Chapter Fourteen

2.9K 105 9
                                    







Sinamahan ako ni Ashton sa restaurant on my first official day of apprenticeship.  Kinumbinsi ko ang sarili ko na ayos lang ang lahat.  Titiisin ko na lang ang presensiya ni Derek.  Isang linggo lang namang pagdurusa.  Hindi pala nasabi ni Clint kay Ashton na hindi siya ang makakasama ko. 

"Mahal ko, bakit hindi mo sinabi wala pala si Clint dito ngayon and for the whole week? Kung wala siya, I'm not comfortable leaving you here.  Mas okay pa na huwag na lang for two weeks.  Pwede ko naman gawan ng paraan o sa iba na lang kita papag-train.  Pwede doon sa restaurant sa. . ." 

"Huwag na.  Ikaw naman ang OA mo.  Ayos lang ako.  Sige na, you can leave me here." Sinubukan ko namang magmukhang masiyahin ang expression ng mukha ko kaso ay sadyang matinik ang nobyo ko. 

"Karla, para kasing hindi ka kumportable.  Looking at you, you looked nervous and were fidgeting on our way here.  May message rin si Kristoff kagabi.  Sabi niya bantayan daw kita.  Hindi ko pa siya nakausap pero I intend to find out why he said that."  Bigla akong kinabahan.  Hindi ko alam kung magkukuwento na ba ako sa kaniya o hindi pa.  Sabi nga nila honesty is the best policy kaya naisip kong sabihin na lang sa kaniya kung ano ang nangyayari.

"Ano kasi. . ."  Tumunog ang cellphone niya at kinailangan niyang lumabas muna ng opisina ni Chef Clint para sagutin ang tawag.  Wala pang masyadong tao sa restaurant nang dumating kami.  Ang security guard lang at dalawang staff na nag-aayos ng mga stocks nila at inventory ang nandoon.  Bilang business partner, may susi naman si Ashton ng opisina ni Clint kaya't nakapasok kami sa loob nito. 

"Mahal ko, let's go.  I need to go back to the hospital, naka-prep na pasyente ko for operation.  Ihahatid muna kita sa hotel."

"Ha? E hindi ba at first day ko na dito?" Umiling lang siya at hinila ang kamay ko at iginiya ako palabas ng opisina at ng restaurant.  Isinakay niya ako ng kotse at nilagyan pa ng seatbelt para wala na akong kawala. 

"Sabi ko sa'yo ayaw kong iwan ka dito. Wala nang reklamo.  Let's go."  Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.  Along the way sa hotel ay tinawagan niya ang kaibigan niya para sabihin na hindi na ako magpapatuloy sa planong pagtatrabaho sa restaurant.  Sa isang banda, I was relieved.  Mabuti na rin na ako na mismo ang umiwas sa gulo. 

"Ang praning ng gwapo kong boyfriend."  He smiled giddily at madaliang lumingon sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalyeng binabagtas namin.

"Pakiulit po."

"Alin? Praning ka?"

"Iyong isa."

"Ah. . .ang gwapo ng boyfriend ko." Lalo pa siyang napangiti at saka tumango.  Feel na feel naman niya. 

"Ang sweet ng mahal ko."  Pagpakaparada niya sa harapan ng malaking hotel nila Ate Sandy ay nagpaalam na rin siyang umalis.

"Hindi na ako aakyat ha.  Dito ako uuwi mamaya pagkatapos ng Duty ko.  I'll see you later."  He gave me a gentle kiss on my lips that lasted for five minutes.  Estimated time lang naman pero alam kong matagal iyon. 

"Ang hirap umalis. . ." I pinched his cheeks.

"Sige na, Doc.  Alis ka na po, naghihintay na ang pasyente ninyo.  I'll wait for you kahit gaano pa katagal." Umisa pa siya ng halik bago ako inalalayan bumaba at saka siya umalis pabalik ng trabaho. Papanhik ako gamit ang elevator nang maalala kong nailagay ko ang cellphone ko sa may dashboard ng kotse niya.  Makikita naman siguro niya iyon kaya't hinayaan ko na lang. When I entered Kuya Blake's Suite, wala pa ding tao.  Sa ilang linggo naming magkakasama, hindi ko man lang alam kung saan nagsusuot ang dalawang iyon kapag magkasama.  Si Kuya Kristoff naman kasi ay on-call lang at kadalasan ay work from home.  Malamang nambababae lang silang dalawa.  Parehas silang matinik sa chicks at parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng babae. 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon