19

59 3 0
                                    

Diniretso kami ni Jigs sa bahay nila. Para siguro hindi ko siya matakasan. Hindi ako makaangal parang lumilipad kasi ung ulo ko dahil sa dami ng alcohol intake ko. Leche kasi ung Keno na un gusto ata akong pag samantalahan talaga kaya pinalaklak ako nang pinalaklak ng tequila.

Pagkapasok ni Jigs ng kotse niya sa garahe binuksan nya ung pinto ko at inalalayan ako pababa.

"Pwede ba next time if gusto mo maglasing ayain mo na lang ako o kaya si Karla or ung ibang girl friends mo? Hwag ka ulit magbabar mag-isa. Ung ganda mong yan mapipickup ka talaga dun kahit hindi mo gusto ko. Tsk," asar niyang sinabi habang binubuksan niya ung front door nila.

Hindi ako makahinga. Maganda daw ako sabi niya. Shet! Tumatalon ung puso ko. Pero teka lang... eto na naman ako nagpapabola.

Pinaupo niya ako sa sofa. Siya naman ay kumuha ng malamig na tubig at hot towel. Pinainom ako at pinunasan ang mukha ko gamit ung hot towel. Ganito rin kami nagsimula noon ah.

"Ano ba kasing problema, Macey?" Tanong niya habang sinasandal ang ulo ko sa sofa.

Aba! Macey na naman ang tawag niya. Matagal-tagal na rin ung huling pag tawag niya sa akin ng mahal ko ah. Nagpaparamdam na siguro ito na wala lang talaga ung sa amin. Pero bakit sinabi niya kanina na nagpipigil lang siya at kung gusto kong parape e siya na lang daw sana? Ang gulo na naman ng utak at puso ko. Parang nagraramble ang utak at puso ko. Shit!

"Wala," malamig kong sagot.

"Ano bang nangyari sa atin?" Tanong niya habang hinahawakan ung mga kamay ko.

"Un kasi un Jigs e... walang atin... walang tayo. Ikaw lang...ako lang... ganun lang. Kaya wala," sagot ko bago ako pumikit.

Nanatili lang ung hawak niya sa kamay ko. Narinig ko siyang humihikbi kaya napamulat ako.

"Mahal ko, may aaminin ako. Promise makinig ka muna. Hwag mo muna akong husgahan please," sabi niya in between sobs.

Kinabahan ako. Hindi ko ata kakayanin ung sasabihin niya. At tinawag pa niya ako ulit na mahal ko ah. Mukhang seryosong usapan 'to.

"Alam ko napapansin mo naman at dati mo pang sinasabi na may gusto sa akin si Rina. Ramdam ko rin un kaya naman panay din ang iwas ko sa kanya. Tinatry ko pa siyang ipair sa iba kong mga kaibigan," huminga siya ng malalim.

Natatakot ako sa naiisip kong kahahantungan nang sasabihin niya.

"Medyo napapadalas ung mga projects namin together. Tapos panay ang iwas mo. Siya naman panay ang dikit sa akin. Simula nung hindi mo na ako pinapansin lagi akong nag-iinom mag-isa. Lagi naman niya akong sinusundan. Minsan lasing na lasing ako..."

Parang hindi ko na kaya. Tumayo ako bigla bago niya matapos ung sasabihin niya. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Lasing na lasing ako tapos siya ung andun. She took care of me. She brought me sa apartment niya. May nangyari. Now she told me na nagbunga ung minsan na pagkakamaling un," todo na ung iyak niya ngayon.

Sinampal ko siya. Nawala ung lasing ko. Tumakbo ako palabas ng bahay nila. Hinabol niya ako. Umiiyak na rin ako.

"Please leave me alone!" Sigaw ko.

Nahabol nya ko at niyakap. Dali-dali ko siyang tinulak.

"Don't touch me you dirty fucking asshole!"

Napakaswerte ko lang talaga at biglang may dumaang taxi. Pinara ko at sumakay ako agad. Kinuha ko ung kotse ko dun sa bar.

Hindi ko alam paanong nangyari pero ang galing lang talaga. Parang automatic na nawala ung lasing ko. Nakapagdrive ako hanggang Laguna. Pinuntahan ko si Ate Madaling araw pa nung dumating ako sa bahay nila. Pinagbuksan naman ako at pinatuloy nung kasama nila. Tulog pa sila Ate kaya pinatuloy muna ako sa guest room.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon