Sinasadya siguro ng tadhana na pahirapan ako. Sa lahat ng taong magiging kasama ko sa trabaho ay si Derek pa ang napili niya. Ang taong naging dahilan kung bakit bumalik ang mga bangungot ko. Ang taong nagbigay sa akin ng panibagong bangungot at takot. Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa hotel na tinutuluyan namin. Takang taka pa si Kuya Blake nang madatnan niya akong nakaupo sa sofa habang nakapatay ang mga ilaw at nakasarado ang kurtina."Nandito ka na pala. Akala ko sabay kayo ni Kristoff?" Nalimutan ko na si Kuya. Tumango lang ako at tumayo. Pumasok sa kwarto para mahiga. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang pamamasukan sa restaurant o uuwi na lang ako ng Pilipinas. Pero paano si Ashton? Siguradong hindi siya papayag na umalis ako kaagad. Speaking of him, tumunog ang cellphone ko at pumasok ang mga mensahe niya.
A: How was your meeting? Nakauwi ka na ba?
A: I was trying to call you but your phone is unattended.
A: Kristoff called at hinahanap ka sa akin. Hindi mo raw siya sinabihan na hindi ka na magpapasundo. Where are you?
A: Karla, I'm worried. Where are you mahal ko?
A: Kung wala lang akong surgery in an hour kanina pa ako nagpunta diyan.
Pagpasok ng huling mensahe ay sakto namang pag-ring ng cellphone ko na kakacharge ko lang.
"Hello, Ashton." Narinig ko kaagad ang buntong hininga niya. Para siyang nabunutan ng tinik. He sounded so relieved.
["Are you okay? Where were you? . . . Yes, I just have to take this important call. I'll be there in a bit."] Mukhang busy siya pero tumawag pa rin siya.
"I'm okay. I'm sorry. Nag-empty battery ang phone. I went home alone. Sasabihan ko na lang si Kuya na nakauwi na ako. Sorry for making you worry. Sige na, I'll call you later ha." I tried to sound cheerful para hindi niya mahalata ang mood ko Pero si Ashton pa ba ang lolokohin ko?
["I know there's something wrong. I just have to do this surgery then we'll talk. Okay? I love you."]
"I love you too. Sige na, later na lang." Ibinaba ko na ang tawag at ipinikit ang aking mga mata. Hinihiling kong sana ay magising na ako kung bangungot man ito.
Nakaidlip ako at naalimpungatan ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Nakikipagtalo siya sa kausap niya. Sumilip ako sa sala kung saan nandoon sila ni Kuya Blake. May ka video conference silang dalawa sa laptop.
"Paano nakarating dito ang tarantadong 'yon?! At paano siya nakapasok ng trabaho dito? Hindi ba sabi ninyo ni Lucas sa'kin ayos na? Hindi na sila magkikita?!" Nanginig ang katawan ko ng mapagtanto ko kung sino ang pinag-uusapan nila.
["Hindi ko alam Kuya, ang sabi ni Lucas, sa Mindanao niya pinadala si Derek. Hindi namin alam na nasa Australia siya. Pinapatingnan na namin kung sino ang nagrefer sa kaniya at paano siya nakalusot sa amin ng hindi namamalayan. Anong sabi ni Karla?"]
"Natutulog siya hindi ko pa nakakausap pero sigurado ako kaya siya umalis ng hindi ako kasama kanina ay dahil sa gagong 'yon!"
"Bro, easy lang. Baka magising si Karla." At saka sila napatingin dalawa sa pintuan kung saan nakasilip ako. Napatayo si Kuya Blake nang makita ako at natahimik naman si Kuya Kristoff.
"Karla. . ." Tumango lang ako at lumapit sa kanila.
"Don't worry about me. Okay lang ako. I'll be starting my apprenticeship tomorrow at the restaurant. Nakakahiya naman kay Ashton at sa kaibigan niya kung hindi ako tutuloy." Napahugot muna ng hininga ang dalawang kausap ko bago sila nagsalita. Parang pinipilit nilang pakalmahin ang sarili nila.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...