The Other One Who Went Away

181 3 0
                                    

Naranasan mo na bang ang dami dami dami dami mong sinabi tungkol sa isang tao, bagay, o sitwasyon pero in the end, busog na busog ka dahil isa isa mong kinain ang mga salita mo?

Naramdaman mo na bang sobrang takot ka sa isang relationship pero hindi ka kumakawala dahil naiisip mo palang na bibitiw ka sa taong nagpapatibok ng puso mo e parang malalagutan ka na ng hininga?

Naisip mo na bang parang naloloka ka na dahil laging mukha niya ang nakikita mo; sa gabi bago matulog, sa umaga pag kagising, at maging sa bawat sulok na tinitignan mo? Ipikit o idilat mo ang mga mata mo ngiti nya ang naaninag mo.

In short, nalugmok ka na ba sa love na hindi mo inaasahan? At mas lalo namang hindi mo pinangarap! Pag-ibig nga naman. Daig mo pa ang addict at may separation anxiety ka tuwing matatapos na ang araw at kailangan nyo na munang maghiwalay. May takot na baka bukas hindi na ikaw ang pipiliin nyang makasama. Tsk... Tsk... Tsk... Isa kang alipin sa pag-ibig na hindi mo inakalang mararamdaman mo.

Well, ako, oo lahat ang sagot ko at higit pa diyan ang mga naranasan ko. Eto ang kwento ko...

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon