Chapter Two

6.7K 192 12
                                    




"Magkakilala na pala kayo. Karla, meet Dr. Ashton Frederico, he's my batchmate in Med school. He's training to be a neurosurgeon here in Australia at sa history ng university namin sa US, siya ang pinakabatang doctor na grumaduate.  At age 19 ay doctor na siya. Baka nga magkasing edad lang kayong dalawa. Dude, ito naman ang youngest sister namin na si Karla Santiago. O, mag-shake hands naman kayong dalawa." Kung hindi ko kilala itong si Kuya Blake malamang ay isipin kong ibinubugaw niya kami sa isa't-isa. Pero dahil alam kong hindi niya naman ugali ang mag-match making, ngumiti na lang ako at inilahad ang kamay ko sa lalaking seryosong nakatingin sa akin.

"Nice to meet you Dr. Frederico. Sorry for the incident earlier." Hindi ko naman talaga gustong mag-apologize pero dahil sinipa ako ng kapatid ko sa ilalim ng lamesa, kinailangan kong maging mabait.

"Really? You're sorry?" He smirked at me at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. The nerve of this guy! Well, siguro napansin niyang hindi naman talaga ako sorry at may pagka-plastic ang ngiti ko pero kahit na, nag-sorry pa din naman ako. Ano siya sineswerte? Kailangan pa meant ko mag-apologize?

"Yes. Kuya, anong order natin? I'm famished." Ayaw niya pa yatang bitiwan ang kamay ko kaya't halos ipagpag ko ito para lang magkahiwalay ang mga palad namin. Ibinaling ko ang atensiyon sa kapatid kong nakasilip sa menu ng restaurant.

"They serve Western food here as well as Japanese. Ikaw ano bang gusto mo?" Seryosong tanong ni Kuya.

"I suggest the Chef's special. Kahit ano doon siguradong papatok sa panlasa ninyo." Mungkahi naman ng preskong doktor. Sinunod ni Kuya Blake at Kuya Kristoff ang suggestion niya. Magkakaparehas sila ng ipinalista sa waiter. I ignored them at nag-order lang ako ng sa tingin ko ay maganda ang itsura. Mukhang masarap sa picture. Hindi ko na binasa kung ano ang description nito. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-browse sa social media. Hindi ko na napansin na lumipat pala sa katabing upuan ko si Ashton.

"Are you sure about your order? Baka magsisi ka." Nakangiti niyang tanong. Na-distract ako ng maputi at pantay pantay niyang ngipin. Para siyang toothpaste model.

"I can suggest something na siguradong magugustuhan mo. Baka makalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo 'yon." Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya o concerned talaga siya sa appetite ko. I rolled my eyes at him bago ko muling itinuon ang atensiyon ko sa cellphone ko na hindi ko pala na-charge. Kahit nag-off na ito, hindi ko pa rin inialis ang tingin ko dito. Kunyari ay nag-scroll pa din ako kahit black screen na lang ang kita.

"Do you detest me that much to pretend doing something so you can ignore me?" Medyo nawala ang inis ko dahil sa narinig kong boses niya. Parang seryosong nalulungkot ito na hindi ko nga siya pinapansin. I decided to ignore him more. Ano, isang padrama effect lang, bibigay na agad ako? Not in his wildest dreams!

"Karla. . ." He whispered my name. Pabulong man ito pero at mahina, hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko na sabihin niya ang pangalan ko.

"Stop pestering me. I'm busy." Mahina ko ring sagot na hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"You're busy scrolling a blank phone? God. . . I really suck at this." Umayos pa siya ng pwesto bago nagsalita muli. Narinig ko kasing tumunog ang silya nang iniharap niya ito sa akin.

"Karla, Blake, saan nyo gustong pumasyal? Kami muna ni Ashton ang tour guide ninyo ngayon." Buti at na-iba na ang topic ng usapan.

"Ako Kuya kahit saan lang. Pero gusto ko makita ang Sydney Opera House at Bondi Beach."

"Mas maganda ang mga dagat natin sa Pilipinas." Pabulong na sagot naman ni Ahston sa akin.

"E kung mas maganda pala doon, edi umuwi ka na at mamasyal sa Pilipinas." Natawa lang siya sa sagot ko. Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko?

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon