Chapter Eight

4K 128 7
                                    






True to his word, ala sais impunto ay nasa receiving area na ng Suite si Ashton.  Pero hindi ala sais ng gabi kundi ala sais ng umaga kinabukasan. 

"Ang aga mo naman. . . Uwi ka kaya muna. Inaantok pa ako. . ."  Pupungas pungas pa ako nang lumabas.  Hindi ako tinantanan ng kapatid ko hangga't hindi ako lumalabas ng kwarto para harapin siya.

"I just want to apologize for not joining you guys last night.  Maraming pasyente kagabi sa hospital dahil sa malaking aksidente sa Freeway.  They needed extra help at the ER.  Hindi ko nakayanang umalis at iwan sila.  I hope you're not mad."  Nawala ang attitude ko nang makita ko ang itsura niya.  He looked exhausted.  Magulo ang buhok, ang suot niyang gray hospital scrub pants ay may mga parang talsik pa ng gamot o siguro ay dugo.  Mukhang nagpalit lang siya ng puting t-shirt bago siya umakyat. Kahit ganoon, hindi maikakaila na gwapo pa rin siya.

"Don't worry.  Natuloy pa din naman kami manood nila Kuya.  It was fun for me.  Sayang nga lang ang tickets mo dahil nag-sight seeing at pumorma lang ang dalawang kumag doon.  Ako lang yata ang naka-appreciate ng Opera.  Dapat nagpahinga ka na lang muna kaysa nagpunta ka pa dito." Kahit na mukhang babagsak na ang talukap ng mga mata niya, nakuha niya pang ngumiti at abutan ako ng dala niyang supot na puno ng pagkain.  May mga bagels, croisant, ham and tatlong klase ng cheese.

"I want to have breakfast with you.  Hindi rin ako matahimik hangga't hindi kita nakikita at nakakausap.  Siguradong hindi rin naman ako makakatulog kakaisip. . ."

"Haist. Ang drama! Sige, maupo ka muna diyan.  Aayusin ko ang pagkain.  Sit back and relax."  Ayaw pa sana niyang pumayag, pero inakay ko na siya palapit sa sofa bago ako lumakad patungong dining area.  Pagod na talaga si Ashton dahil pagkaupo niya at paglapat ng likuran niya sa sofa ay napapikit siya kaagad.  Inayos ko pa rin ang mga pagkain niyang dala para kung sakaling magising siya ay makakain na din kami.  Nawala na rin naman ang antok ko.  Hindi ako morning person pero sino ba naman ako para mainis sa maaga kong paggising dahil sa pagbisita sa akin ng isang taong wala pang tulog, galing sa ilang oras na panggagamot at pagtulong sa kapwa.

"Pssst. . ." Pabulong na bati ni Kuya Kristoff nang lumabas ito sa kwarto at nakitang natutulog si Ashton sa sofa habang ako ay nakaupo lang sa may tabi niya at nakamasid. Natabig ni Kuya ang isang silya nang mapadaan siya.

"Huwag ka maingay!" Mahinang saway ko sa kaniya.

"Bakit diyan mo pinatulog? Hindi siya makakatulog ng maayos. Sana pinapunta mo sa kwarto ko o kay Blake."

"Hindi ko naman alam na matutulog na. Sabi niya kakain daw kami. Kawawa naman pagod na pagod.  Hayaan muna natin." Hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya.  Para kasi siyang anghel na natutulog.  Nakakarelax pagmasdan ang pagtaas baba ng dibdib niya sa tuwing humihinga siya.

"E baka maubos 'yan."

"Alin? Wala pang bawas ang pagkain." Nagtataka kong tanong.

"Si Ashton, baka maubos, kakatitig mo. Kumain na muna tayo.  Sa kaniya ba galing ito o pinadeliver mo ulit?"

"Maubos ka diyan. Dala niya lahat iyan kasi nga kakain daw kami.  Sige na, mauna ka na. Hintayin ko na lang siya.  Di pa naman ako gutom."  Nakatingin lang sa'kin ang kapatid ko at umiling.  Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-ngiti niya ng nakakaloko.

"Diba kagabi kulang na lang isumpa mo 'yan sa galit?  Hindi ka nga nanood ng maayos dahil inis na inis ka.  Bakit ngayon. . ." Pinandilatan ko siya ng mata.

"Huwag ka maingay! Baka magising! Sige na, kumain ka na nga lang."  Inirapan ko siya habang pinipigilan niyang matawa. Nagtagumpay kasi siya sa pang-aasar sa'kin. Pagkakain niya ay nagising na rin si Kuya Blake.

"Bro, tuloy ba tayo? Paano si Karla? Iwan muna?"  Plano kasi namin ay may titingnan na mga bahay si Kuya at sasamahan namin siya. Sumenyas na lang ako na okay lang akong maiwan.  Tinatamad din naman akong lumabas.  Napuyat din kasi kami kagabi.

Hindi na rin sila nagtagal, pagkatapos nila kumain, maligo at magbihis, umalis na rin sila.  Dahil na rin sa katahimikan ng hotel room at sa nanumbalik kong antok, hinayaan ko na lang na mapadantay ako kay Ashton kaysa iwanan ko siya sa sala mag-isa.  When I woke up, ang laki ng pagbabago sa pwesto namin.  Noong nakatulog ako ay magkatabi lang kami na nakaupo.  Nang magising ako, nakahiga na kaming dalawa sa malapad na sofa.  Ako sa may sandalan at siya sa may gilid.  Nakaipit ang kaliwang braso niya sa may leeg at batok ko habang ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko sa may bandang bewang. Bumaling ako ng bahagya sa kanan para silipin kung tulog pa siya.  Tulog naman.  Iniisip ko kung paano ako makakabangon na hindi siya nagigising.  Walang paraan dahil sa pwesto namin isang galaw ko lang ay baka mahulog pa siya sa sahig.  Sakto lang ang katawan naming dalawa na magkatabi doon.  Walang puwang sa pagitan.  Tantiya ko ay mga kinse minutos din akong nakatulala at nagpipigil gumalaw bago pumihit ang mukha niya at humarap sa akin.

"Good morning."  Unang beses ko masabihan ng good morning ng isang tao ng ganoon kalapit.  Iyong halos maduling na sa pagtingin sa mga mata niya.  Parang may kumislot sa puso ko nang ngumiti siya sa akin habang nakatitig lang ako sa mapupungay niyang mata.  Para siyang may eyelash extensions sa haba ng pilikmata niya.

"Good morning pa ba? Hindi ako sure."  Mas napangiti pa siya.

"Yeah.  I'm not sure either kung morning pa ba.  Pero may isa akong sure."

"Ano?"  Nakakatunaw ang tingin.  Hindi ako makatingin ng diretso. 

"I want to wake up like this everyday." Sa sobrang kabog ng dibdib ko, doon ko na siya itinulak palayo at kumalabog siya nang mahulog sa carpet.

"So. . .sorry. . . ginulat mo kasi ako.  Baka gutom lang 'yan.  Nalipasan na tayo ng gutom."  Nagkaroon na ako ng chance na bumangon at dumistansiya sa kaniya.  Hindi naman siya bumangon sa sahig.  Nakahiga pa rin siya doon at nakatingin lang sa akin.  He propped his elbows and had the nerve to wink at me. Baliw lang. Inirapan ko siya at tinalikuran.

"Thank you Karla." 

"Saan naman?"

"Thank you dahil alam mo kung anong kailangan ko and you gave it to me."

"Sus. Ang drama.  Ano naman 'yon? Wala naman ako binigay."

"Your time, your presence and your care."  Talaga ba? Dahil lang pinatulog ko siya at hinintay magising, I care na? Oo tama nga, siguro nga, I care dahil mabait rin naman siya sa akin, not to mention sobrang makulit.

"Arte much!  Tara na." I offered my hand to him to pull him up.  When I pulled him up, he hugged me tight.  Iyong yakap na parang yakap ng taong galing sa abroad para sa mga mahal niyang napahiwalay sa kaniya ng matagal na panahon.

"You made me feel invigorated.  Nawala lahat ng pagod ko.  Thank you."

"Ginawa mo pa akong vitamins at energy drink.  O siya, tama na.  Nakakarami ka na masyado."  I gently pushed him and pulled him to the Dining area.  May natira pa namang pagkain na pinagsaluhan naming dalawa.  Tahimik lang kami hanggang sa matapos na ang breakfast na naging late lunch.  Pasado alas dos ng hapon na kami nagising. 

"I filed a vacation for 1 week para masamahan kita mamasyal.  Dapat sana 3 weeks kaso. . ."

"No. You don't have to do that.  Nandito naman sila Kuya.  I don't want to burden or bother you anymore.  Mas importante ang residency mo."

"Importante ka.  Just let me do this, okay?  Besides, I already set an appointment with my chef friend.  After the first week, iyong last two weeks ay apprenticeship mo sa restaurant niya so he can give you a recommendation letter or letter of reference.   We'll meet him next week. Pero ngayon, pwede ba natin ituloy ang first date natin? This time, I want to do it properly. . . Karla, will you please go out with me?"

Alam ko mali na kinikilig ako at natutuwa ako sa atensiyon na binibigay niya.  Mali na ikagalak ko ang pagbigay niya ng importansiya sa lahat ng gusto ko gawin at ma-accomplish sa Australia, pero hindi ko naman masisi ang sarili ko.  This is the first time na may nagbigay ng interes sa akin ng ganito kahit alam kong hindi rin naman ito magtatagal. 

Should I use my logic or should I trust my feelings?  Parehas yatang walang kredibilidad ang choices ko.  Gayumpaman, nagkaroon naman ng sariling buhay ang ulo ko na tumango lang bilang pagpayag sa imbitasyon niya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon