31

53 3 0
                                    

Mabilis natapos ang work day. Buti na lang ay natapos ko rin ung article kong hinahabol simula kahapon. At least, productive ang last working day of the year ko. Mukhang natuwa naman si boss nung pinasa ko ung article. Ilalagay kasi un sa issue for January. Target nilang first week e malabas na un. And I guess we made it! Kaya nga tuloy na tuloy ang party mamaya.

"Honey, uwi muna tayo sa condo mo para magfreshen up. Dito lang naman sa Makati ung bar na pupuntahan natin," sabi ni Drew.

"Yes, honey," sabi ko naman habang kinukuha ko ung bag ko.

Ang gentleman kong boyfriend tinulungan na ako sa bitbit ko at nilead papunta sa parking.

Nagsnack muna kami ng sandwich sa condo bago ako nagshower at nagbihis. Un ang sandwich na hindi sinasadyang magpaibig kay Drew sa akin. Hindi sinasadya pero mabuti na lang talaga at nangyari. Kung hindi dumating sa buhay si Drew baka wasak na wasak pa rin ako. Inaamin ko may mga times talagang nakikita ko pa rin ang mukha ni Jigs sa mga iniisip ko. Hindi ko maiwasan. Parang kahit may totoong boyfriend na ako naghoholdon pa rin ako sa memories naming nung so-called mahal ko nun. Hindi naman un cheating diba? Thoughts lang naman un. Siyempre sa totoong buhay loyal ako sa honey ko.

"Masyado atang sexy ung suot mo, honey," sabi ni Drew nung nakita niya ako paglabas ko ng room ko at medyo kunot pa ung noo niya habang umiiling.

Nakaroyal blue tube mini dress kasi ako na hapit na hapit sa katawan ko.

"You don't like it, honey?" Tanong ko na nakapout sabay pulupot ng mga kamay ko sa neck niya.

"Gusto ko pag ako lang makakakita," sabi niya na may evil smile.

Nagblush ako. Then hinalikan niya ako ng mariin sa lips. I kissed back.

"Wag na kaya tayo pumunta? Ienjoy na lang natin yang outfit mo dito?" Mapanuksong sabi nya habang kinikiss ako at mahigpit na niyayakap.

Nung nag-end na ung kiss namin nagpalit na lang ako ng simpleng black sleeveless dress.

"Better, honey. Let's go," sabi ng conservative na possessive kong boyfriend.

Maganda ung ambiance sa bar. Ung mga ilaw at music nakakaindak. Habang naglalakad kami papunta sa officemates namin may nakita akong familiar faces.

"Karla! Julius!" Sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kanilang hila-hila ko si honey.

"Macey, good to see you!" Sabi ni Karla sabay beso sa akin.

Bineso ko rin si Julius na panay ang titig sa akin.

"Boyfriend ko, si Drew," pagpapakilala ko sa kanila.

Medyo napakunot ung noo ni Karla bago kinuha ung kamay na inoffer ni honey ko.

"Nice to meet you," sabi niya.

Naghighfive naman sila ni Julius.

"Kayo lang?" Tanong ko.

"Hindi. Kasama ako," sabi nung biglang sumulpot sa gilid ko.

Masyado siyang malapit nararamdaman ko na ung init ng katawan niya. Si Jigs at mukhang may tama na. Frozen. Un na naman ako. Medyo napansin ata ni Drew kaya dahan-dahan na niya akong hinila paalis.

"Nice meeting you guys. Doon muna kami sa party ng office namin," paalam ni Drew.

Tumango na lang sila Julius at Karla. Si Jigs naman nanatiling nakatayo at nakatingin sa akin. Wow! Friends na silang tatlo? Diba ayaw nila Karla at Julius kay Jigs? Hmm...

"Great!" Sabi ni Drew habang padabog syang umupo.

Great? Meaning napansin niya ba ang hindi ko nakamoveon na damdamin para ka Jigs? Mahal ko naman si honey pero kahit anong pigil ko minsan e hindi ko pa rin tuluyan na nakalimutan ung first love ko... ung mahal ko. Mahal pa kaya ako ni mahal ko? Bakit siya lang ung lasing sa kanilang tatlo? Tsk. Just forget it Macey.

"Honey?" Tawag ko sa kanya habang tinititigan ang ekspresyon niyang hindi ko mabasa.

Hindi siya sumagot. Ni hindi niya ako tinignan. Kinakabahan ako. Ito ata ang magiging unang away namin ni honey ko. Tahimik lang din akong nakaupo at patingin tingin sa mga kasamahan namin. Kunwari nakikinig sa mga kwento nila. Si Drew naman nakadalawang bote agad ng beer. Tsk.

Maya-maya pa nagulat ako nung ihug ako ni Drew mula sa gilid ko.

"I love you, honey. Sorry I got a bit jealous. Okay, seriously jealous. Ang sakit kasi alam kong siya ang first love mo at siya ang dumurog sa puso mo. Gusto ko rin siyang durugin kanina," bulong ni Drew sa akin.

Ang bilis ng pintig ng puso ko. Parang may mga kabayong nagkakarera sa dibdib ko.

"I love you, honey. Don't be jealous. I love you," bulong ko rin sa kanya.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa lips. First time namin maghalikan at yakapan ng ganito sa harap ng mga officemates namin. At wala kaming pakealam. Pero pag angat ng tingin ko nakita kong may nakatitig sa amin na laglag ang panga pero madilim ang tingin... si Jigs. Mukhang galit na ewan. Ewan talaga!

We made the most out of the night. Uminom kami ni Drew, sumayaw, at nagtawanan. Akala ko talaga kanina mag-aaway na kami. Buti na lang at mabait at understanding ang pogi kong boyfriend.

"Are you having fun?" Tanong ni Drew sa akin habang niyayakap ako palapit sa kanya at sinusway kami ng bahagya.

Tumango ako at niyakap ko rin siya ng mahigpit at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Sweet kasi ung music ngayon. Kung pwede lang na ganito sana kami palagi. Kung pwede lang na wala na sanang complications kahit kalian. Kung pwede lang forever na sanang buo ang puso ko dahil sa pagmamahal ni Drew sa akin. Kung pwede lang. Sana.

Ginantihan ko naman ang sweetness nya. Tumingkayad ako at hinalikan ko sya sa labi. Nagulat pa sya pero he kissed me back while we were doing our sweetest dance.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon