Chapter Three

6.4K 161 9
                                    




May pagka-overacting ang gwapong doctor na kasama ko sa pag-alalay sa akin.  Pakiramdam ko tuloy matandang hukluban ako at hindi allergy patient.

"Ashton, I'm okay.  No need to treat me like I'm an invalid."  Hindi ko na natiis. Iba rin kasi ang pakiramdam ko sa tuwing hahawakan niya ang braso o ang siko ko habang naglalakad kami.  Huling hirit na nang pasakay ng kotse niyang kumikinang sa kakintaban.  Inilagay pa kasi niya ang seatbelt ko bago siya umikot at umupo sa driver's seat. 

"I just want to make sure you're safe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I just want to make sure you're safe."  Sabi niya pa bago niya pinaandar ang puting kotse na pangarap ng karamihan.  Ang kotse lang naman niya ay isang Porsche Cayenne. 

"Bakit ka nga pala may dalang gamot sa allergy? Do you usually carry drugs with you everywhere you go?" Natawa siya sa sinabi ko. 

"Drugs talaga? Sabagay, drugs and medicine are synonymous.  May nag-abot kasi kanina mga sample na gamot.  Mabuti at hindi ko naalis sa coat ko.  Maswerte din talaga ako minsan.  Pinaka maswerte na yata ako ngayong araw."  Hala siya, hindi ko alam bakit bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.  Bigla kasi siyang lumingon sa akin at ngumiti nang sinabi niya ang huling pangungusap niya.

"So galing ka pala sa hospital?" Iniba ko na lang ang usapan.

"Yes. Fresh from a 24 hour duty. Nakiligo nga lang ako sa hotel room ni Blake.  Akala ko kasi ay late na ako.  Pagdating ko sa hotel, may oras pa raw dahil nagsabi si Kristoff na mahuhuli kayo ng dating." 

"Are you implying na kasalanan ko kung bakit kami late?" Naiinis kong sabi. 

"O, wala naman akong sinabing may nagkasala ah.  Bakit, ikaw ba ang reason bakit kayo late? Don't worry.  Ayos lang sa'kin maghintay.  Kung ikaw ang hihintayin ko, kahit gaano pa katagal."  Ang presko naman ng mamang ito.  Akala naman niya kikiligin na agad ako sa mga patutsada niya.  Pero bakit parang double time ata ang pagkabog ng dibdib ko? Ah, siguro epekto ng gamot.

"Ang dami mong alam eh no.  Pwede ba, ang mga pick up lines mo, don't use them on me. Kasi hindi ako nakikipaglokohan sa'yo." Malumanay naman ang pagkakasabi ko pero siguro hindi niya nagustuhan ang tono ko.  Inihinto niya ang kotse. At dahan dahang iniharap niya ang mukha ko sa kaniya.  I felt my cheeks tingle with his gentle touch. 

"I'm not using any pick up lines.  I have never used any in my entire life, and Karla, hindi kita balak lokohin kahit kailan."  Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko.  Ang intense ng tingin niya sa mga mata ko.  Parang ipinapabasa niya kung anong nasa loob nito. E hindi ko naman maaninag dahil far sighted ako at masyadong malapit na ang mukha namin sa isa't isa.  Ito na ba? Ito na ba ang first kiss na pinapangarap ko?

"Karla, we're here."  May sayad na yata ako sa ulo, ang alam ko, magkalapit na ang mga mukha namin, paano nangyaring nakaikot na si Ashton at ipinagbubukas na ako ng pintuan. May pagka magician yata ito.

"Thank you." Gaya ng ginawa niya sa restaurant, iginiya niya ako papasok ng Condo type hotel na pinuntahan namin.  Binati siya ng mga staff doon, may nasalubong pa nga kaming nakauniporme at nakalagay ay Manager sa name tag, pero yumuko pa ito bilang pagbati sa kaniya.  Parang sikat na sikat naman yata si Ashton.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon