29

58 1 0
                                    

After ng gift-giving nagstay kami sa may garden nila Drew. Ang moon at Christmas lights ang nagbigay ng liwanag sa paligid. Malawak at maganda ung garden nila. Maraming bulaklak at iba't ibang halaman. Si Tita daw nagmemaintain nun. Naks. Tita. Naupo kami sa magkatabing swing. Romantic.

"Merry Christmas, honey. Pinasaya mo talaga ang Pasko ko," sabi ni Drew habang nagduduyan sa swing niya.

"Thanks honey. Pinasaya mo rin ang Christmas ko," sabi ko na nakatitig sa buwan.

"I love you," sabi niya sabay tumayo sa harap ko.

"I love you, too," sagot ko naman. Nagbend siya at hinalikan ako sa lips.

Sa hindi malamang dahilan bigla kong naalala ang una at huling Pasko namin ni Jigs together. We went to La Union. Nothing grand, puro takeout food lang ang handa namin nung Christmas Eve then sa hotel lang kami. Isang room lang kami nun pero tig-isang single bed. He gave me a framed portrait of myself. Isang candid shot nung birthday ko na nag-absent kaming dalawa at nagpunta sa Sky Ranch. Maganda ung pagkakuha; mukha akong tuwang tuwa dun. Nasa bahay namin un sa Quezon City. Ung presence lang naming dalawa ung nagpaligaya sa amin nun.

"Honey?" Nagulat ako nung biglang nagsalita si Drew. "Anong iniisip mo?"

"Sorry honey. Naalala ko lang pamilya ko," sabi ko. Sorry po, paskong pasko nagpapalusot ako.

"Gusto mo na silang tawagan sa Skype?" Masayang tanong niya.

"Buti pa nga," sabi ko naman na ngumiti rin.

So, ayun na nga at pinakilala ko na si Honey sa parents and siblings ko thru Skype. Palagay ko e nagustuhan naman siya ng mga ito. Sadyang mabait kasi bukod sa gwapo. Nakipagkwentuhan pa kay Daddy at Kuya. Madali talaga siyang makablend. Kulang na lang e anyayahan siya nila Mommy na bumisita kami sa America para harapan silang magkakilala. Is this really it? Siya na ba ang the one for me?

Then tinawagan din namin sila Ate Jenny. Nagkwentuhan kami ng kanya kanyang celebration namin. Mukhang naging maganda ang Pasko nila. Buntis daw ulit si Ate at nito lang nila nalaman. Exciting! Almost four na ata nung hinatid ako ni honey sa kwarto para magpahinga na.

"Let's rest na, honey. Sweet dreams. I love you, my Christmas," sabi niya at hinalikan ako sa lips.

"See you sa dreams ko honey. Love you," sagot ko naman at hinalikan ko rin siya bago ko sinara ung pintuan ng kwarto niya.

Naghilamos ako at nagpalit ng pantulog. Napansin kong nagbiblink ung cellphone ko na nasa side table. May iilang messages na pambati ng Merry Christmas.

Drew: Miss you already, honey.

Talaga namang tumalon talon ung puso ko. Napakasweet talaga nito. Bagay ang honey.

Me: I love you, honey. Tulog na tayo para magkasama tayo ulit sa panaginip.

Drew: Sabi mo yan ha? Antayin kita. Love you honey.

Me: Yes, honey. Bakit ba ang sweet mo?

Hindi ko na napigilan itanong. Ung iba kasi diba sinasabi na pagsweet ang jowa e may ginagawang milagro? In fairness naman kay Drew ko eversince e sweet na siya. Sayang at hindi ko pa pala nakakausap ulit sila Karla at Julius para sana napakilala ko sa kanila si honey.

Drew: Kaya nga honey tayo diba? Sweet tayo parehas. Pero dapat sa isa't isa lang. Love you honey. Kiss. Kiss. Hug.

Aww... sabi ko nga. Nakatulog ako na nilalanggam.

Nagising ako na may nakayakap sa akin. Pag dilat ng mata ko si Drew nakatitig sa akin.

"Good morning, honey," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Nagsmile ako. "Good morning, honey. Anong oras na ba?" Tanong ko.

"Uhm... almost ten palang naman. Late na kasi tayo natulog. Gusto mo na magbreakfast?" Tanong niya na nakatitig pa rin sa akin.

"Magtoothbrush and shower muna ako," sabi kong medyo nahihiya habang dahan-dahang tumatayo.

Tumawa lang siya. "Mabango ka pa naman, honey," tukso pa niya.

Namula talaga ako. Tumakbo na ako papunta sa bathroom bitbit ko ang mga isusuot kong damit.

---

"Good morning po," bati ko sa mga parents ni Drew na nakasalubong namin nung papunta kami ng kitchen.

"Good morning, hija. Paalis kami. Feel at home," sabi ng Mama niya tapos bineso ako.

"Ingat po kayo," sabi ko naman.

Naiwan kaming dalawa ni Drewa at ung mga katulong. Ung Kuya niya kasi pumunta sa girlfriend tapos si Mica kasama ng parents niyang umalis.

Nagbreakfast kami nung mga tira from Christmas dinner.

"Where do you want to go after this?" Tanong ni Drew habang nilalagyan ng spaghetti ung plato sa harap ko.

"Uhmm..." wala akong maisip.

"O sige ako na ang bahala," sabi niya at ngumiti.

Saan naman kaya? May surprise na naman siya?

"Pero kiss muna para isama kita," sabi nya na nakanguso.

Bakit ba ang galing nitong magpakilig?

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon