"Ma, hindi ka na ba talaga mag-eextend? Mamimiss kita. . .malulungkot talaga ako na hindi na kita araw-araw makikita at makakausap." Naiiyak kong sabi sa Mama ko nang ihatid namin siya sa airport kung saan naghihintay ang private plane ng mga Kendrick."Ang OA mo anak, hindi naman talaga tayo araw-araw nagkikita kahit sa Pilipinas, hindi ba at kina Ate Karen mo ikaw nakatira? Besides, I doubt na malulungkot ka talaga dahil nandiyan naman si Ashton." Kahit kailan talaga ang nanay ko napaka-prangka. Dito kami nagmana ni Ate Karen.
"Ma naman. . ." Natawa siya sa pagmamaktol ko at niyakap ako nang mahigpit. Hinalikan pa niya ang tuktok ng ulo ko.
"Mamimiss din kita ng sobra bunso. . . Magpapakabait ka ha huwag bigyan ng sakit ng ulo si Kuya mo at si Ashton." Hala siya, kasama talaga si Ashton sa pagbibilin niya.
"Bakit ba tuwing magsasalita ka Ma, may Ashton na kasama?" Tinawanan lang niya ako ulit. Narinig ni Kuya ang sinabi ko at lumapit para kutusan ako.
"Aray naman! Ma, si Kuya o!" Hinila kami ng Mama ko at niyakap kaming dalawa ni Kuya. Pagtingin ko ay naluluha na siya. Drama queen din itong nanay ko.
"Huwag kayo mag-aaway dalawa ha. Malalaki na kayo. Si Ash. . ."
"Ma! Ashton na naman!" Isa pang kutos mula sa kapatid ko at ginantihan ko rin siya. Para kaming mga bata na naghabulan sa may labas ng Private Plane lounge.
"Ang arte mo kasi! Eh sa gusto ni Mama si Ashton para sa'yo! Kunwari ka pang ayaw mo eh doon mo nga pinatulog si Ashton sa bahay kagabi!" Nilakasan pa ni Kuya para marinig ni Mama. Ngumiti lang ito sa amin. Boto talaga kahit na parang doon na nakatira sa bahay ni Kuya ang nobyo ko ay ayos lang sa kanila. Mga kunsintidor din. Balak pa ata nila patayuan ng grotto ang boyfriend ko. Haaay. . . boyfriend. Napahinto na ako sa paghabol kay Kuya at inantay ang gwapong nilalang na naglalakad papunta sa amin. Nakangiti ito at kumikislap ang mga mata. Mukhang amused na amused sa nakitang kaguluhan namin ng abnormal kong kapatid.
"O nakita mo na, anak. Nakatulala ka nga diyan. Isara mo ang bibig mo, baka pasukan ng langaw." Nakangiting sabi ng nanay ko na tumabi pala sa akin. May pang-aasar laging kasama. It runs in the family talaga.
"Ma, wala pong langaw dito." Napangiti na rin ako dahil lumapit na si Ashton sa amin. Humalik muna siya sa aking pisngi at saka nag-mano kay Mama at bumeso. Pagtapos ay nag-fist bump naman sila ni Kuya at nginitan niya si Ate Steff na nakaupo at nagmamasid lang sa bench sa gilid.
"Mama, mag-ingat po kayo sa biyahe. Regards po kay Papa at kina Karen at Luke."
"Oo naman iho. Salamat. Makakarating sa kanila ang pabati mo. Kayo din dito mag-iingat ha. Ikaw na ang bahala dito sa bunso ko. Pagpasensiyahan mo na minsan kung masungit. . ." Tumango lang ang boyfriend ko at ngumiti, tapos ay tumingin ito sa akin.
"Mama naman!" Saway ko sa nanay ko. Nakangisi si Kuya Kristoff habang si Ashton naman ay nakatingin sa akin. Juicecolored. Kumakabog ang dibdib ko tuwing nakangiti siya ng ganoon sa akin. Parang dumoble ang kaba ko tuwing ngumingiti siya at nakatingin sa akin na parang ako lang ang tao sa mundo.
"Eherm!" Si Kuya Kristoff ay isang malaking epal. Hinila si Mama papunta sa kanila ni Ate Steff. Nang medyo malayo na sila ay hinila ako ni Ashton at niyakap nang mahigpit. Then he kissed my lips. PDA at its finest ang peg naming dalawa.
"I love you. Sobrang namiss kita." Kinilig ako oo. Sobrang kilig pero ang OA niya din. Kaya kinurot ko sa tagiliran.
"Grabe ka. Ang adik mo na. Kakaalis mo lang two hours ago sa bahay tapos maka-miss ka. . ." Humalik pa siya ng isa pa. Wala siyang pakialam sa mga nakakakita. Paglingon ko sa mama at kapatid ko, hindi naman sila nakatingin sa amin kaya sinunggaban ko ulit si Ashton. Eh. . .namiss ko din kasi. Hindi ko na alam kung ilang minuto kami nagpalitan ng nag-aalab na halik pero paglakad namin papunta kina Mama ay nag-iiyakan sila ni Kuya at Ate Steff. Ang dami ko na namang na-miss.
"Anong drama nyo? Bakit hindi ninyo ako sinasama?" Nakiyakap ako sa kanila.
"Paano ka namin isasama eh busy ka." Pang-aasar ni Kuya na nagpupunas ng luha ni Ate Steff at ni Mama.
"Ano nga? Bakit kayo naiyak?" Umiling lang sila at ngumiti.
"Wala lang. Tsismosa ka talaga. O sige na po, Ma. Mag-iingat po kayo. Tawag kayo kaagad paglapag sa Pinas ha." Bilin ni Kuya.
"Kayo din mag-iingat lagi. Lalo ka na Karla ha. Ashton, paki-alagaan mabuti ang bunso ko. Salamat at hindi ka bumitiw sa kaniya." Yumakap pa ito kay Ashton.
"Ako pong bahala. Huwag po kayong mag-alala. Mahal na mahal ko po si Karla, hindi ko po siya pababayaan." Kahit palagi ko naman naririnig ang mga salitang iyon mula sa kaniya, iba pala ang pakiramdam kapag sa magulang ko niya sinasabi. Parang mas masarap pakinggan.
"Salamat." Yumakap pa ulit sa aming lahat si Mama bago ito tuluyang pumunta sa boarding area niya.
Pag-uwi namin ng bahay, kasama pa din si Ashton. Nagpahatid lang raw siya sa airport kaya sumabay siya sa amin nila Kuya.
"Wala ka bang pasok?" Pagtataka kong tanong nang sumunod pa ito papunta ng kwarto ko. Sila Kuya at Ate Steff naman ay pumasok sa office ni Kuya.
"Wala. Off ko ngayon. Nag-rounds lang ako kanina kaya dumaan ako ng ospital. So? Anong gagawin natin maghapon?" Hinapit niya ako sa bewang at saka tinitigan sa mata. Pagkuwa'y bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Naririnig ko ang lakas ng tambol ng puso ko nang yumuko siya at marahan akong hinalikan. Nalimutan ko yatang huminga kaya't tumigil siya.
"Breathe. . . kailangan mo ng oxygen mahal ko. . ." Ang husky ng boses. Nakakakaba lalo. Noong magkabalikan kami, mali. Noong nagkita kaming muli at nagkasama, mas naging mapusok ang mga halik niya sa akin. Siguro ganoon talaga kapag matagal na nagkahiwalay.
"Humihinga naman ako. . .ahhh. . ." Hindi ko napigil mapaungol nang kagatin niya ang tenga ko at humalik pababa ng leeg ko.
"I love you. . .pasyal tayo?" Kahit nag-aaya siyang mamasyal, walang tigil pa din ang paglalaro ng mga labi at dila niya sa pisngi, leeg at tenga ko. Nakakaliyo. Nakakalula.
"Sige. . .saan?" Bahagya ko siyang itinulak ng unti-unting bumaba ang halik niya sa may dibdib ko.
"You're making me crazy. . ." Humalik pa siya ng isa pa sa mga labi ko bago ako niyakap at saka siya lumayo at sumandal sa pintuan.
"Baliw ka naman talaga, idinahilan mo pa 'ko." Natawa siya sa sinabi ko. Ginawa na naman akong clown ng mokong.
"Mahal ko, bihis ka na. Alis tayo." Yumuko ako at tiningnan ang suot ko. Hindi naman ako nakahubad.
"Bakit nakahubad ba ako?" Lumapit siya at hinila na naman ako padikit sa kaniya. Adik nga.
"Gusto mo ba?" Hinampas ko siya at tumawa siya ng malakas.
"Pupunta tayong amusement park. Bawal naka-skirt doon at naka sexy na shirt." He kissed the tip of my nose at idinikit ang noo niya sa noo ko.
"Talaga ba? Ano naman dapat suot?" Hinamon ko siya.
"Turtleneck longsleeves and pants."
"Bakit naman? Dresscode ba 'yon?"
"Para walang titingin sa'yo. Ako lang. Masyado kang maganda. . . baka pagtinginan ka ng mga tao." Napanganga ako sa sinabi niya.
"Ano? Kailan ka pa naging seloso?"
"Dati pa akong seloso. Kay Lei nga nagseselos ako, sa iba pa kaya?" Ako naman ang natawa.
"Para kang tanga. Pero mahal kita. O sige na, magbibihis lang ako. Labas ka muna."
"Pwede manood?" Umilag siya kaya't hindi tumama ang paghampas ko sa kaniya. Dali dali naman siya lumabas ng kwarto.
"Joke lang naman! Baka sakali lang na makalusot! Wait ako sa baba." Natatawa niyang sigaw nang isara niya ang pinto.
Sa mga masasayang sandali na ganito ko mas nararamdaman na maswerte ako dahil maraming taong nagmamahal sa akin at kaya ko nang magmahal ulit ng buo. I am thankful to have found the will and strength to live without fear. Kung darating man ang oras na ikinakatakot ko, may panghahawakan na ako para hindi na ako sumuko. Love, the most powerful feeling in the world.
***
Happy New Year!🎆Feliz y prospero ano nuevo! This update is for all of you. Thanks for reading!!!
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
ChickLitSi Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang carefree na si Karla ay nagkaroon ng mga pagliko ang dating matuwid na daang tinatahak niya. Sa usa...