuwing nagsasalita siya. Puro palaman naman kasi ang sinasabi.

"Anong official? May unofficial date ba? Anu-anong klase ba ang date?" Ngumiti lang siya at kumindat bago sumagot.

"Wedding date."  

"Ano?!" Natawa pa ng malakas ang walang hiya. Parang trip na trip niyang pa-initin ang ulo ko.

"One of our many dates, the first one of our many other dates, today's date, invoice date, expiration date. . ." Lumapit ako sa sofa at kumuha ng throw pillow.  Pagkatapos ay ibinato ko ito sa kaniya.  Hindi siya nakailag kaya sapul siya sa mukha.

"Hala. Bakit?" Nagtataka pa niyang tanong. At saka siya bumunghalit ng tawa at ibinato pabalik sa akin ang unan.  Pero mahina lang ang hagis niya, hi hindi nga tumama sa akin.

"Para kang timang, kung anu anong pinagsasabi mo!"

"Nahahawa lang ako sa'yo.  Hindi ka nauubusan ng sinasabi.  Lagi kang may ready na comment.  Para kang reaction paper.  Ikaw na yata ang pinaka magandang reaction paper sa balat ng lupa."

"Hindi ko alam kung sa nasobrahan ka lang sa puyat at paglanghap ng alcohol, chloroform o betadine.  Kung anu-anong kakornihan ang alam mo." 

"Hindi ako sumisinghot ng mga 'yon lalo ng betadine. Hindi naman ako adik sa mga iyon.  Baka sa'yo pa adik ako.  Pero kapag binasted mo ako, siguradong sa sobrang sakit ng puso ko, magiging dependent ako sa pag-inom ng mga pain relievers." Napakamot na lang ako ng ulo.

"Ang tindi mo rin noh! Naipasok mo pa 'yon?"  Ngumiti lang siya.  Hindi bagay ang matamis niyang ngiti sa tema ng pinag-uusapan namin.  Ano bang gagawin ko sa gwapong doctor na ito?!

"Naman!  Pasok ka na sa kwarto mo, Karla." Biglang nagseryoso ang boses niya.

"Ha? Bakit naman?" Lumapit siya at kinuha ang aking kamay.

"Para kakatukin kita at susunduin.  Like what couples do at a real date.  I'm not saying that this is a pretend date.  Pero. . .ang tanga ko talaga pag dating sa ganito. . ." Natawa ako sa panghuli niyang sinabi ng pabulong.  Naawa din naman ako.  Mukhang hindi talaga sanay sa buhay.  Baka puro may sakit lang talaga at nag-aagaw buhat ang forte niya.

"O siya, sige na.  Hihintayin kitang kumatok para sunduin ako on our first official date slash real date slash not a pretend date."  I was rewarded with a full blown smile.

Ayaw pa sana niya bitiwan ang kamay ko pero naalala niya na papasok nga pala muna ako sa kwarto bago niya ako sunduin.  Sinakyan ko na lang ang trip.  Baka talaga lang may sayad sa utak kapag sobrang talino.  Sabagay, ayos lang naman kung special siya.  Mukha naman talaga siyang special.  Kung baga sa ensaymada, mukha siyang may itlog na maalat at added cheese topings.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon