Chapter Ten

3.7K 124 9
                                    




            

Pagdating nila Kuya Kristoff at Kuya Blake, nagkwentuhan muna sila sandali bago nagpaalam na rin si Ashton.  Ipapasyal niya daw ako sa mga museum kinabukasan kaya't dapat na raw kaming magpahinga.   Ayaw sanang sumama ni Kuya Blake sa amin dahil makakaistorbo lang raw siya pero may aasikasuhin ang kapatid ko sa opisina nila kaya't wala siyang choice kundi ang maging third wheel.  Maaga kami sinundo ni Ashton sa hotel.  Hindi na kami umaalis ni Kuya Kristoff doon dahil na rin sa minsan na nga lang raw kami magkasama samang tatlo kaya't gusto ng bisita namin na masulit ito.

"Bro, naisip ko lang.  Hindi ba may itinerary ka na sabi mo? Bakit hindi mo sinunod?" Tanong ni Ashton sa kaibigan niyang doctor.

"Napasyalan na namin kahapon ni Kristoff.  Konti lang naman talaga ang gusto ko maikot dito.  Dinalaw ko lang talaga kayong dalawa dito ni Kristoff. Bonus na lang itong isa kong kapatid."  Ginulo niya pa ang buhok ko habang pinapalis ko ang kamay niya.  Mga kuya talaga pang-asar sa buhay. Inayos ko tuloy ulit ang buhok kong nagmukha nang pugad ng ibon.

"Mabuti na nga lang nagkasabay kayo ng bisita."  Napatitig lang si Ashton sa akin kaya itinulak siya ni Kuya Blake papalapit at nagkauntugan ang mga balikat namin.

"Kuya naman!" Saway ko sa kaniya.

"Huwag nga kayong mag-moment pag kasama niyo ko, nakakainis eh." Natawa lang si Ashton at kinuha ang kamay ko, iginiya ako papalabas ng hallway.

"Inggit ka lang.  Tara na.  Bukas na ang museum."

Passion ko noon ang pagpinta noong hindi na ako nag-diving.  Kaya unang kurso ko ang  Fine Arts.  Kaso ay masyadong maraming concept ang pagpipinta at sabi ng professor ko noon, masyado raw dark ang mga ipinipinta at iginuguhit ko.  May punto naman siya.  Sa lahat ng obra ko, laging may madilim na bahagi.  Sabi ni Mama, ito raw marahil ang trademark ko.  Kalaunan, isinuko ko na rin.  Paminsan minsan, gumuguhit ako ng mukha ng tao, portrait na lang at hindi na abstract painting. 

"Karla, you really have an eye for paintings.  Halos lahat ng pinuntahan mo at tinitigan mo ay galing sa mga sikat na pintor." Pansin ni Ashton noong napatapat ako sa isang obra na parang tubig ang kosepto.  Isang bagay na hindi ko magawang tapusin.  Tuwing may tubig na elemento sa iginuguhit ko, parang nabablanko din ako.

"Siguro pero hindi ko napanindigan." Napabuntung hininga ako.

"Bakit?" Tanong niya na may pag-aalala sa akin.

"May mga bagay na kailangan isantabi at iwanan kahit gaano mo pa ito kagusto ipagpatuloy o makuha.  Kahit na pakiramdam mo ay ito ang makakapagbigay sa'yo ng ibayong kaligayahan, kung sa tingin ng iba ay makakasama lang at walang patutunguhan, isusuko mo rin ito."

"Bakit nga? Bakit hindi mo na lang ipaglaban kung gusto mo talaga?" 

"Dahil duwag ako.  Takot ako masaktan.  Ayoko ng hindi ako tanggap.  Ayoko ng komplikado.  Buong buhay ko, kumplikado ang pakiramdam ko kaya gusto ko sa normal lang, sa walang kakaiba.  Sa hindi mahirap intindihin at gawin." Umiwas na ako sa usapan.  Iniwanan ko siya na nakatayo doon na tila nag-iisip.  Mabuti na rin na alam niya na ang posibilidad na sukuan ko din siya kahit hindi pa man kami nasisimula.

"Karla. . ." Sinundan pala niya ako.   Mukhang marami siyang gustong sabihin pero hindi niya itinuloy.  Niyakap niya lang ako.  Ano naman kaya ang problema nito?

"O, bakit? Drama rama sa umaga?"

"Hindi kita sasaktan.  Hindi ko gagawing kumplikado ang lahat para sa atin.  Lahat gagawin ko para hindi ka mahirapan."  Matalino nga siyang sadya.  Nairelate niya kaagad sa amin ang mga sinabi ko. 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon